Ethan's POV
Siya si Annie. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi pwedeng magkamali ang puso ko. Alam na siya si Annie.
"Annie! Saglit lang!" Susundan ko dapat siya, kaso bigla naman humarang saken si Dannie.
"Ano ba! Dannie! Kailangan kong sundan si Annie. Siya si Annie diba?! Di ako pwedeng magka-mali. Hindi siya si Camille! Siya si Annie! Nakikita mo naman diba?!"
"E-ethan. Tama na, hindi siya si Annie."
"Anong hindi? Hindi ako bulag! At lalong hindi ako manhid. Siya si Annie! Bakit ba ayaw niyong maniwala?!"
"Pe-pero, sabi niya. Siya daw si Camille."
"Hindi ako tanga para maniwala sa sinasabi niya."
"Kuya! Kuya! Bakit po kayo nagagalit? Bakit niyo po sinisigawan si Ate Dannie? Sino po ba si Annie kuya?"
Eto ang isa sa mga bagay na ayaw kong tanungin niya sa akin, hindi ko kasi alam kung anong isasagot ko.
Napatahimik lang ako, alam kong hinihintay ni Pam yung sagot ko.
"Pammie, si Annie. Siya yung kababata ni kuya mo. Na-miss niya lang talaga kaya ganyan siya maka-react. Tara, libre muna kita ng pagkain." Binuhat na niya si Pam. "Uh, E-ethan. Iuuwi ko nalang sa bahay si Pammie pagkatapos namin kumain. Uwian nalang kita ng pagkain. Alam ko namang gusto mo mapag-isa. Sige." At umalis na sila.
Naiwan akong nakatayo doon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ano na bang nang-yayari? Si Annie, bakit siya ganun? Sht lang! Di ba pwedeng magsama kami at maging masaya?!
Dannie's POV
Patuloy pa rin akong naghahanap kay Pammie. Diyos ko, san ba kasi nagsusuot yung matabang batang iyon. Pinag-aalala nanaman niya ang ama niya eh. Nakkoooo!
Patuloy pa rin ako sa paghahanap hanggang sa nakita ko siya. May kausap siyang babae. Di ko pa nakikita yung muka nung girl kase nga nakatalikod siya.
Lumapit ako sa kanila, hay sa wakas nawala na yung kaba ko! 'Tong bata nga namang ito oo!
"Pam! Ikaw bata ka, layo ng narating mo ah! Wag mokong gayahin sa pagiging gala!" Sabay yakap ko sa kanya. Hay, napamahal na rin saken 'tong batang ito. Di ko kakayanin pag nawala ito. Kawawa rin si Ethan kung nagkataon.
"Ate! Ang higpit mo naman pong magyakap!" Sabe niya. Aba! Aba! Kahet kelan talaga oh!
"Edi wag! Di na kita yayakapin. Bleh!" Isip bata rin ako eh, pasensya na. Hahaha!
"Drama mo naman ate Dannie!"
"Dannie?" At doon ko lang naalala na may kasama pala si Pam na babae dito. Kaya lumingon ako para makita ko kung sino siya.
At laking gulat ko na,
si Annie, ang ina ni Pam. At ang babaeng pnakamamahal ng bestfriend kong si Ethan.
"A-Annie?!" Nagbalik na siya. Babalik na ba siya kay Ethan?
"Dannie, ikaw nga." Hindi ko alam pero naiinis ako sakanya. Iniwan niya kase ang kaibigan ko, halos masira na ang buhay ni Ethan dahil sa pag-iwan na ginawa niya.
"Ako nga. Oh? Ano? Babalik ka na ba kay Ethan? Pagkatapos mo siyang iwan? Pagkatapos mo siyang saktan dahil sa pag-alis mo? Buti naman at may awa ka pa at bumalik ka na." Di ko na talaga napigilan.
"Please Dannie, wala kang alam."
"Wala nga. Pero ang alam ko, sinaktan mo si Ethan sa ginawa mo. Kung alam mo lang ang mga pinagdaanan niya. Ganyan ka ba talaga?"
