CHAPTER IV

106 13 3
                                    

Wise

Nakatingin lang ako sa labas habang patuloy sa pag-andar ang van na sinasakyan namin.

Kasama ko ngayon sila Coach, Edward, Kiel at Dex. Galing kami sa company ng isang sikat na drinking product na isa sa mga sponsors ng Blacklist para kunin ang mga product na gagamitin namin para sa ad na gagawin ng Team.

Tahimik lang ang lahat, ni-isa ay walang nagsasalita. Siguro ay napagod din ang mga kasama ko dahil sa sobrang haba ng binyahe namin Mula sa Bootcamp Hanggang sa company.

"Guys?" Napatingin sakin ang mga kasama ko nang bigla akong magsalita. maging si Dex na s'yang nagmamaneho ay napatingin din

"Pwede ba tayo dumaan saglit sa Mall?" Dagdag ko pa.

"Bakit?" Tanong ni Coach.

"May bibilhin Sana ako eh, deretsuhin na sana natin." Ani ko.

Tinignan ni Coach isa-isa ang mga kasama ko na tila tinatanong Kung papayag silang dumaan kami saglit sa mall. Wala naman na silang nagawa kundi ang tumango.

"Sige, pero saglit lang ah," Pag-payag ni Coach.

Agad namang niliko ni Dex ang van sa daan papunta sa Mall. Actually wala naman talaga akong balak na bilhin, gusto ko lang tignan kung nandoon pa yung action figure na gusto kong bilhin.

"Hulaan ko yung gusto mong bilhin..." Napatingin ako kay kiel nang magsalita ito.

"Ano?"

"Pag nahulaan ko libre mo 'ko ng Ice Cream."

"Pano 'pag 'di mo nahulaan?" Tanong ko.

"Edi Ako naman manlilibre sa inyo," ngiti pa ni Kiel. Mukhang confident na confident si kupal ah.

"Deal! Oh anong hula mo?" Tanong ko.

Nakatingin lang samin Sila Coach at maging Sila ay hinihintay Kung Ano Ang sasabihin ni Kiel.

"Diba may nakita kang sapatos sa FB kahapon Sabi mo gusto mo 'yong bilhin. Yun!" Proud na proud pang Sabi ni Kiel na animong siguradong-sigurado na Tama sya.
Napangiti Ako at agad na umiling.

"Mali! Titignan ko Yung Action Figure na nakita ko last punta natin sa Mall!" Ani ko pa at malakas na tumawa dahilan para lumukot ang noo ni Kiel. Nakisabay pa sa pagtawa Sila Coach para asarin pa lalo si Kiel.

"O pano ba yan Ohab, ililibre mo kami ngayon," Ani ni Coach.

"La Wala Naman kayo sa usapan ah!" Pagmamaktol ni Kiel.

"Parang may narinig ako kaninang nagsabi ng "Edi Ako Naman manlilibre sa inyo"" binigyang din pa ni Edward Yung salitang inyo.

Inis na napakamot nalang si Kiel sa ulo at padabog na sinandal Ang likod nya sa Upuan.

Patuloy lang kami sa pagkkwentuhan at pag-aasaran Hanggang sa marating na namin ang mall. Agad na pinarada ni Dex ang kotse sa parking lot at sabay-sabay kaming nagsibabaan.

"Bilisan nyo lang ah, dapat bago mag 5 nakabalik na tayo sa bootcamp," Ani ni Coach.

"Di ka sasama sa loob coach?" Tanong ko

"Hindi na, bantayan ko nalang tong van,"

Nauna nang magsipasok yung dalawa sa loob kaya agad na rin akong sumunod. Mabuti nalang at wala parin masyadong tao rito kaya hindi hassle magtingin-tingin ng mga gamit.
Tahimik lang akong naka-sunod sa dalawa habang nakasakay kami ng escalator paakyat ng 2nd floor.

"Sasamahan n'yo pa ba ako sa store o may gusto kayong puntahan na iba?" Tanong ko sa kanila nang maka-akyat kami. Agad naman na nagkatinginan sila Kiel at edward na tila nag-uusap sa mga mata at saka malawak ang ngiting tumingin sakin at umiling.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Royal BattleWhere stories live. Discover now