[Prologue] Her First Dream

40 6 0
                                    

Camerron's Point of View


Pagdilat ko sa mga mata ko ay nagulat ako nang nakatayo na ako sa isang kwarto. Walang kagamit-gamit, malinis at tanging liwanag lang ng bilog na buwan na tumatagos mula sa maliit na bintana ang nagbibigay ng konting liwanag sa paligid.

Naglakad ako pero tila parang sobrang bigat ng mga paa ko kaya sobrang bagal ng paghakbang nito.

Mayamaya ay may lumabas na usok sa pinaka dulo ng kwarto. Nang madampian ng liwanag ng buwan ang aking mga mata ay napapikit ako dahil sa silaw.


Nang muli kong imulat ang aking mga mata ay nagulat ako nang may matamaan na isang lalaki. Nakatayo siya kung saan nanggagaling ang usok, nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko maaninag ang kaniyang mukha.

Siya ay nakasuot ng puting polo at itim na pantalon. Matangkad at maganda ang kanyang pangangatawan.

Sa aking pagtataka kung sino ang estrangherong lalaki ay sinubukan ko siyang lapitan. May gustong sabihin ang aking bibig ngunit ayaw lumabas ng mga salita mula dito

Dahan-dahan ang aking paghakbang, habang hindi siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Hindi ko alam ngunit bigla akong napangiti nang sa wakas ay magkalapit na kaming dalawa.


Itinaas ko ang aking kamay para hawakan ang kaniyang balikat pero parang may malakas na p'wersa ang pumipigil para mahawakan ko siya.

"Sino ka? Anong ginagawa ko dito?"

Isang tinig ang umalingawngaw sa kwarto kung nasa'n ako, hindi ko alam kung san 'yon nanggagaling kaya tumingin ako sa paligid pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko.

Sobrang dilim ng buong paligid dahilan para magsimulang gumapang ang takot sa katawan ko.


"Sino ka?"

Sinagot ko lang ng isa pang tanong ang boses na narinig ko.

Bigla nalang napako ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon, ni hindi siya gumagalaw. Sinubukan ko ulit siyang hawakan pero katulad ng kanina ay ayan na naman ang p'wersa, parang hinihila palayo ang mga kamay ko.

"Sabihin mo kung nasa'n ako at sino ka, bakit kita kasama?"

Halata ang pagkairita sa boses nang muli itong magsalit.

Tumalikod ako, alam kong sa kaniya nanggagaling ang boses pero nang tangkain ko muling magsalita ay wala nang boses na lumalabas sa bibig ko. Pinilit ko ulit, pero napupuno lang ng hangin ang tenga ko sa tuwing tatangkain kong magpalabas ng kahit isang salita.

Lumakad ako papunta sa kung saan ako nanggaling kanina pero bawat hakbang ko ay sobrang bigat.

Sa isang iglap nabalot na naman ako ng kadiliman, tumingin ako sa paligid pero nag-iisa nalang ako. Nawala 'yong liwanag na nanggagaling sa buwan, tanging dilim lamang.

"Sino ka!"

Nagsimula akong kabahan nang marinig ko ang isang sigaw, nakakatakot!

"T-t... Tulong" impit na sigaw ko.

Halos ayaw lumabas ng boses sa mga bibig ko. Nagsimula akong matakot, mabilis na kumabog ang puso ko.

"TULONG! TULONG! TULUNGAN N'YO 'KOOO! MOMMY!" malakas na sigaw ko sa isip ko dahil sa sobrang takot.

--

Camerron's Reality


"Cams, gising! Gising anak!"

Bigla akong napabangon nang marinig ko ang boses ni mommy at maramdaman ang pag-alog niya sa katawan ko.

Hingal na hingal ako at pawis na pawis habang ramdam ko ang pag-agos ng luha sa mukha ko. Lalo akong napaiyak nang tumingin ako kay mommy at agad siyang niyakap, ang sama ng panaginip ko!

"Mommy..." tanging nasabi ko habang patuloy sa pag-iyak.

Patuloy ang paghikbi ko habang nakayakap sa kaniya, takot na takot pa rin ako, halos ayaw kong ipikit ang mga mata ko dahil sa takot na baka mabalot na naman ako ng dilim.

"Shhhhh, tahan na baby panaginip lang 'yon, nandito na 'ko."

Hinaplos lang niya nang hinaplos yung buhok at likod ko hanggang sa kumalma ako. Mayamaya ay hinarap niya 'ko sa kaniya at pinunasan ang pisngi kong basang-basa na ng luha.

"Ano bang napanaginipan mo?"

Nakatulala lang ako sa kaniya habang pilit inaalala nang malinaw 'yong panaginip ko, pero parang biglang lumabo sa ala-ala ko lahat.

Ang alam ko nasa isang kwarto akong na sobrang madilim, may lalaki, tapos boses... tapos...

"nasa isang kwarto ako, madilim, tapos may boses... tapos.... tapos hindi ko masyadong maalala lahat. Basta natatakot ako, natatakot ako mommy!"

Bigla nalang ulit akong napaiyak habang inaalala 'yon lahat kaya niyakap ako ulit ni mommy.

"Tahan na, kalimutan mo na 'yon, panaginip lang 'yon, ok?" Hinalikan niya ang noo ko saka muli akong niyakap nang sobrang higpit.

Ngayon medyo kalmado na ako, pakiramdam ko ay ligtas na ako sa mga yakap niya.

--

"Ma'am nandito na po tayo"

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita 'yong driver namin, nandito na pala ako sa school hindi ko manlang namalayan dahil sa sobrang lutang ng isip ko

Bumaba ako at nagpaalam na kay manong driver.

Panibagong araw, pero katulad lang ng ginagawa kong routine araw-araw. Gigising, papasok sa school, mag-aaral, uuwi at ulit lang. Eto ang buhay ko bilang isang highschool student.

"Cammeron Garcia"

Tawag ng teacher ko sa pangalan ko, kakaupo ko lang at oo, late na naman ako.

"Present sir!"

Tiningnan ako nang diretso ni Mr. Dela Cruz habang bahagyang binaba 'yong eye glasses niya.

Eto na naman, pagagalitan na naman niya 'ko.

"You're 5 minutes late, Ms. Garcia. Kelan ka ba papasok nang maaga, ha?"

Magkasalubong na ang kilay niya na parang kakainin ako nang buhay. Kahit kelan talaga nakakatakot siya.

"Sorry sir, tinanghali lang po ng gising," pagpapalusot ko.

"Next! Aris Garbe"

Hindi na niya ako pinansin at saka pinagpatuloy ang pagche-check ng attendance. On time naman ako, ah? Mas nauna kaya akong dumating kesa tawagin ang pangalan ko.

Napaismid nalang ako sa hangin.

Nagsimula na akong maglabas ng mga gamit bago pa man ako muling mapagbuntungan ng estrikto naming guro.

Napatigil ako at bahagyang natulala nang may bigla akong maalala. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong panaginip ko kagabi. Nitong mga nakaraang, napapansin kong pa-weird nang pa-weird ang mga panaginip ko.




While I Was Sleeping [Dream Trilogy 1] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon