*1

1.9K 63 23
                                    

TYD // 1

---

"Kuyaaaaaaaaaaaaa."

"Oh Pam? Bakit?"

"Nagugutom na po ako."

"Nanaman?"

Tumango tango naman siya. Eto talagang batang 'to, kahit kelan talaga gutom; nagmana siya sa Nanay niya.

Kung nagtataka kayo kung bakit Kuya ang tawag niya saken, sinadya ko yun. Ipinaalam ko sa kanya na kuya niya ako. HINDI ko siya kinakahiya. Ayoko lang sabihan siya ng masama ng ibang tao. Ayoko siya masaktan dahil bata pa siya. Sasabihin ko din naman balang araw eh, kapag naiintindihan na niya lahat.

"Kuya Kuya! Gusto ko nun oh! Yung malaking itlog na pirat."

 

"Huh? Malaking itlog na pirat?"

 

"Opo! Yun oh yung malambot. Yung pinakain niyo saken dati. Dali na po." Tinignan ko naman yung tinuturo niya. HAHAHA. Itlog na pirat? Eh Siopao yun eh!

"HAHAH ano ka ba Pam, Siopao tawag dun hindi malaking itlog na pirat."

 

"Ay ganun po ba? Akala ko eh hehehe. Pero bilan niyo na po ako, gutom na ako."

"Oo na sige na. Tara dali hawak ka sa kamay ko, tatawid tayo." Humawak naman siya sa kamay ko at tumawid na kami. Tsk, gagastos nanaman kami.

"Ate pabili nga po ng isa."

 

"Ethaaaaaaan!" Huh? Sino yun?

"Yo! Wadduuuppp!"

"Oh Dannie!" Si Dannie nga pala, kaibigan ko. Siguro maituturing ko siyang matalik na kaibigan dahil halos lahat ata ng sikreto ko alam niya.

"Gawa niyo dito ni Pam?"

"May binili lang ako kaso itong si Pam, nagpabili nanaman eh." 

 

"Nye! Oy Pamieeee." Lumuhod siya para maging kapantay niya si Pam.

The Young DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon