Janeth's pov
"oh, softdrinks mo." pag aabot ni alane ng isang bote ng coke. "salamat." sabi ko, pagkaabot ko dito.
"ngayon lang kita ililibre kasi pumasa ka sa board exam, congrats ulitt teh." sabi ni alane, di mo alam Kung seryoso ba o nang aasar e. "salamat." sabi ko sabay inom.
Ito yung suprise na sinasabi ni alane, nalaman na namin yung resulta ng scholar ship exam and nakapasa ako, sa totoo lang, ang saya sa pakiramdam na nakapasa ako ng ganon ganon, inaasahan ko na magtetake pako ng pangalawa o baka pangtatlo pang exam makapasa lang.
Pero, nung maalala ko yung narinig ko kanina kay na mama, hindi ko na alam kung purong masaya yung nararamdaman ko. Paano ako aalis kung ganon na napipilitan lang sila na suportahan ako? Ang bigat sa loob.
Napabuntong hininga ako. Humigop ako bago ako magsalita.
"alane, pakiramdam ko, ayaw akong tumuloy nina mama sa maynila para doon magcollege." sabi ko habang nakatingin sa malayo, iniiwasan kong hindi maging malungkot.
"pano mo naman nasabi?"
"narinig ko sila kanina ni papa na nagtatalo. Hindi ko alam kung anong meron pero parang ayaw talaga ni mama na mag aral ako doon." di ko maiwasang malungkot.
"baka naman nag aalala lang siya sayo dahil bunso ka, at syempre mag isa mo lang doon sa maynila?" sabi ni alane, sabay higop sa softdrinks niya.
"alam ko yun alane, expected ko na yun."
"oh bakit nababahala ka?"
"pakiramdam ko kasi may isa pang dahilan." seryoso kong sabi.
Tinignan ko siya, nagtatakang nakatingin siya sakin.
"pakiramdam ko, may tinatago sakin ang mga magulang ko at nasa maynila ang sagot."
Kumunot ang noo niya at lalong nagtaka. "anong ibig mong sabihin dyan."
Ngumiti ako. Umiling, "wala wala, nevermind."
Ibinalik ko ang tingin sa malayo at humigop sa softdrinks.
Sa ngayon, ang importante ay ang nakapasa ako. Kung ano man yung mga narinig ko kaninang umaga ay isasawalang bahala ko
nalang muna.4pm nang mag paalam ako kay alane para umuwi na sa amin.
Pag pasok ko ng pintuan ay bumungad sa akin sina mama, papa at ate cristy, naghahanda sila ng lamesa. Nang maramdaman nila ang presensya ko, ay nag si tinginan sila sakin.
"o janeth, anak, kanina ka pa ba dyan?" si mama, nginitian niya ko, hindi ko alam kung totoo yun. Tumango nalang ako.
Nang makalapit ako sa lamesa ay nakita ko ang mga pagkaing nakahanda, may pansit at puto, meron din paksiw na baboy, paborito ko.
"ano pong meron bakit po may mga ganito?" nagtataka akong tumingin sa kanilang lahat.
"alam na kasi namin dzai." si ate cristy
"na ano?"
"anak alam na namin na pumasa ka sa scholarship exam mo, kaya naghanda kami kahit kunti para icelebrate yon." si mama, seryoso ko siyang tinignan, sinusuri ko kung totoo ba ang mga ngiting binibigay niya sa akin.
"ano dzai, hindi kaba masaya na nakapasa ka?" nabaling ang tingin ko kay ate cristy nang magsalita siya.
"a-ah opo naman, syempre po masaya ako, kasi po nakapasa ako, akala ko nga po hindi ako makakapasa ehehe." sabi ko, pilit na ngumiti.
"masaya kami anak para sayo, kayang kaya mo nang matupad yung mga pangarap mo pag nasa maynila kana." nakangiting sabi ni papa. Ngumiti nalang ako
Kumain na kami, nanatili akong tahimik, ngunit hindi ko pinahalata na may bumabagabag sa isip ko.