SEVENTEEN

993 20 2
                                    


JENNIE

"Saan ka galing?" napatalon ako ng dahil sa gulat ng may biglang magsalita sa likuran ko. Sh*t, napahawak pa tuloy ako sa dibdib ko sa sobrang gulat at muntik ko pa tuloy maitapon ang hawak kong baso na may lamang tubig.

Ng mahimasmasan. Inis kong hinarap yung taong nang-gulat sakin.

"Bwiset ka talaga kahit kailan kang higante ka." inis ko nga siyang pinaghahampas. Muntik na akong atakihin sa puso eh. Makagante manlang ba ako sa bakulaw na to.

Kahit na, syempre namimiss ko siya, at balak ko pa sana siyang yakapin pag nagkita na kami ulit pero dahil sa ginawa niyang pang-gugulat sakin, nagbago na tuloy yung isip ko.

"Oi duwende ko, enough na please. Ang sakit mo kaya manghampas, FYI lang no." reklamo naman niya habang sinusubukan niyang pigilan yung paghahampas ko sa kanya. Hindi ko parin kasi siya tinigilan. Tse, bahala siya. Kasalanan naman niya eh, nang-gugulat ba naman kasi.

Natigil lang yung panghahampas ko sa kanya ng hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Ano ba, bitiwan mo nga ako." pagpupumiglas ko sa kanya ng mahigpit niyang hinawakan yung kamay. Grabe ang lakas niya, sakit na ng kamay ko. Huhuhu. Ang higpit ba naman kasi ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

Umiling lang naman siya at kinaladkad ako patungong kwarto niya.

"Dahan-dahan naman, kung pwede lang e no." inis kong reklamo sa kanya.

Grabe ha, kung makaka-ladkad sakin parang wala lang sa kanya. Hindi ba niya alam na nasasaktan na ako. Kainis naman.

Dahil sa pagpupumiglas ko sa kanya, binitiwan narin niya yung kamay ko, buti naman. Pero laking gulat ko ng bigla niya akong binuhat ng pang bridal style.

"Hoi ibaba mo nga ako." sabi ko pero inirapan niya lang ako at patuloy paring lumakad papasok ng kwarto niya. Aba! Aba! Ako si Jennie Ruby Jane Kim, papayag na irapan niya. Mamaya ka sakin Manobag ka pag naibaba mo na ako.

Nang makarating na kami sa kwarto niya, at ilang segundo na yung nakalipas pero hindi niya parin ako ibinaba.

"Manobag ano na, ibaba mo na nga ako." inis ko namang sabi sa kanya. Wala pa ata siyang balak ibaba ako e.

Napalaki naman yung mata ko ng bigla niya akong inihagis sa kama at napalundag pa ako dito.

Bwiset, walang puso.

"Bakit mo ako inihagis ha?" inis ko pang tanong sa kanya.

Nagkibit-balikat lang siya at naka de-kwatrong umupo sa sopa.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw" walang ganang sagot niya.

Nagsalubong naman ang kilay kong tiningnan siya at ilang sandali naman ay namayani yung katahimikan.

"Sino si Kai?" biglang tanong niya.

"Kai? Sino- kilala mo si Kai?" balik tanong ko naman sa kanya. Gusto ko lang kasi siyang inisin e.

Inalis naman niya yung pagkakade-kwatro niya at inis na umayos ng upo pagtapos tinaasan pa ako ng isang kilay. Hay naku.

"Nanliligaw ba sayo si Kai?" tanong pa niya.

Sasagot na sana ako ng magsalita pa ulit siya.

"Gwapo ba siya?"

"Ha?"

Ano ba pinagsasabi nito.

"Mahal mo na ba siya?"

"Gaano mo siya ka mahal?"

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon