"Anong ginagawa mo dyan, Ira?" Tanong ni Kuya.
"Ako dapat ang mag tanong sayo niyan, Ivan." Walang gana kong sagot.
Hindi kami mag kasamang lumaki kaya hindi kami masyadong close, at mas lalong ayokong mapalapit sakaniya ngayong may girlfriend siyang demonyita.
"Nauna akong nag tanong, Adira." Sagot niya.
Inirapan ko siya. "Paano kung ayaw kong sagutin? Atsaka pwede bang huwag kang lalapit sakin, baka mag wala nanaman yung girlfriend mong tanga."
Nagulat ako sa susunod niyang sinabi. "She's not my girlfriend anymore, I broke up with her."
Nag salita ako ng hindi tumitingin sakanya. "Good for you, 'Kuya."
Iniwan ko na siya don. Mag iisang taon ko palang siyang kilala bilang Kuya ko, hindi ko alam bakit tinago siya sakin ni Mama at Papa. Gustong-gusto kong maramamdaman ang pakiramdam na may Kuya noon, pero ngayong meron talaga ako parang okay na sa akin ang mag isa. Okay na sakin ang mga kaibigan ko, pwede ko namang maging Kuya si James.
Papunta na ako ng Villa, hindi naman ako makakabalik kung saan sila nag lalaro. Nahihiya ako ay RJ, pakiramdam ko sobrang sikip ng paligid kapag kasama ko siya; hindi ako makahinga.
Habang nag lalakad ako may balikat ang biglang pumigil sakin. "Can you tell me what should I do to lessen the anger you feel towards Kuya?"
Nang marinig kong sabihin niya ang mga salitang iyon ay nanghina ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kahit gaano katibay at kataray ang personalidad na meron ako, pag datin sa pamilya ko ay mahina ako.
"J-Just give me time and s-space, babawi ako....Kuya." Sabi ko.
Umalis na ulit ako kung nasaan siya, nag iba ako ng daan papunta Villa pero nakasalubong ko si Chiara.
Pinunasan ko ang mga luha ko bago pa siya makalapit sakin.
"A, hinahanap ka daw ni Tita?"Biglang tanong ni Chiara.
"Nope." I said.
Nag tataka niya akong tinignan. "Oh bakit ka umalis? Katabi mo na nga umalis ka pa.."
I shrugged. Kapag sinabi ko sakanya yung naramdaman ko paniguradong aasarin niya nananaman ako, baka idamay niya pa si James. She knows that I found him handsome but she didn't know about this strange feeling.
"Tara na, balik kana don. Ang init dito." Hila niya sakin.
Mas mainit kaya kung saan sila nag lalaro. Sasama na sana ako pabalik pero tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mama.
"Wait." Sabi ko kay Chiara.
"Bakit po?" Bungad ko.
[Gusto ko lang sabihin sainyo na nag extend pa ako ng dalawang araw dito sa Isla, pupuntahan daw tayo ng Tita Lucille mo.] Sabi ni Mama.
"Bakit dalawang araw lang Ma?" Tanong ko.
[Aba baka lang nakakalimutan mo, we'll go to Boracay in a few days din.]
"Oo nga pala, Sorry Ma. I forgot." I laughed.
[Okay then, sabihin mo nalang kina Chiara at James. Actually sila ang una kong tinawagan pero naiwan pala dito yung mga phone nila.] Sabi ni Mama at binaba niya na.
Wow! Just wow. Ma, ako yung anak mo. Baka lang nakalimutan mo.
"We'll be staying here for two days pa daw, nag extend daw si Mama." Sabi ko kay Chiara.
"Edi mas okay. Tara na, pinalitan lang ako ni Mr. Gwapo don. Nakakahiya naman." Sabay hila niya sakin.
Sasama na ako sakaniya nang bigla ulit tumunog ang cellphone ko.
YOU ARE READING
Sight of Love (Again Series #1)
Teen FictionAgain Series #1 Adira's life has never been that easy. She lost all of her precious memories with Reagan because of trauma. Maraming naapektuhan sa pagka wala ng mga ala-ala niya, ngunit marami rin ang naging pagbabago nang magkita ulit silang dalaw...