Clara's POV
Katatapos lang ng break namin kaya pumunta na ako sa classroom. Yung ibang mga kaklase ko nagsibalikan na rin. Yung iba naman nakatambay pa sa corridor. Ako naman umupo na sa upuan ko.
Ako lang ang magisa dito sa likuran at mayroon pang vacant seat sa right side ko. Wala naman kasing gustong tumabi sa akin eh.
Yung kanina naman sa physics time, di ko na lang iniisip ngayon kasi ayoko ng saktan yung sarili ko. Masakit na nga yung nangyari kanina eh. First time yon na napansin nila ako pero parang ang sama naman ng dating sa akin.
Lord ganon po ba talaga ang nakatadhana sa akin?
Ang masaktan?
Mahirapan?
Kailangan po ba talaga na mag-isa lang ako?
Yung walang kaibigan?
Walang pumapansin?
Bakit ko po ba kailangang maranasan yung ganito? Bakit ako pa po?
Naging mabait naman po ako eh, wala naman po akong nagawang masama para mangyari yung ganito sa buhay ko.
Tatlong taon ko na pong dinadala to at napakahirap. Ang hirap hirap po ng sitwasyon ko.
Wala na po ba akong karapatang maging masaya?
Hanggang kailan pa po ako maghihintay bago matupad ang wish ko?
Sa pag-iisip ko, bigla na lang dumating yung next teacher namin. Nakakapagtaka naman, bakit si Ms. Sanchez ang andito, siya ang adviser namin.
"Okay class,I just borrowed ten minutes of Mr. Manuel's time.So as we all know kayo ang star section at alam niyo naman na dito inilalagay ang mga transferee" Ms. Sanchez said
"Yes mam" we said
"Okay so..." sabi ni Ms. Sanchez at tumingin sa labas ng pinto. Huh?
Eto namang mga classmates ko ay nagsimulang magbulungan
"May bago tayong kaklase?"
"May transferee?"
"Girl or boy?"
"Sino kaya noh?"
"Sana gwapo!"
"Sana maganda!"
"Buti dito nilalagay mga transferee!"
"Oo nga noh!"
"Hahahaha!"
Sino kaya yun? Buti pa siya, hindi pa nakikita ng mga classmates ko pero interesado na sila agad na makilala. Ako, ang tagal ko na silang kaklase pero kahit kailan hindi sila naging interesado sa akin. Ang swerte naman nung transferee na iyon.
Yumuko na lang ako pero napatingin ako sa labas ng pintuan ng room ng may foot steps akong narinig.
Si Ms. Sanchez nakangiti habang tinitignan yung transferee.
Sinundan ko ng tingin yung transferee habang palapit siya kay Ms. Sanchez.
Ang gwapo niya at mukha siyang friendly. Nakangiti siya habang papunta sa adviser namin.
Nung nakalapit na siya ay humarap siyang nakangiti sa aming lahat. Hindi niya inaalis yung ngiti sa labi niya.
"There you are Mr. Sevilla, please introduce yourself to us" Ms. Sanchez stated
BINABASA MO ANG
Miss Invisible (KathNiel)
Dla nastolatkówNo one cares about me. No one knows me even what my NAME is. No one wants to talk to me or even take a glance on me. For them, I'm just UNNOTICED and INVISIBLE Girl.