Chapter 06

123 4 0
                                    

"Love, I'm here. Can't you see me?"

Magkakasama kaming tatlo ngayon, nakaupo sa dalampasigan. Hindi pinapansin ni Raiven si RJ kaya binuhat niya ito para pag tuonan siya ng pansin ng bata.

"Ay!!. What are you doing Kuya!????" Tumatawang sigaw ng kapatid niya.

"Kanina pa kita tinatawag parang wala kang naririnig." He said.

"Oh, I thought you're talking to Ate." She chuckled.

Love? Yikes I don't like that endearment. I don't know why, maybe because that's what Kuya Ivan usually called her ex-girlfriend. Or maybe..

"Aba! Bakit naman ako tatawaging 'love' ng Kuya mo?" Tanong ko sakanya.

"He likes you right?" She asked.

I chuckled. "Yes he l-likes me but that doesn't mean he loves me, Rai."

"So, mali 'yong tanong ko." Sabi niya at tumingin sa malayo.

Without a word, Kayser suddenly appeared.

"Raiv, tara na." Hinihingal na sabi niya.

Binaba na siya ni Reagan para ibigay kay Kayser, pero tumakbo siya papuntang dagat. Walang nagawa si Kayser kundi habulin ang kapatid niya.

Nakangiti niyang tinitignan ang mga kapatid niya, I wish I could recall all of my memories with Kuya Ivan. Nagkaroon rin kaya kami ng ganoong bonding ni Kuya?

"Mag hintay ka lang, maya-maya nag aaway na silang dalawa." Tumatawang sabi ni Reagan.

"Masaya bang lumaki kasama ang mga kapatid mo?" Tanong ko sakanya.

Tinignan niya ako, hinila niya ako papunta sa ilalim ng puno kung saan may duyan.

"Oo naman, pero minsan matatawa ka nalang sa inis dahil sa kulit nila." Sabi niya habang nag lalakad kami.

Sinisipa ko lang ang buhangin nadadaanan namin nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Bakit?"

"What if hindi lang kita gusto? What if I love you already? " Seryoso niyang sabi.

I shrugged." I don't know, hahayaan ko lang sigurong maramdaman mo. Mawawala din 'yan."

I became straightforward too.

"Paano kung hindi na?" Seryoso pa din siya.

"Edi hindi~ teka nga, stop playing around Reagan Jon." Naiinis kong sabi.

He just chuckled and didn't say a word.

We both fell silent after that. We stood in silence watching the sea waves and his siblings play. I sat on the hammock to make myself more comfortable while he's still standing.

"Here, tabi tayo." Anyaya ko sakanya.

Malawak naman ang duyan kaya tiyak kong kasya kaming dalawa. Tinignan niya muna ako para siguraduhing hindi ako nag bibiro.

Habang pinag mamasdan niya ako ay natawa ako. "Why are you laughing?"

"Grabe naman kasi 'yang expression mo, parang hirap na hirap kang paniwalaan ako." Natatawa kong saad.

Sight of Love (Again Series #1)Where stories live. Discover now