Chapter 16 - Meron...

408 12 10
                                    

Chapter 16 ~

Angie's POV

*Ring-I love you, Goodbye-Ring*

~

Wish, I could be the one.

The one who could give you love

The kind of a love you really need.

Wish, I could say to you

~

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.

May tumatawag? Napatingin ako sa bedside table ko kung saan nakapatong ang orasan.

7:00 am.

Ang aga naman atang mambulabog ng conjoined twin?

Ugali kasi nilang gisingin ako sa pamamagitan ng pagtawag sa'kin sa umaga. Ginagawa lang naman nila yun kapag hindi sila makapasok sa bahay ko. Tulog pa ba si Manang? Pwede naman silang magdoor bell? Bakit kailangan pang tumawag?

~

You need someone.

Willing to give the heart and soul to you.

Promise you forever

But baby, that's something I can't do

~

Nagriring pa rin ang cellphone ko. 

Tsk. Saan ko ba yun nailagay kagabi? =_____="

Tumayo ako sa kama ko.

Baka nasa bag ko? Aish.

Hinanap ko kung nasaan ang bag ko, pero natigilan ako nang makita ko ang sarili ko sa harap ng salamin.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon.

Ako pa ba to?

Namamaga ang mata ko. Halatang umiyak.

Gulo-gulo ang buhok ko.

HIndi ko maipaliwanag ang sarili ko.

I am such a big mess. 

What the heck just happened to me?

I sighed. Buong gabi akong umiiyak. Nag-iisip.

Nakapagdesisyon na  ako pero parang hindi ako kuntento sa desisyon ko.

Ano nga ba ang tama?

Ang balikan ang nakaraan o isipin ang kasalukuyan?

Tama bang mas pinili ko ang nakaraang nagpabago sa isang tulad ko?

O Mas tamang manatili sa kasalukuyang alam kong mahal rin ako?

Mahal ako ng nakaraan ko, mahal rin ako ng kasalukuyan ko.

Bakit ba hanggang ngayon nagdadalawang isip ako?

Argh!

Parang nagbalik ako sa kasalukuyan nang biglang tumunog ulit ang phone ko.

"Shit! Nakalimutan ko!" bulong ko sa sarili ko.

Nakita ko ang bag ko sa may sofa sa kwarto. Kinuha ko ito at binuksan.

Kinuha ko agad ang cellphone sa loob.

Bakla calling...

Si Bakla? Bakit naman to tumatawag ng ganito kaaga? Wala namang pasok. -__________-"

Sunday ngayon eh.

Pinindot ko ang answer key at saka itinapat sa tenga ang phone.

"Hell---" magsasalita pa lang sana ako nang bigla siyang sumigaw.

He's My Evil Prince. ♥ [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon