[5] His Fifth Dream

13 5 0
                                        

Nial's Point of View
Paglipas ng anim na buwan


'Natatakot ako.'

Natagpuan ko nalang ang sarili ko habang yakap-yakap ang isang pamilyar na babae sa isang hindi pamilyar na lugar. Bigla siyang yumakap sa akin habang paulit-ulit na sinasabing natatakot siya. Gumanti ako ng yakap kahit nagtataka ako kung bakit biglang nagka-ganon ang kilos niya.

'Shhhh, tahan na nandito lang ako,' pagpapahupa ko ng panginginig niya.

Hinagod ko ang likod niya habang nakayakap sa akin, ewan ko ba pero parang ang bigat ng loob ko ngayon, ngayong nandito siya at umiiyak sa harap ko. Nilingon-lingon ko ang paligid pero wala akong ibang makita kung hindi blangkong kwarto kung nasaan kami, may pinto pero nakasarado, walang ibang gamit. Bigla ko lang rin na-realize na naka-upo pala kami sa sahig.

'S-sino kaba?' Nasabi niya sa pagitan ng kanyang pag hikbi, ramdam ko ang pagkabasa ng damit ko dahil sa kaniyang mga luha.

"'Hindi importante kung sino ako at sino ka, ang mahalaga nandito ako kasama ka,' malumanay na sagot ko.

Lalong lumakas ang pag-iyak niya kasabay ng paghigpit sa pagkakayakap niya sa akin.

'Gusto kong malaman kung sino ka, gusto kitang makilala, gusto kong makita ang mukha mo, gusto kong maging malinaw ang lahat kahit ngayon lang.'

Kung pwede lang sana, pero ni ako nga hindi makita ang mukha mo, ni ako nga hindi alam ang pangalan mo, kahit ako hindi malinaw sa akin lahat. Kaya pasensya na, kung hindi ko malilinaw sayo, nasa isang panaginip tayo, kung saan walang bagay na malinaw, walang kasiguraduhan lahat.

'Lilinaw rin lahat balang araw, sigurado ako.'

Hinarap ko siya sa akin at nginitian siya, para kahit papaano ay magkaroon siya ng assurance.

'Sigurado ka?' Para siyang basang sisiw ngayon dahil sa mukha niyang basing-basa na ng luha.

Lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa tanong niya.

'Wala namang sigurado sa mundo, pero minsan kailangan mo lang maniwala at magtiwala.'

Dahil doon ay napangiti siya at muling yumakap sa akin. Ewan ko ba, pero parang napapalapit na sakin itong babaeng 'to.

'Tara na'

Tinulungan ko siya tumayo. Biglang napalitan ng pagkalito ang mukha niya kaya sigurado akong naguluhan siya sa sinabi ko.

'Saan tayo pupunta?' Takang tanong niya.

'Maggagala kahit saan.'

Hinawakan ko siya sa kamay at nagsimulang maglakad papunta sa pinto, pinihit ko ang doorknob and thank god na hindi ito naka-lock. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay isang nakakasilaw na liwanag agad ang sumalubong sa'min, dahil nasisilaw ako ay bigla akong napapikit at sa aking pagdilat natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang pamilyar na lugar, garden, I've been here kung hindi ako nagkakamali.

'Parang pamilyar ang lugar na 'to, hindi ba?'

Nilingon ko ang babaeng kasama ko pero wala akong nakita sa tabi ko, tumingin ako sa paligid, pero wala akong nakita, tanging ako lang ang nandito kasama ang mga paruparong lumilipad sa paligid ko. Nasaan na siya? Kasama ko lang siya kanina ah.

May mga paruparong dumapo sa balikat ko at hindi ko alam pero parang gusto ng paa ko pumunta sa kung saan, naglakad ako kahit hindi ko naman alam kung saan ako papunta. Natagpuan ko nalang yung sarili ko sa isang kumpol ng mga puting rosas, pamilyar na mga rosas, kumuha ako ng isa at inamoy 'yun. Ang bango, sana kasama ko ulit dito ang babaeng 'yun.

Camerron's Point of View

Muli kong pinikit ang mga mata ko, parang gusto ko nalang matulog para mapanaginipan ko ulit siya pero alam kong magbibilang na naman ako ng six months bago ulit ma-encounter ang weird na panaginip na 'yun, hays.

'Anak, kamusta na ang pakiramdam mo?'

Napadilat ako nang sumulpot si mommy sa kwarto ng ospital kung nasaan ako, tama, nasa ospital ako ngayon. Actually kahapon pa, sinumpong na naman kasi ako ng sakit ko sa puso. Well, sanay na naman ako, halos buwan-buwan yata nandito ako eh.

Halos friends ko na nga lahat ng nurses at doctor dito, siguro nga nananawa na sila sa mukha ko. Pero wala akong magagawa, bawat araw na lumilipas palala ng palala ang kundisyon ko. Tanggap ko na naman, na ipinanganak akong may kakaibang heart condition, mahina ang puso ko at habang tumatanda raw ako ay pahina ng pahina ang pag-function nito, that's why madalas na akong ina-atake.

'Ok naman mom, sabi ng doctor itutuloy ko raw ang pag-inom nung gamot na tinigil kong inumin dahil sa hindi magandang side effect sakin.'

'Are you sure you can do it again?'

Halata sa boses niya na worried siya sakin, bukod sakin alam ko na siya yung mas nahihirapan dahil sa condition ko. Kami nalang dalawa, I can't take leaving my mom alone.

'Siyempre naman mom! Ako pa ba? Strong kaya ako, mana ko sayo eh!' Pilit kong siniglahan ang boses ko kahit deep inside gusto kong umiyak. Pero kailangan eh, kung magiging mahina ako paano pa si mommy? Kailangan kong maging malakas para sa kaniya.

Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan 'to, nakita kong may tumulong luha sa mga mata nya, I'm sorry mom.

Sana ito nalang yung panaginip tapos yung weird dream ko nalang yung reality, minsan kung ano pa yung nakakapag pasaya sayo 'yun pa yung malabong mangyari. At kung ano pa ang reyalidad 'yun pa yung hindi mo puwedeng takasan.

'Good afternoon ma'am, good afternoon Cammeron. Ija'

Napa-upo nang maayos si mommy pati narin ako nang biglang pumasok yung doctor na naka-assign sakin.

'I just wanted to tell you the result sa mga ginawang bagong test sa anak niyo, and I'm very sad to tell you that her condition is getting worst as compared before, masyado nang mahina ang puso niya to function as needed her body. I'll advice you to send her here at the hospital as often as required para sa proper medication, and one thing, it's your choice kung ipapa-take niyo sa kanya ang gamot na itinigil nating ipa-inom sa kaniya dahil sa side effect nito. Pero 'yun lang kasi yung makakatulong sa kaniya para palakasin kahit konti ang puso niya,' mahabang paliwanag niya.

Huminga ako ng malalim at tumingin kay mommy bago sumagot sa doctor.

'I'll take it Doc.'

Hindi ko na hinintay na magsalita si mommy instead ako nalang. Hinawakan lang niya ng mahigpit ang kamay ko.

Para sa ikatatagal ng buhay ko, gagawin ko.

While I Was Sleeping [Dream Trilogy 1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon