It was finally our lunch after our two subjects. This time kina Win na ako sumama dahil baka magtampo sila sa akin at baka isipin ng iba na kami na ni Michael.
Nagtatawanan lang kami sa table namin kasama sina Miles at Melanie. Nagpaplano lang kami ng mga balak naming gawin sa Summer Break kahit na kakasimula pa lang ng School Year. Lumapit si Eli sa table namin at binigay sa'kin ang isang bote ng Iced-tea.
"Huh? Ano 'to? Para saan?" Tanong ko sa kaniya, tinuro niya lang ang table nila at nakita kong naka-ngiti si Michael at itinaas ang hawak niyang inumin.
So galing sa kaniya?
"Ah, paki sabi thank you haha." Tumango lang siya at bumalik sa table nila para kumain. Nakita kong nag-apir pa sila ni Michael kaya napa-iling ako.
"Pwede bang share tayo hehe." Pambuburaot ni Win.
"Nako beh, iyo na." Sagot ko sabay bigay sa kaniya ng bote. Ngumiti siya sa'kin at nag-thank you. Wala akong pake kung makita kami ni Michael, basta kumain na lang ako. Bumalik na kami sa room namin for the last three subjects.
Nang matapos na lahat ng klase namin ay nag-antayan na lang kami at sabay-sabay kaming lalabas ng campus. Sila Miles at Hanna na lang inaantay namin dahil pareho silang cleaners. Andito lang kami sa baba ng building, nagsa-sound trip. Mahina lang naman ang tunog kaya hindi kami pinapagalitan, may mga pang-hapon din kasing students kaya we try to keep the volume as low as possible.
Nung nagplay ang BMW ay lahat sila nag-tayuan at sumayaw-sayaw. Saktong chorus na nung bumaba na sina Hanna at Miles.
"Gago anong ginagawa niyo?" Tanong ni Hanna
"Tang inang mga seniors 'to." Reklamo ni Miles na halatang nahihiya. "Bakit ko ba kayo friend jusko, Amen." Dagdag niya at napasapo sa noo.
"Tang ina mo, dinamay mo pa Diyos." Natatawang suway ni Hanna.
Tumayo na ako at inaya sila para maka-uwi na. Binigyan din kasi kami ng assignment kahit first day pa lang. Paalis na sana kami pero nakasalubong namin ang grupo nina Michael, and for the first time. May kasama silang girl, kausap siya nina Eli at Riley na medyo nabobored.
"Uwi na kayo?" Tanong nila.
Tumango kaming lahat bilang sagot.
"Okay lang ba sumabay kami?" Tanong ni Calleb.
"Weh, pero inutusan kayo ni Michael para maka-sabay niya si Kira 'no?" Pangbabara ni Luis. Agad naman silang nagsigawan, wala talagang mga preno mga bunganga netong mga 'to.
"Ah hehe sorry sa friend namin ah, medyo totoo kasi yung sinabi niya." Gatong ni Elle kaya lalo silang nag-panic, nagiging awkward na yung atmosphere kaya ako na yung sumagot.
YOU ARE READING
Call A Dare
Non-FictionThey were celebrating their High School Graduation. Finally, college life for all of them. But one thing's for sure, after playing that game. Someone's life will take a turn and all of them will eventually get involved.