Chapter 14 - Torn between two lovers.

432 12 10
                                    

Chapter 14 ~

Rayne's POV

"Grabe 'tol! Hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya yon! Hahahahaha!" kumento ni Kris nang ikwento namin ang ginawa ni Angel kay Ashley. =________="

Kanina pa siya ganyan. Halatang hindi makapaniwala. Miski ako, hindi ko inaasahan na gagawin niya yon. Hindi ganun si Angel. Hindi niya ugaling lumaban o manakit ng tao.

Noong unang nagkita sila ni Tjay, at sinuntok niya ito, hindi ko pa alam na siya yon. Nakumpirma ko lang nung nasa resort na kami.

Hindi ko inaasahan na magbabago siya ng sobra.

Dahil ba sakin? Dahil sinaktan ko siya? Pero lahat naman ng bagay ay may dahilan. Ang problema nga lang. Hindi niya alam yung sakin.

Kung nagtataka naman kayo kung bakit Ashley ang tawag namin kay Yelsha. Iyon kasi ang nakasanayan naming apat. Kababata namin si Ashley kaya close siya samin.

Si Tjay lang naman ang naiirita dyan. Lagi kasi siyang kinukulit. =___________="

Patuloy pa rin sa pagtawa si Kris. Nandito kasi kami sa condo niya. Tsk. Hindi makaget over tong ugok na to.

"Hoy! KUYA! Tumahimik ka na nga! Ang ingay mo! Tss." sigaw nung kapatid niya. Si Leil.

"Ewan ko sayo! Lumayas ka dito!" sagot naman ni Kris. Ganyan talaga silang dalawa. Hindi magkasundo. Kung makikita mo nga sila parang hindi sila magkapatid eh. =___= Ang alam ko 14 yrs old lang yan si Leil.

"Tsk Tsk. Nag-umpisa na naman sila." narinig kong bulong ni Migs. Natawa nalang ako at ininom yung beer ko.

"Ano pa bang aasahan mo sa dalawang iyan? Hahahahaha." sagot ko naman.

Napailing nalang si Migs.

"Teka, asan na ba si Tjay?" biglang nagtanong si Kris.

Oo nga pala. Pagkatapos ng nangyari kanina, umalis si Angel at Tjay.

"Baka hinatid si Angie." sagot ni Migs.

"Sinong Angie?" curious na tanong ni Leil.

"Hoy wag kang umepal dito. Layas! Shoo. tsupi!" si Kris. 

"Manahimik ka! Ang pangit mo talaga!" >.<" sagot naman ni Leil.

I sighed. Wala na talaga silang pag-asang dalawa. =___________= I wonder kung paano nila natatagalang magkasama sa iisang bahay. Ganito kaya sila araw-araw?

"Girlfriend ni Tjay." ako na ang sumagot.

Tutal, wala naman atang balak sumagot tong mga kasama ko. -______-"

"Oh? May GF na si Kuya Tjay?" gulat na tanong niya.

"Paulit-ulit? Tss." - Kris

"CHE! Dyan na nga kayo!" sabi ni tapos nagwalk out na.

"Ang harsh mo talaga sa kapatid mo." si Migs.

"tsk." - Kris

"Teka, Pre. Una na pala ako. May pupuntahan lang." sabi ko tapos tumayo na. Hindi ko na hinintay na makasagot sila at mabilis akong lumabas sa condo ni Kris. Pumunta ako sa parking lot. Andun kasi yung kotse ko.

Tama naman siguro ang gagawin ko diba?

Aayusin ko na ito. Aayusin ko na ang gulong ginawa ko.

Nagmadali akong pumunta sa subdivision kung saan siya nakatira.

Pagkarating ko doon, naabutan ko pa si Tjay.

Hawak niya ang kamay ni Angel, pero nakatalikod ito sa kanya.

He's My Evil Prince. ♥ [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon