Chapter 23.5 - Unexpected Visitors

384 9 2
                                    

Dedicated to her. :') Thanks sa support baby. ~

Chapter 23 Part II ~

 Yelsha's POV

"Bilisan niyo nga dyan! Ang babagal niyo!! Tsk." sigaw ko sa dalawang pangit na babaeng nerd sa harap ko. Kung babae nga bang matatawag ito? 

Napakabaduy kasi ng mga suot nila. Tsk.

Naiirita ako kapag nakakakita ng nerd kaya naman para may pakinabang sila, pinaglinis ko sila ng sapatos ko. 

Subukan lang nilang tumanggi sa Queen Bee ng school na ito, kayang kaya ko silang paalisin.

Bakit Queen Bee? I know bago lang ako sa basurang school na 'to. Pero kung bakit ako naging NEW QUEEN BEE, well. Mas maganda lang naman ako sa former QUEEN BEE ng basurang school na ito. *Wink*

Binilisan naman nung dalawang tanga ang paglilinis ng sapatos ko. Takot lang nila no.

BIglang nagvibrate ang cellphone ko na nasa table ko lang.

Sino naman kayang istorbo ang tumatawag? Tsk.

"Hoy." tawag ko dun sa isang mukhang tanga sa tabi ko.

Napatingin naman siya sakin na gulat at takot.

"B-b-b-akit p-po?" nauutal na sagot niya.

Mas nagmukha siyang tanga. -_______________-"

"Abutin mo nga 'tong cellphone ko at ibigay mo sa'kin." tinuro ko ang cellphone sa tapat ko gamit ang nguso ko.

Mabilis naman niyang sinunod ang iniutos ko at nangingig pang iniabot sa'kin.

"Tsk." sabay kuha ng phone ko at tinignan ang caller.

Calling...

SSGC's Secretary...

Napangisi ako nang makita ko ang caller. Ang secretary ng company nila.

Sigurado akong may dala na naman itong magandang balita.

"Hello?" bungad ko dito nang sagutin ko ang tawag.

"Young lady, nakaalis na po sila." napangiti ako nang dahil sa sinabi niya

"Good. Thanks." pagtapos kong sabihin yon ay ibinaba ko na ito.

Sa wakas, mangyayari na ang gusto ko.

Tinignan ko ang dalawang tanga nga hanggang ngayon hindi pa rin tapos sa paglilinis ng sapatos ko.

"Hey ugly nerd turtles. Get out of my way. Shoo." pagpapaalis ko sa kanila na parang mga aso.

Mukha naman talaga silang mga aso. ^______________^

Tumayo na ako at lumakad papunta sa corridor.

Nasa 3rd floor kami ng high school building at kitang kita ang mga estudyante sa buong St. Mary High mula rito. Kita rin ang gate.

Napansin ko ang kumpol ng mga estudyante.

Namumukhaan ko sila, sila Kris at ang iba pa.

Pero wala sila Rayne, Tjay at Angie.

Nasaan naman silang tatlo?

Napatingin ako sa may labas ng canteen nang mapansin kong may dalawang taong nakatayo doon pero umalis din naman kaagad. Nauuna ang babaeng maglakad.

Parang may nangyari.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Matatapos na 'to.

He's My Evil Prince. ♥ [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon