Clara's POV
After breakfast,tinulungan ko lang si manang na magligpit ng pinagkainan. Sina mom and dad naman ay dumiretso sa kanilang office dito sa bahay.. Hmmmp., kala ko pa naman magkakatime sila sa akin.
Pagkatapos ko tulungan si manang ay dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagbasa. Naghanap ako ng pwedeng basahin na nakalagay sa shelves pagkatapos ay dumiretso sa kama at sumandal sa headboard.
"Mukang maganda yung story na to ah?" Sabi ko
Title pa lang ay masasabi ko na maganda ang magiging flow ng story. It reminds me of myself. Yeah, it is entitled Miss Invisible.
Feeling ko ay nakatadhana sa akin na basahin ang libro na to dahil naranasan ko na kung paano maging invisible. Kung ano yung pakiramdam na wala kang kausap,nakakasama at kaibigan. Yung tipong mag-isa ka? Naranasan ko na lahat yan at thankful ako kasi ngayon, hindi na ako nag-iisa.Bigla na lang pumasok sa isip ko si Lorenz. Ano kaya ginagawa niya? Busy kaya siya? Nasaan kaya siya?
Napailing na lang ako sa iniisip ko.
"Simulan ko na nga to"sabi ko sa sarili ko
Babasahin ko pa lang yung prologue nang may kumatok.
Tok!Tok!Tok!
Sinarado ko muna yung hawak kong libro at dumiretso sa pinto. Pagbukas ko ay nakita ko na naman si mommy na malapad ang ngiti. Bat kaya?
"Bakit po?" tanong ko.
"Get up,we'll go to the mall"sabi ni mommy sa akin
"Ah?"sabi ko na lang. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko eh. First time kasi na pupunta kami sa mall.
"Alam kong naninibago ka dahil lagi kaming wala ng dad mo pero gusto naming bumawi sayo, namimiss ka na namin eh"dahilan ni mommy
Kita ko sa mata ni mommy na sincere siya sa mga sinabi niya kaya ngumiti ako sa kanya at sinabi ko na magbibihis na ako.
Dumiretso ako sa cabinet at namili ng susuotin. Ano ba kailangang damit kapag aalis ng bahay?
Dress? Shorts? or Pants?
Ang hirap naman magdecide..Pinili ko na lang ang isang mint green lace dress and I partner it with white flat shoes. Okay na siguro to noh? Hindi kasi ako prepared dito..
Pagkatapos ko magbihis ay nagsuklay lang ako at hinayaan ko ang buhok ko na nakabagsak. Naglagay lang rin ako ng konting powder at ready na ako..
Nung tapos na ay bumaba na ako at naabutan sina mom and dad na naghihintay na sa akin. Hindi sila nakaformal attire ngayon..
Pagkakita nila sa akin ay parehas silang ngumiti at si mom naman ay niyakap ako.
"There you are Clara,you're so beautiful" sabi ni mommy
Natuwa naman ako dun kasi ngayon ko lang rin narinig sa kaniya na sabihan ako ng maganda
"Tama ang mom mo,ang ganda mo princess. Nagmana ka sa akin" singit ni dad
Bumitaw na kami sa pagkakayakap ni mom at si mom naman ay naningkit ang mata kay dad.
"Anong sayo lang nagmana? Sa akin rin noh!" bulyaw ni mom.
Ang cute nilang tignang dalawa. Ang swerte ko sa kanila.
"Chill honey,pareho sa atin nagmana ang anak natin. Okay na?"sabi ni dad
Hahaha! Under pala ang dad ko eh.
BINABASA MO ANG
Miss Invisible (KathNiel)
Teen FictionNo one cares about me. No one knows me even what my NAME is. No one wants to talk to me or even take a glance on me. For them, I'm just UNNOTICED and INVISIBLE Girl.