Chapter 15 - Past or Present?

444 15 9
                                    

Chapter 15 ~

 "I-I love you too Rayne..." 

Pagkatapos kong sabihin ang limang salitang 'yon ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit ng yakap niya na parang ayaw na akong pakawalan nito.

Tama ba? Tama ba ang desisyon ko? Tama ba ito?

"Salamat... Maraming salamat Angel. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa ginawa mo." sinasabi niya yon habang yakap ako.

Ramdam ko ang pagtulo ng luha niya sa mga balikat ko.

Umiiyak siya...

Masaya siya... Ayaw kong alisin sa kanya ang kaligayahan niya. Siguro naman... tama ang desisyon ko hindi ba?

Patuloy lang sa pagbagsak ang mga luhang matagal nang hindi kumakawala mula sa mga mata ko. Simula nung iniwan ako ni Rayne, ipinangako kong hindi na ako iiyak. Pero ito ako ngayon, umiiyak na naman ng dahil sa kanya.

Nagnod nalang ako bilang pagsang ayon sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ayaw bumukas ng bibig ko.

Basta't ang alam ko ngayon... Mahal ko siya.. Mahal ko pa rin siya.

*************

Nang makaalis si Tjay sa bahay ni Angie ay mabilis siyang pumunta sa condo ni Kris.

Tinawagan kasi siya ni Migs na nandun sila.

Habang naglalakad papasok ng building ng condo ni Kris ay hindi niya maiwasang maalala ang nangyari kani-kanina lang.

Inamin na niya kay Angie ang nararamdaman niya. Alam naman niya na umpisa pa lang may kakaiba na siyang nararamdaman para kay Angie, sadyang hindi niya lang maamin siguro, dala na rin ng hiya at pride

Hindi niya kasi alam kung paano umamin sa isang babae. Sa totoo man lang, si Angie ang unang babaeng minahal niya. Siya ang first girlfriend ni Tjay. Nung nasa resort sila hindi naman niya gustong blackmail-in ito para lang mapapayag na maging girlfriend niya, pero nahihya kasi siya ng mga panahong iyon kaya yon ang diskarteng ginawa niya. Naiirita at naiinis kasi siya sa ibang babae. Ayaw niya sa malalandi. Pero si Angie, iba sa kanila. Ibang iba...

At ngayon, sigurado na siya. Mahal niya ito. Mahal niya ang babaeng unang sumuntok sa kanya. Weird man pero wala siyang pakialam. Hinding-hindi niya hahayaang maagaw ito... ng kahit sino.

''Ding'

Bumukas ang pinto ng elevator. Nasa floor na siya kung nasaan ang condo ng kaibigan.

Naglakad siya papunta rito at saka pumasok ng walang anu-ano.

Hindi naman kasi ito nakasara. Pagkapasok niya ay agad na sumalubong sa kanya si Jinn, ang kapatid ni Kris.

"Hi Kuyaaaaaaaaaaa!!" ^0^/ masiglang bati nito sa kanya. Tumakbo ito palapit sa kinatatayuan niya at niyakap siya.

Close sila ni Jinn. Ito lang ang babaeng close niya nung panahong wala pa si Angie. Close rin naman sila ni Yelsha pero naiirita siya sa ugali nito.

Niyakap niya rin namang pabalik si Jinn.

"Kumusta Jinn-bata?" nakangiting bati niya rito. Siya lang ang bukod tanging tumatawag rito ng Jinn. Leil kasi ang tawag nila Migs dito dahil Leil Jinn ang pangalan nito.

"Okay lang po, Jay-tanda." masayang sagot nito. "Oo nga pala! May naalala ako Kuya. May GF ka na daw sabi nila Kuya Migs? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" dugtong nito at nagpout.

Natawa naman si Tjay sa inasal ng kapatid ng kaibigan.

Ginulo na lamang niya ang buhok nito at pumunta sa sala. Nakita niyang nagkukwentuhan sila Migs at Kris.

He's My Evil Prince. ♥ [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon