CHAPTER 4

140 5 1
                                    

Clara's POV

Di nagtagal ay dumating na rin si Mr. Manuel, ang History teacher namin. Mabait siyang guro, nakikipagbiruan pa siya sa mga students dito. Matipuno pero malambot.

Yeah, tama kayo ng hula siya ay may pusong babae.

Saglit lang ang pagpapakilala namin ni Lorenz sa isa't isa dahil dumating na nga si Sir at nagumpisa na magturo.

Alam niyo yung may hang over? Parang ganun ang nararamdaman ko ngayon dahil shocked pa rin ako sa nangyari kanina.

Ang sarap pala sa feeling kapag may kumausap sayo. Kahit na transferee siya at ngayon lang ako nakita, napansin pa rin niya ako.

Hindi katulad ng mga kaklase ko since 1st year na hindi manlang ako nakita. Hindi manlang lumapit at kausapin ako.

Ang gaan ng loob ko kay Lorenz siguro dahil siya ang unang kumausap sa akin.

Masaya talaga ako ngayon at nagpapasalamat ako kay Lord dahil tinupad niya yung wish ko.

May pag-asa pa rin naman pala na may makapansin sa akin. Kailangan mo lang hintayin yung time na dumating yun sayo at lahat ng pagtitiis mo ay worth it.

Kailangan rin na matatag ang loob natin at huwag na huwag tayong susuko sa anumang pagsubok ang dumating sa buhay natin dahil kung susuko tayo agad, mawawala yung mga pinaghirapan natin na gusto nating maabot, mababalewala lahat ng yun.

Siguro naisip ni Lord na ngayon na yung pagkakataon para maging masaya ako, para magkaroon na ako ng kasama at kaibigan.

Lord! Thank you so much po talaga!

Mukhang tanga siguro ako dito dahil nakangiti ako habang nakikinig kay Sir pero natutuwa lang talaga ako sa iniisip ko.

----------

LUNCH BREAK

Katatapos lang ng pangatlong subject namin. Inayos ko na yung gamit ako,lumakad na ako at nung malapit na ako sa pintuan ng room at pupunta na sana sa may cafeteria ay biglang may tumawag sa akin

"Clara wait!" sabi ni Lorenz

Tinawag niya ako. Ang sarap lang talagang isipin na may kaibigan na ako.

Itinuturing rin kaya akong kaibigan nito?

Ay! Ano ba tong pumasok sa isip ko! Basta para sa akin, siya ang una kong kaibigan.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. Nakita ko siyang palapit sa kinaroroonan ko.

Nung nakalapit na siya ay nagsalita siya

"Ah, Clara pwede ba akong sumabay sayong maglunch? Ikaw palang kasi ang nakakausap ko. Hehe" sabi niya sa akin

"Ayos lang sayo na sabayan ako?" sabi ko naman

Nakakahiya naman kasi na ako yung sasabayan niya di ba?

Bigla siyang ngumiti.

"Oo naman noh tska kaibigan na kita di ba? Ayos lang yon" sabi ni Lorenz

Clara Jannice Fortez, kaibigan ang turing niya sayo.. May kaibigan ka na. Wahhhhh!

"Kaibigan mo na ako?" tanong ko. Baka mamaya hindo totoo eh, umasa pa ako.

"Syempre naman, kaibigan na kita.so pwede ba tayong magsabay?" sincere na sabi niya

Hmm. Siya ang una kong makakasamang maglunch.

Ngumiti ako sa kanya, napapadalas na ang pagngiti ko ngayon ah.

"Sige" maikli kong tugon

Miss Invisible (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon