TWT's NOTE: Final chapter! Salamat sa mga reads :)) May isa na naman akong short story na natapos! ^_^ More to come, lol!~ Enjoy reading baes! xx
x - - - - - - - - - - x
Daddy Long Legs
a short story by toneewritestragedies
- Final Chapter -
x - - - - - - - - - - x
Closing na.
Katatapos lang ng Baccalaureate Mass namin kahapon at ngayon, tapos na ang graduation namin. Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon: happiness - dahil nakatapos na ako ng High School, excitement - dahil sa new challenge sa buhay ko kasi magka-College na ako, lungkot - dahil magkakahiwa-hiwalay na kami ng friends ko, magkakahiwalay na kami ni Payne.
Mula kasi nung sumemplang ako sa bike dahil sa kagagahan ko, iyon na rin ang huli naming pag-uusap ni Payne. Umiwas na siya sa akin all the way, hindi niya ako kinakausap o tinitignan man lang. Hindi ko na rin siya pinilit na pansinin pa ako dahil alam ko magmumukha lang ako katawa-tawa sa paningin ng mga tao dahil namamalimos ako ng atensyon. Leche sila. Namimiss ko talaga siya pero wala naman akong magagawa kung gusto niyang itigil na ang friendship namin na more than a decade, wala na akong magagawa. Oo, nakakapanghinayang pero kailangan kong tanggapin kung ito 'yung step para sa growth namin 'di ba?
"Kathrine?"
Napalingon ako doon sa tumawag sa pangalan ko, si Troy.
"Hi." kiming bati ko sa kanya tapos lumapit siya sa akin.
"Nagre-reminisce ng moments?" umupo siya sa tabi ko. Mag-isa lang kasi ako kanina dito sa room, nagmumuni-muni at inalala 'yung moments ko dito sa loob ng apat na taon. Good bye high school, hello college na kasi ang peg ko nito pagkatapos.
"Errr, medyo. Saan ka pala magka-college?" tinignan ko siya.
"Sa Aster School for the Arts. AB History ang course na ipinasa ko doon. Ikaw?" bored na sagot niya sa tanong ko.
"Wow, AB History! Ang nose bleed naman ng kukunin mong course. Maglo-law ka ba pagkatapos?"
Tumango siya. "Kasama 'yun sa plano ko pero 'di pa ako sigurado. 'Pag tinamad eh 'di magka-college instructor na lang ako."
"Siguro puro kabulastugan lang ituturo mo sa mga estudyante mo 'pag nagkaganoon." tumawa ako.
"Oo, tapos ibabagsak ko silang lahat." at nakitawa na rin si Troy sa akin.
One thing about me and Troy? We're still in love with each other pero hindi lang kami ganoon ka-vocal at showy sa mga nararamdaman namin. Wala ding usapan kung ano na ba talaga kami ngayon, kung MU ba kami, nagliligawan o ano. Hindi naman kasi nagtatanong si Troy kung pwede ba siyang manligaw kasi wala akong nakikitang sweet bone sa katawan niya. Mukha niya.
"Ikaw? Saan ka mag-aaral ng college?" tanong niya naman sa akin.
"Sa Rockefeller University. Magsi-Civil Engineering ako."
Napa-'o' naman ang bibig ni Troy sa sinagot ko sa kanya. Hindi ata siya makapaniwala sa course ko. Bakit? Hindi ba halata sa maganda kong mukha na magsi-Civil ako?
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Bakit? Wala kang tiwala sa talino ko?"
"Meron ano. Majority ng mga nasa Engineering mga lalake. Mag-ingat ka baka maligawan ka ng mga 'yun at mabola ka pa."
Kinilig ako sa sinabi niya. I knew it, alam kong concerned talaga ang lalaking 'to sa akin. Hahaha!
"Selos agad? 'Wag kang mag-alala, mag-aaral ako ng Engineering dahil gusto kong maging Engineer hindi dahil sa mga boys ano." sinimangutan ko siya.
BINABASA MO ANG
Daddy Long Legs
Short Story{ SHORT STORY } Nahuli ni Kathrine na may naglagay ng love letter sa kanyang locker ngunit hindi niya alam kung sino ang gumawa nito. Mayroon siyang clue: ang mahaba nitong mga biyas. Pero saan siya magsisimulang hanapin ang kanyang secret admirer k...