TWENTY-TWO

895 19 1
                                    


LISA

"Lisayah, ano na plano mo ngayon sa pinsan ko?" tanong ni Jisoo unnie sakin bago nya tinungga yung isang bote ng beer (I wonder. Umiinom kaya ng beer si Jisooy? hmm 🤔)

"I don't know yet unnie." iling kong sagot.

Tiningnan naman nya ako na nakakunot yung noo.

"God Lisayah, dapat dumada-moves ka na. Sige ka baka maunahan ka pa ng iba dyan." hindi ko alam kung inaasar lang ba ako ni unnie o ano.

"Seryoso, kaya nga kita inaya dito eh, para damayan ako. Hindi para asarin mo lang, tsk." inis ko namang sabi sa kanya.

Kainis naman kasi eh, totoo naman kasing inaya ko sya dito sa bar, para damayan ako at paga-anin manlang yung loob ko tapos ayan, mang-aasar lang sya. Tsk.

Pano ba naman kasing, hindi ko sya ayain. Eh, sa want ko ilabas yung inis at frustration ko. Yung bestfriend kasi ni Jennie, na kasing pangalan ng aso nya, na mukhang aso din naman, at hindi ko alam na empleyado pala namin ang ugok na Kai na yun. Ayon, nagkita ang mag bbestfriends kanina, at simula kanina, lagi ng nakabuntot ang asungot na yon sa trip girl ko. At ito namang si Jennie halatang masaya. Tsk, edi sila na.

"Bakit hindi ka nalang kasi umamin sa kanya. Halata din namang bet ka ng pinsan ko eh" sabi nya at tumangga naman uli ng beer.

"Hindi ko pa kaya unnie. Natatakot kasi ako sa pwede mangyari samin, at natatakot ako na baka i-reject lang nya ako" malungkot ko namang sabi.

"Ewan ko sayo Lisa. Tulad nga ng sabi ko, alam kong bet ka rin ng pinsan ko. Tsaka anong pinagsasabi mong reject-reject? Baka gusto mong i-inject ko tong alcohol sayo at ng mahimas-masan ka dyan sa kaartehan mo" may inis namang sabi nya.

"Unnie, wala kang injection, kaya hindi mo pwede i-inject sakin yan. Tsaka unnie, anong konek ng reject sa inject?"

"Heh, ewan ko talaga sayo. Pero, ay basta, pag parehong ject. Connected narin yun no, tsaka same narin yun. Inject, reject, oh diba magkatunog?" parang proud pa sya habang sinasabi nya yun. Pambihira haha.

"Hindi yun pareho unnie, magka-iba yun. Alam mo ba kung ano yung pinag-kaibahan ng dalawa unnie?" umiling naman sya.

"Hindi ko rin alam eh" sabi ko kaya nakatanggap tuloy ako ng batok sa kanya.

"Bwiset ka Lisayah. Nagpapatawa ka ba o baka na buang ka na sa sobrang pagmamahal mo sa pinsan ko?" sinamaan ko naman sya ng tingin. Na buang ka dyan, hmp.

"Pwede both?" ayun another batok na naman galing sa kanya.

"Bwiset ka talaga Lisa" napasabunot naman sya sa buhok nya. And, ngayon ko lang namalayan, umikli pala ng unti, tas medyo kinulayan din ito. Ewan ko lang, I'm not sure, kasi party lights lang naman yung naka on na ilaw dito sa loob ng bar.

"Hoi Lisa, natulala ka na dyan? Wag mo sabihin, matapos kang pagtaksilan ng sinisinta mong sadistang mapanakit, eh sakin ka na ngayon may gusto? Aba, mag hulos-dili ka naman hoi, may asawa na ako" this time ako naman yung bumatok sa kanya. Pinagsasabi nito?

"Aray ko ha. Langya ka talagang Lisayah ka, ansakit mo mambatok" sigaw na singhal nya kaya napatingin tuloy samin yung ibang taong nandito.

"Unnie ang ingay mo" saway ko sa kanya at napatingin ako dun sa taong nasa likuran nya, na kung makatingin sakin, is ang sama. Problema nito.

Napansin ko namang naglakad ito papalapit samin, kaya pa simple kung binulongan si unnie na may papalapit samin at sinabihan ko narin syan, na, if ever makalapit na 'to samin. Maging kalmado lang sya, na sya namang agad tinangoan nya. Good.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon