CHAPTER III

404 20 8
                                        

"Vee sama ka?" Napalingon ako sa pinto at Nakita ko si Sid na bihis na bihis.

"San punta mo?" Kunot-noo Kong tanong sa kanya.

Tinignan ko sya Mula ulo Hanggang paa, Wala paring kupas ang postura ni Sid. Kahit simpleng white shirt na pinatungan ng Black Jacket at pinartneran ng simpleng Black pants at White rubber shoes ay bumabagay sa kanya. Nagtataka na nga Lang ako Kung bakit Hanggang ngayon Di parin nagkaka-jowa 'to gayong marami namang nagkaka-gusto sa kanya.

"Nag-aya sila Kyle mag-mall, bibili raw sila ng sapatos. Nagpaalam na rin ako Kay Coach.

"Sapatos na Naman?" Kunot-noo Kong tanong sa kanya. Halos mapuno na Kasi Ang bootcamp namin ng mga sapatos dahil halos bawat lakad namin ay sumisingit sila sa pagbili ng sapatos.

"Hayaan mo na, alam mo namang obsessed Yung Apat sa Sapatos," tugon nya saka kibit-balikat na pumasok at tumabi sa akin. Pareho kami ngayong naka-upo sa kama.

"Sama ka na..." napa-usod ako palayo sa kanya dahil sa malambing na tono ng Boses nya, "Kailangan ng mga Bata ng nanay, Di ko kakayanin Kung ako lang mag-isang sasama sa kanila," pagmamaka-awa nya pa.

Nandidiri ko syang tinignan 'saka binato ng nadampot Kong unan. Natatawa nya Naman itong sinalo at muling inilapag sa kama.

"Biro lang!" Natatawa nyang ani saka tumayo Mula sa pagkaka-upo sa kama. Inayos nya ang nagulong suot na jacket at puting shirt 'saka kinuha Ang Itim na Sumbrero na may Letter "V" sa gitna at face mask na nakalagay sa Vanity table.

"Pero seryoso, samahan mo kami. Alam mo Naman Yung Apat, makukulit pag magkakasama. Kung san-san nagkakayayaan pumunta. Di ko kakayanin Kung ako lang magbabantay sa kanila," Ani nya at sinuot Ang Sumbrero at facemask na hawak. Mas Lalo syang gumwapo dahil dun.

Napabuntong-hininga nalang ako saka tumayo at nagkalad papunta sa walk-in closet. Balak ko sanang mag-live ngayon kaya naligo ako pero baka mamaya ko nalang ituloy, 2 palang Naman ng hapon.

Simpleng panlakad lang Ang ipinalit ko. Pink Shirt na may kaunting design at pants, Wala Naman akong balak mamili kaya Di ko na kailangan magbihis pa ng bongga. Isinuot ko na Rin Ang Itim na facemask at puting Sumbrero na may design na Letter S sa Gitna. Si Sid Ang nagbigay sakin nito, para daw matchy kami. Matchy hmp.

"Kuya Sid?" Napalingon ako sa pinto nang marinig ko Ang katok ni Raiko. Tinignan ko si Sid na naka-upo ngayon sa upuan sa harap ng Vanity Table at sinenyasan syang labasin Si Raiko. Agad Naman syang tumayo at nagtungo sa pinto.

"Tara na!" Rinig Kong Aya ni Raiko. Ipinagpatuloy ko Ang pag-aayos ko sa sarili.

"Sige una na kayo sa baba, hintayin ko lang si Vee,"

"Wag na, Tara na." Singit ko sa kanila. Kinuha ko ang body bag ko na nasa Gilid ng kama saka pumunta sa kanila .

"Ayan na pala si Momshoe eh," Ngiti ni Raiko at saka napa-umunang maglakad pababa.

"Ako na magdadala Nyan Vee" Ani ni Sid saka kinuha sakin Ang Body bag ko at sya na Ang nagbitbit. Di na rin ako nag-react, lagi nyang ginagawa yon sa twing aalis kami kaya nasanay na rin ako.

Pagbaba namin ng hagdan ay naabutan namin si Allu na nakaharap sa human sized mirror at tinigtignan ang sarili dito. Napahinto sya sa ginagawa nang makitang pababa na kami ni Sid.

"Asan na sila Railey?" Tanong ni Sid.

"Nauna na dun sa Van," Saad ni Allu. Kinuha nya Ang Cellphone at wallet nya na nasa sofa at sumabay sa amin sa paglakad.

"Momsh pwede palagay ako neto sa bag mo?" tanong ni Allu habang papalakad kami palabas ng bootcamp.

"Pwede Naman, pero tanong mo si Sid. Marami kasing laman Yung bag ko eh baka nabibigatan na sya," sagot ko. Tumingin Si Allu Kay Sid na tumango lang at kinuha Ang inaabot na Wallet sa kamay ni Allu.

The Royal BattleWhere stories live. Discover now