TWENTY FOUR

888 13 2
                                    


LISA

Ang bilis ng panahon at mag-iisang buwan na rin kaming mag on ni Jennie. Ang trip girl ng buhay ko. Si Jennie is a type of person na mapanakit pisikal pero hindi mo akalain na sobrang sweet pala nito at sobrang ma-alaga, lalong-lao na sa mga mahal nya sa buhay. Sa mga araw na lagi kaming magkasama, I can say na mas minahal ko pa sya lalo. Naalala ko pa nga iyong araw na sinagot niya ako, napakasaya ko nun. Hindi ko akalain na pareho pala kami ng nararamdaman dalawa. Mahal din niya ako, mahal ako ni Jennie. Gosh, until now kinikilig parin ako sa tuwing na-alala ko ang araw na yun hehe.

.... FLASHBACKS...

"Ano Lisa ready ka na?" tanong ni Jisoo unnie sa akin na ikinakunot ng noo ko. Ready? Saan? Saka bakit kailangan ko pa magsuot ng dress? Nakakainis lang.

"Unnie naman. Ano ba talaga ang meron at kailangan ko pa magsuot nito?" reklamo ko sa kanya.

"Basta Lisa malalaman mo rin mamaya, okay. Where's the ring?" pinakita ko naman sa kanya ang hawak kong maliit na box na naglalaman ng singsing.

"Okay good. Basta mamaya ha ibigay mo yan sa kanya." Tumango nalang ako kahit hindi ko alam kung para saan ang singsing na ito. Ibibigay ko 'to kay Jennie at ako na raw ang bahala ng sasabihin sa kanya. Ewan ko lang ha pero naguguluhan na ako.

"Mahal" biglang sulpot ni Chipmunk kaya pareho kaming napalingon ni unnie sa kanya. Naglakad ito papalapit sa amin at agad nag kiss yung dalawa. Seriously! Sa harapan ko pa talaga.

"Mahal ano ayos na ba?" kindat na tanong ni unnie sa kanya matapos magtukaan silang dalawa. Pambihira!

"Yes Mahal, okay na. Nga pala, where's Jennie?"

"Andun mahal sa kabilang kwarto inaayosan."

"Sige mahal puntahan ko lang siya ron ha." Paalam nito at nilingon pa ako sandali bago puntahan si Jennie sa kabilang kwarto. "BTW Lisa, you look fabolous. Bagay na bagay sayo yang suot mo." kinindatan pa talaga niya ako bago pumanhik sa pinto ng kwarto ko at tuloyan na itong lumabas. Uhm, hindi naman sa pagmamayabang ha. Pero kahit ano namang isuot ko, bagay parin sa akin eh hehe.

"Lisa" medyo may pagka excited na turan ni unnie sa pangalan ko ng kami nalang ulit dalawa dito sa kwarto.

"Hmm?"

Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap.

"Pag naging kayo na ng pinsan ko, please don't hurt her. Kahit na napaka mapanakit nun, pero mahal na mahal ko parin yun. Please.. love her unconditionally, wag ka nang mambabae kung ayaw mo syang mawala sayo." Para namang maiiyak sya ng kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ang weird po ni unnie, promise.

Kahit hindi ko alam kung ano nangyari o mangyayari pa, ngumiti nalang ako sa kanya ng may assurance. Masyado kong mahal si Jennie para saktan ko lang sya. Ako una masasaktan if ever masaktan man siya, kaya never ever kong sasaktan ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng ganito.

"Unnie, I won't hurt her. Mahal ko si Jennie. Sobra ko na syang mahal para saktan lang. Kaya wala na sa vocabulary ko ang mambabae o magdala ng babae ulit sa kahit saan para lang you know." Medyo natawa pa si unnie sa huling tinuran ko.

"Sabagay Lisayah. Nakikita ko naman na nagbago ka na talaga. Sana magtuloy-tuloy na yan?"

"Of course unnie, tuloy-tuloy na ito. Just because of Jennie at sa sobrang pagmamahal ko sa kanya nagbago na ako. Hindi na ako yung Lisa dati."

"Mahal mo talaga siya e noh?"

"Oo unnie. Hindi lang mahal kundi mahal na mahal na mahal na mahal ko pa" mula sa kaibuturan naman ng puso kong sabi.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon