Nag-uusap lang kami ni Michael about a few things. Mas kinikilala namin ang isa't-isa nang biglang lumapit sa'min si Nicole.
"Mike! Kanina pa kita hinahanap my gosh ka kasama mo lang pala bebe mo." She said at tinignan ako. Hindi ko mabasa ang mukha niya kaya hindi ako sure kung naiinis ba siya o ano.
"Bakit na naman ba?" Inis na tanong ni Michael.
"Si Leb kasi! Ayaw akong pansinin! Kausapin mo please." Pagmamakaawa nito, I guess she was referring to Calleb? Tinignan ako ni Michael na parang nagpapaalam, tumango na lang ako at ngumiti. Wala namang kami kaya wala akong karapatan para bawalan siya.
Nang umalis siya ay tumabi sa'kin si Nicole.
"Sure ka ba kay Mike?" Tanong niya nang maka-upo siya sa tabi ko.
"Oo naman, bakit hindi?"
"Wala, I mean. Alam mo naman ang reputation niya right? He's a playboy, we even had something noon pa nga between us eh." Pagkukuwento niya bago inumin ang laman ng baso niya.
May something sila noon?
Mukha akong walang may pake pero nararamdaman ko na parang pinaplastik niya lang ako.
"Naging kayo?" Tanong ko. She shooked her head.
"No, muntik lang. He like, courted me nung grade 7 hanggang grade 8 ata." Nagulat ako sa nalaman ko, wala naman kasing nakukuwento sa'kin mga kaibigan ko at kaibigan niya na gano'n.
"Oh? Eh bakit hindi mo sinagot?" Gulat kong tanong.
"Wala eh, kay Leb ako may tama." She chuckled habang pinapanood sina Calleb at Michael na nag-uusap. Mukhang naiinis na rin sila sa isa't-isa. Tumango na lang ako at uminom sa baso ko.
"Wait lang ah, kuha lang ako doon." Paalam ko sa kaniya bago tumayo. Naabutan ko sina Elijah, Audrey, Melanie, Elle at Riley doon nag-uusap.
"Hoy, baka kung ano-ano na pinagsasabi niyo sa pinsan ko ah." Suway ko sa kanila.
"Chill boss, wala po kaming ginagawang masama." Sagot ni Elijah bago lagukin ang nasa baso niya.
"Mukhang nauunahan ka na beh, payag ka no'n?" Tanong sa'kin ni Elle at nakanguso sa kung saan. Napa-kunot ang noo ko at lumingon, nakita ko ang tinutukoy niya. Si Michael at Nicole na nagtatawanan, naka-palupot pa ang braso ni Nicole sa braso ni Michael.
"Bakit niyo ba sinama 'yan dito?" Masungit na tanong ni Audrey sa dalawa.
"Ewan, sabi ni Michael pinilit daw siya na isama kasi kasama si Calleb." Sagot ni Riley, sakto namang dumating si Calleb at Chris.
YOU ARE READING
Call A Dare
Non-FictionThey were celebrating their High School Graduation. Finally, college life for all of them. But one thing's for sure, after playing that game. Someone's life will take a turn and all of them will eventually get involved.