a/n: first of all, gusto ko mag sorry dahil sa super tagal kong hindi pag-update. Mahigit one year na ata or sobra pa. I'm so sorry guys. Bigla kasi ako nawalan ng idea sa lahat ng stories ko. Ngayon lang ulit naagkaroon but medyo sabog pa rin. Forgive me! (-/\-) I'll try to update my other stories!
Dannie's POV
"Kuya! Kuya? Kuya! Gutom ako!" Pangungulit ni Pammie kay Ethan. Wala tulala pa rin siya hanggang kanina. As in, wala pa siyang sinasabi. Ang huling sinabi niya ata ay iyong pangalan ni Annie.
"Kuya! Bakit ka tulala? Nagandahan ka siguro kay ate Camille no?" Camille. Wtf. Ano ba kasi talagang plano ni Annie? Di ko siya ma-gets. Akala ko ba mahal niya itong si Ethan at itong anak niyang si Pammie. Di ko talaga siya maintindihan. Ayoko namang mag jump into conclusions kasi di ko talaga alam kung anong nasa isip ni Annie.
"Camille?" Biglang napatingin si Ethan kay Pammie. Sa wakas nagsalita na rin ang lalake!
"Opo. Yung ateng maganda na nakakita sa akin. Ganda niya no? Di katulad ni ate Dannie."
O____O
Aba't itong batang to!
"Oy Pammie, magkaiba kami ng beauty no!" Sabi ko naman sa kanya. Kahit kelan talaga itong batang 'to, ang galing manlait. Manang mana kay Ethan! Bakit di siya nagmana kay Annie!
"Magkaiba talaga ate.Yung beauty niya pang artista. Yung mga kagaya kay kuya. Yung sayo kasi... ah hehehe basta." Tss. Di pa tinuloy! Alam ko namang sasabihin niya na pampalengke lang ang beauty ko. Excuse me! Pang market naman no! Hmp.
"Hahaha! Tama na nga kayong dalawa, mag-aaway nanaman kayo eh." Napatingin ako kay Ethan nung mag salita siya. Tss. Sige tawa pa Ethan, kala mo naman totoong pagtawa. Hay. Nakakaawa talaga tong lalaking to eh.
"Eeeeeh kuya kain muna tayo para di ko na inisin si ate Pammie." ABA NGA NAMAN OO!
"Edi wag na tayo kumain." Sagot naman nitong mokong nato! Nako kung hindi lang dahil kanina edi napakain ko na sakanya itong sapatos ko! See? Manang mana silang dalawa!
"Gutom na po ako :(" Sabi naman ng baby Pammie. Ang cute pa rin! Huhu!
"Tara na nga, ililibre kita Pammie. Anong gusto mo? Yung itlog na pirat nanaman? Hahaha!" Sabi ko sa kanya. Di ko talaga matiis tong batang ito eh. ANG CUTE KASI!
"Ang ganda mo talaga ate Dannie!" Pffffffft. Maganda ako pag nanlilibre sa kanya. Oh well, fine. :>
BINABASA MO ANG
The Young Dad
Teen FictionA story of a young dad trying to raise his child, find the girl he loves, and go through life's obstacles.