TYD // 2
---
Tumakbo pa rin ako ng simbahan, pinipilit kong isipin na makikita ko pa siya. Di ko magawang sumuko sa kanya. Hinding hindi.
At gaya ng sinabi ni Dannie, wala na siya. Wala na siya dito. Para naman kasi akong tanga, umaasa pa rin ako.
"Ethaaaaaaaaaan!"
"Ethan, sorry talaga. Di ko naman kase ugh. Sorry talaga, akala ko kase ano. Hay. Sorry talaga. Promise ko sayo, hahanapin ko siya para sa inyo. Promise ko yan." Kahit gusto ko siyang sigawan at magalit sakanya, di ko magawa. Kaibigan ko rin naman siya, at malaki utang na loob ko sa kanya.
"Pinapatawad na kita pero bakit di mo ba sinabi agad? Ha? Dannie?"
"Huh?"
"Bakit nilihim mo pa? Bakit di mo agad sinabi na nakita mo siya?"
"Kase... natatakot ako baka pag nagkita na kayong dalawa, ay kakalimutan niyo na ako ni Pam. Sorry Ethan, alam kong napaka-selfish ng rason ko. Sorry talaga."
"Dannie naman! Bakit?! Ugh. Bakit napaka-makasarili mo? Bakit iyon agad inisip mo? Alam mo naman na hindi kami ganun ah, di ka naman namin makakalimutan eh!" Di ko na natiis, napagtaasan ko na siya ng boses. Kasi naman.
"Kaya nga eh. Alam ko ang tanga ko para isipin yun. Kaya nga ako humihingi ng tawad eh. Sorry na, promise hahanapin ko siya para sa inyo ni Pam. Gagawin ko yun." Halos maiyak-iyak na siya. Tss. Di ko matiis 'tong babaeng 'to eh.
"Dannie, wag ka na umiyak. Pinpatawad na kita. Okay na, at least alam ko na nandito lang siya. Nandito siya sa lugar na 'to. Ayos na yun, panigurado ako mahahanap ko rin siya. Tahan na naman oh. Sorry at nasigawan kita."
"Tutulong ako sa paghahanap, promise ko yan Ethan! Bilang maganda at mabait na bestfriend mo, gagawin ko ang lahat para magkita kayo ni Annie."
"Tss. Kahit kelan talaga, oo na. Sige na, umuwi ka na baka hinahanap ka na sa inyo. Baka nagising na rin si Pam eh. Sige, uwi na!"
"Yes boss! Babay! Ethan, sorry talaga ah." Tapos tumakbo na siya paalis. Tsk, isip bata talaga yun. Lol.
---
Kinabukasan
"Kuyaaaaaaaaa!"
"Oh?"
"Lalabas lang po ako ah."
"Ha? Huwag kang lalabas baka mawala ka!"
"Di po ako mawawala! Diyan lang sa labas eh!"
"Mamaya na Pam, naliligo pa ako eh! Hintayin mo ako."
"Eh kuya, mabagal ka po maligo eh. Gusto ko na po lumabas. Please!"
"Di pwede Pam! Hintayin mo ako."
"Diyan lang po ako promise po yan. Di ako mawawala."
Napatigil ako doon sa sinabi niya. Ganyan na ganyan iyung sinabi saken ni Annie nung huling beses ko siya nakita.
"Ethan, diyan lang ako promise. Di ako mawawala ah!"
Ugh. Naalala ko nanaman. Si Pam kase eh.
"Pam! Malapit na ako!"
Huh? 'Bat wala nang nasagot?
"Pam!" Wala pa rin.
Sht. Binilisan ko na maligo at nagbihis agad ako.
Pagdating ko sa may sala wala na siya, at nakita kong nakabukas yung pintuan. Sht!
"Pam!" Lumabas ako pero wala akong nakitang bata. Sht! Asan na yung batanag iyon.
"Pam! Asan ka na!" Pam asan ka na ba!
"Hoy Ethan bakit ka sumusigaw diyan?" Bigla namang dumating si Dannie.
"Dannie, nawawala si Pam!"
"Ha?! Saan nagpunta iyon?!"
"Di ko nga alam eh. Lumabas kasi ng bahay."
"Ha?! Teka hahanapin ko! Hanapin mo rin! I-tetext nalang kita kapag nakita ko na siya."
"Sige Dannie." At ayun nagsimula na akong maghanap.
Pam asan ka na ba. Di pwedeng pati ikaw mawawala sakin. Di ko na kakayanin ito. Sht kasalan ko 'to eh! Dapat kasi! Ugh!
"Pam! Asan ka na?"
Wala pa rin. Di ko pa rin siya makita. Napag desidyunan ko na magtanong-tanong baka sakaling nakita nila si Pam.
"Ale, may nakita po ba kayong batang babae na maliit, medyo mataba po at maputi? Singkit po yung mata niya."
"Ay nako iho, wala eh. I-try mo maghanap doon sa may simbahan. Maraming pagala-gala na bata doon eh."
"Sige po. Salamat po!"
Sinunod ko naman yung sinabi nung Ale. Nagpunta ako sa simbahan. Sobrang dami namang tao dito, paano ko makikita si Pam dito?!
Naghahanap hanap pa rin ako. Di ako titigil. Habang naghahanap ako, may nahagip ako na isang tao. Si Dannie, nakita kong may kausap siyang babae pero hindi ko makita kung sino. Bigla may sumulpot na bata sa tabi niya, si Pam!
Agad agad akong tumakbo para puntahan siya! Salamat sa Diyos at nakita na niya si Pam.
"Dannie! Pam! Sa wakas nakita ko na rin kayo."
"Ethan?!" Bat gulat na gulat si Dannie?
"Oh bakit gulat na gulat ka? Dannie? At ikaw naman Pam? Di ba sinabi ko naman sa iyo na huwag kang lumabas ng bahay. Pinag-alala mo ako eh."
"Sorry po kuya."
"Kuya?"
O________________________O
Yung boses na iyon. Yung boses na matagal ko nang hinahanap.
Lumingon agad ako, at hindi ako nagkakamali...
Si Annie nga. Si Annie, nasa harap ko ngayon.
"Opo ate siya po ang kuya ko! Kuya! Siya po pala si Ate Camille. Siya po yung nakita saken kanina nung nawawala po ako. Ang ganda niya kuya noh? Ang bait pa."
Camille?
"Annie?!"
"Huh? Sinong Annie? Di ako si Annie, ako si Camille. Ikaw pala ang kuya ni Pam." Camille? Pero siya si Annie. Boses pa lang, siyang siya na. Hindi ako pwedeng magkamali.
"Ha? Hindi! Ikaw si Annie!"
"Ha? Ako si Camille. Baka kamuka ko lang iyon. Sige, alis na ako ah. Huwag niyo nang hayaan umalis mag-isa yung bata. SIge paalam sa inyo." Umalis na siya at napako ako sa kinatatayuan ko.
Siya si Annie. Alam kong siya si Annie, ang babaeng minamahal ko.
---
[a/n: Salamat sa suporta niyo! Hahah! Thank you talaga! :) <3 Subaybayan niyo sana ito. :3 ]
BINABASA MO ANG
The Young Dad
Teen FictionA story of a young dad trying to raise his child, find the girl he loves, and go through life's obstacles.