Chapter 1

2 1 0
                                    

Janeth's pov

"janeetthhhh!!"

Napatakip ako ng tenga sa lakas ng boses ni ate cristy

Grrrr

"ano ba ate, umagang umaga umaalingawngaw yang boses mo, ang sakit sa tenga." inirapan ko siya.

"tanghali na dzai, anong umaga ka dyan." siya naman ang napairap.

"ano ba kasi ipinunta mo dito?"

"aayain ka lumabas, magkukulong ka nalang ba dito sa kwarto mo, tara na." Sabi niya sabay hawak sa braso ko para hilain ako. Lumalaban naman ako, hinihila ko yung braso ko para mabitawan niya pero ang lakas niya.

"teka lang kasii! Ito na tatayo na!" bumusangot ako. Wala talaga akong magagawa pag si ate cristy na'yung nagyaya sakin.

Ang laki naman ng ngiti niya, nagwagi nanaman siya.

"hintayin mo nalang ako sa labas, magbibihis lang muna ako." nakakunot ang noo kong sabi. "sige, sabi mo yan, see yah!" sabi niya tapos ay lumabas na

Aissh!

Nagpalit lang ako ng damit panlabas dahil nakasuot ako ng damit pantulog. Pagtapos ko ay lumabas na'ko agad.

"hmm, saan ba tayo pupunta?" sabi ko paglapit ko sakanya.

"edi saan pa. Doon sa place kung saan tayo laging naguusap." tinignan niya ako at nginitian, alam niyang alam ko kung saan yung tinutukoy niya. Kaya tumango nalang ako at naglakad na kami.

Ang sarap talaga ng simoy ng hangin dito sa probinsya. Tatama sayo ang init ng araw pero hindi yun nakakapaso sa balat. Ang lugar kung saan kami laging nag uusap ni ate cristy, ay ang lugar kung saan malapit kami sa bukid. Kapag nandoon kami, nakakalimutan namin yung mga problema, dinadala ng malakas na hangin lahat ng lungkot at mga isipin namin. Kaya hindi kami nagsasawa doon.

Nang makarating kami ay agad kaming umupo. Saglit naming pinagmasdan ang bukidan. Hindi kumukupas ang ganda nito, ang lawak at ang aliwalas ng paligid.

"pag pumasa ka sa scholarship enrollment, hindi mo na to makikita." Napatingin ako sakanya, sa biglaan niyang pagsasalita. Nakangiti siya ngunit ramdam ko ang lungkot sakanya.

"ano kaba ate, malipat man ako sa maynila, hinding hindi ko to makakalimutan, araw araw ko tong mamimiss." tumingin siya sakin at nginitian ko naman siya.

"sigurado ako na papasa ka, ikaw pa, napaka talino mong bata ka." bahagya siyang tumawa ngunit walang halong biro ang mga sinabi niya

"grabe naman sa napaka te, pinapataas mo naman yung level of confidence ko. Sakto lang." Tumawa kami parehas pagtapos ay sabay kaming napabuntog hininga.

"mag iingat ka sa maynila, madaming loko loko don, kahit na hindi ako nakapag aral don, alam ko na malaki ang kaibahan ng probinya kaysa sa syudad. U better take care of yourself pag nandoon kana." nakangiti ngunit seryoso niyang sabi. Tumango naman ako. "kaya ko yung sarili ko ate, don't worry."

"atsaka malaki nako, kaya ko ng bumanat HAHAHAHAHAHA" nagtawanan kami

"at! Wala munang bf bf ha? Mag aral muna bago lumandi!" sabi niya, inirapan ko.naman siya.

"grabe talaga sa lumandi ate, dito nga binabusted ko lang lahat ng manliligaw ko e, doon pa kaya, tsh."

"babustedin mo talaga, syempre nandito sina tatay at nanay, e doon sa maynila makikita kaba namin? Malay ba namin." sabi niya na may halong pagmamalisya. Hinampas ko naman siya sa braso "Atee! Wala kabang tiwalaaa?" sinimangutan ko siya, pero tinatawanan lang niya ako

Close yet SeparateWhere stories live. Discover now