"Please Dannie. Nagsisisi ako sa ginawa ko kay Ethan. Sobra. Di ko rin naman ginusto ito eh. Alam mo naman ang pamilya ko, di payag kay Ethan."
"Pwede mo naman siya ipaglaban ah! Bat di mo ginawa?!"
"Di yun madali Dannie! Magulang ko ang kalaban ko dito. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, ganito rin ang gagawin mo."
"Kung ako ang nasa sitwasyon mo, gagawin ko ang mga bagay na alam kong di masasaktan si Ethan."
"Ikaw nga talaga si Dannie. Di ka pa rin nagbabago. Sorry talaga, pero kailangan kong gawin 'to. Please, wag ka muna makielam sa desisyon ko. Wag mo naman ako sumbatan kase nahihirapan din ako." Oo nga naman. kaibigan lang pala nila ako, wala akong karapatan. Naging malapit rin naman sa akin itong si Annie, nainis lang talaga ako sa ginawa niya kay Ethan.
"Dannie, pwede ba akong humingi ng favor?"
"Ha?"
"Please, wag mong ipaalam kay Ethan na bumalik na ako."
"Nananadya ka ba?! Alam mo namang gusto ka na makita nung tao eh!" Nakakainis, bakit ba siya ganito?!
"Please. Nagmamakaawa ako sayo."
"Ate Dannie. Ate Camille? Bakit niyo po pinag-uusapan si..."
"Dannie! Pam! Sa wakas nakita ko na rin kayo."
Napalingon ako sa sumigaw. At tama nga ako kung sino siya.
"Ethan?!" Tumingin agad ako kay Annie, at halatang gulat na gulat siya. Malungkot siya, nakikita ko yun sa mata niya.
"Oh bakit gulat na gulat ka? Dannie? At ikaw naman Pam? Di ba sinabi ko naman sa iyo na huwag kang lumabas ng bahay. Pinag-alala mo ako eh."
Napatingin sakin si Annie, nagmamakaawa yung mukha niya. Di ko alam ang gagawin ko, sasabihin ko a yung totoo? Shit naman oh!
"Sorry po kuya."
"Kuya?"
Biglang nagsalita si Annie, nagulat ata siya kung bakit 'kuya' tawag ni Pammie kay Ethan. Nakita ko ring nagulat si Ethan, at napatingin agad siya kay Annie. Eto na, nagkita na sila. Ano bang gagawin ko?!
"Opo ate siya po ang kuya ko! Kuya! Siya po pala si Ate Camille. Siya po yung nakita saken kanina nung nawawala po ako. Ang ganda niya kuya noh? Ang bait pa." Sagot ni Pammie. Di ako makapag salita >< Camille? Kahit ako, nagulat nung sinabi niya yung Camille. Ano bang plano ni Annie? Ang gulo naman niya nako naman!
"Annie?!"
"Huh? Sinong Annie? Di ako si Annie, ako si Camille. Ikaw pala ang kuya ni Pam." Todo yung pagtanggi niya. Sisingit ba ako? Sasabihin ko ba yung totoo?
"Ha? Hindi! Ikaw si Annie!" Sigaw ni Ethan. Naawa na talaga ako sa kanya. :(
"Ha? Ako si Camille. Baka kamuka ko lang iyon. Sige, alis na ako ah. Huwag niyo nang hayaan umalis mag-isa yung bata. Sige paalam sa inyo." At umalis na siya. Di ko alam pero gusto ko muna siyang makausap ulit. Pag nakausap ko na ulit siya, doon lang ako mag-dedesisyon kung sasabihin ko ba ang totoo kay Ethan. Sorry Ethan. Sorry kung magsisinungaling ako sayo. Tutulungan ko kayong maayos ito, promise. :(
---
[a/n: yay! nakapag-update rin. thank you po sa pag subaybay niyo, kahit ang tagal kong mag-update hahaha ._.v! Sana po magustuhan niyo! Thank you! ♥ Btw po. Si Dannie po ang Suzy dito :) ]
BINABASA MO ANG
The Young Dad
Teen FictionA story of a young dad trying to raise his child, find the girl he loves, and go through life's obstacles.