Venus' POV
"NICEEEEEE!" Napuno ng sigawan ma may halong talunan ang buong bootcamp matapos naming manalo kontra Arkangel.
Napangiti nalang ako habang pinapanood ang mga teammates ko na nagcecelebrate ng pagkapanalo. It's been our long time dream to enter the pro scene and Finally, 1 Win away nalang maa-achieve na namin yun.
"T*ngina Pre nakita mo yung mga Harith Plays ko dun?" Pagmamalaki ni Kyle sa Lahat.
"Oo g*go Lupet mo pre!" Sabi naman ng 6th Man/Analyst namin na si Raiko.
"Ulol di mo naman mapapatay yung Lance kung di ko nahuli yun!" Sabat naman ni Allu. Napairap nalang ako sa kanilang dalawa, For sure magsisimula na namang magbangayan yan.
"Ulol nahuli mo yun wala na sa kalahati yung Buhay!"
And there they go...
"Oh tama na yan! Magbabangayan na naman kayo," Natatawang Suway ni Coach Koy. Agad naman na tumigil yung dalawa at ipinagpatuloy ang pakikipag-celebrate sa iba.
"Congrats Vee" Napatingin ako sa gilid ko nang may biglang Umupo dito. Nakangiti nyang inabot sa akin ang isang bottled water na agad ko namang kinuha.
"Congrats saten kamo!" Ani ko sa kanya at nginitian sya pabalik.
"Ang saya nila no?" Nakangiting tanong ni Sid habang nakatingin sa mga ka-team namin na nagkakasiyahan kasama ang ibang kasama namin maging ang Social Media Manager namin.
"Deserve naman nila magsaya," nakangiting sabi ko.
"Ikaw din..." Napatingin ako sa kanya matapos nya sabihin 'yon " Deserve mo rin maging masaya" dagdag nya pa.
"Lahat naman tayo deserve magsaya no," Pabiro kong sabi sa kanya.
"But Happiness is an Understatement for you, You deserve to be more than Happy," Napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito ngunit makahulugan ang mga tingin nya, sinsero ko itong nakikita sa likod ng mga bilog na Lense na humaharang dito.
"I know It's been your dream to be a Pro Player, You gave up a lot of things para makamit 'to and Konti nalang makukuha mo na yun," Dagdag nya pa.
Napatitig ako sa mga mata nya. Kasabay ng pag-abot ko ng pangarap na maging isang Pro Player ay syang pagbitaw nya rin sa mga pangarap nya para samahan ako sa pangarap ko.
Napayuko ako, Hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. I know It was never on his dream to be in this kind of world pero para sakin isinantabi nya yung pangarap nya para samahan ako.
"What's Wrong?" Rinig kong tanong nya. Hindi ko na namalayan na may tumulo na palang patak ng luha sa mga mata ko. Agad kong tinanggal ang Salamin ko at pinunasan ito.
"Wala" ani ko at nginitian sya pero mukhang hindi sya nadala ng ngiti ko, mas lalo nyang inilapit ang Gaming Chair nya sa Harapan ko at pinunasan ang pisngi ko gamit ang panyo nya.
"I told you many times na wag ka nang ma-guilty. It's my Choice Vee, at masaya akong samahan ka sa pangarap mo," He gave me an Assurance smile. The smile that has been my comfort for a long time, The smile that never leaves me from the Very start of my dream. The smile that will always be my safe space.
"Thank you" Yun na lamang ang nasabi ko, but I know that he feels how much he means to me.
Hinawakan nya ang kamay ko na nakapatong sa Table at dahan-dahan itong hinaplos.
"I'll always be here for you,"
"Sid! Vee! Picture Tayo!" Sigaw ni Coach Koy kaya sabay kaming napatingin sa kanila, Naramdaman ko rin ang mabilis na pagtanggal ni Sid ng kamay nya sa Kamay ko.
"Let's go?" Aya sa akin ni Sid, Tumango ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa Pwesto ng mga kasama namin.
Sa Center-back kami nakapwesto ni Sid since matangkad kami pareho while yung mga bunso naman ay nasa Harapan.
"Ayos na ba?" Tanong ni Kuya Roi, ang Photographer ng CYC.
"Ayos na Kuya Roi!" Sigaw ni Sid
"Okay! Smile ah! 1! 2! 3!"
Naramdaman ko ang isang kamay na pumalibot sa balikat ko kaya't napatingin ako kay Sid, Nakatingim din ito sakin, kasabay ng pag-flash ng Camera ay ang pag-ukit ng ngiti sa mga labi nya.
"Congrats Vee"
*****
A/n: Lol it took me more than 2 weeks to update a <700-Word Chapter. Anyway po as You can see Binago ko po yung isang team. Masyadong misleading at kulang yung mga info na meron ako sa Onic Ph para maisama sila, so Nag-imbento nalang po ako ng bagong team.
YOU ARE READING
The Royal Battle
Hayran KurguDJ Del Rosario also known as Wise, the Jungler of Blacklist International, The team that Dominated one of the most Professional and Prestigious MLBB League in the country for 4 seasons. They have been very consistent as they were the only team to ge...