Naghahanda ako ng gamit ko para sa school bukas. First day ko bukas as a grade 10 student, and marami akong kailangan since I'm a graduating student. Well, not technically graduating pero alam niyo na 'yon.
As usual hinatid ako sa school dahil hindi ako pwedeng makalanghap ng usok at alikabok dahil sa asthma ko. Nauna akong dumating kaya naghintay muna ako sa waiting shed dahil napagusapan namin ng mga kaibigan ko na magkita-kita at sabay na pumasok. Hindi naman ako naghintay nang matagal dahil isa-isa na rin silang nagsidatingan.
Pero 15 minutes na ata kaming naghihintay pero wala pa rin si Win. Palagi na lang talagang late yung bwisit na 'yon!
"Huy, ano na. Asan na ba kasi si kuya Win baka malate kami ni Miles." Reklamo ni Melanie. Classmates kasi sila ni Miles and junior namin sila, pero pare-pareho lang kami ng oras ng pasok.
"For sure papunta pa lang 'yon, nalate na naman siguro ng gising."
At hindi nga nagkamali si Luis dahil pagkarating ni Win ay agad siyang nagsorry sa amin for coming late.
"OMG guys sorry na-late ako ng gising and need ko pa magpaganda." Salubong niya sa amin.
"Wala naman nang bago doon beh." Pang-aasar ni Elle, tinitigan lang siya nang masama ni Win dahil totoo naman yung sinabi niya.
"Tara na, pasok na tayo." Pag-aaya ni Audrey.
"Oo nga mga puta kayong mga seniors, kayo magpapabagsak sa amin eh." Sambit ni Miles habang papasok kami ng campus.
"Deserve mo naman bumagsak." Pang-aasar ko sa kaniya, hinampas niya lang ako kaya natawa ako.
"Ang sasama niyo guys." Dagdag ni Miles kaya mas lalo kaming natawa.
Nang maka-akyat na kami sa building ay humiwalay na sa amin sina Miles at Melanie. Habang kami naman ay nagpunta na sa room namin. Same section lang kaming lahat kaya madalas kami nagkakayayaan. Sinasama na rin namin sina Miles dahil sila ang pinaka-close namin na juniors.
Pagkapasok ko ay napansin kong may chocolate sa upuan ko na may kasamang note.
"Hoy kanino 'to? Maling upuan nalagyan mo beh, tanga." Sabi ko.
"Haha sira, para talaga sa'yo 'yan Kira." Sagot ni Chris, dahilan para mapakunot ang noo ko. At tsaka ko lang narealize na baka galing 'to kay Michael. Manliligaw ko.
Nung nakaraan kasi umamin siya sa'kin na gusto niya ako. Tinanong ko mga kaibigan ko kung okay lang ba na pumayag ako ang sabi nila bahala raw ako basta 'wag akong iiyak. Kilala kasing playboy 'to si Michael sa school namin, dagdag mo pa mga kaibigan niya.
Okay lang din naman sa parents ko kaya pumayag na rin ako, payo pa nga sa'kin ni Elle ay paasahin ko raw para maranasan ni Michael ang ginagawa niya. Pero dahil mabait at tanga ako hindi ko 'yon ginawa.
YOU ARE READING
Call A Dare
No FicciónThey were celebrating their High School Graduation. Finally, college life for all of them. But one thing's for sure, after playing that game. Someone's life will take a turn and all of them will eventually get involved.