Clara's POV
Its been one damn week since the first day of classes started at sa loob ng isang linggo na iyon ay wala pa ring nagtangkang lumapit o kumausap sa akin. Saklap talaga di ba?
Buong linggo na ang kasama ko ay aking mga libro. Uuwi ako sa bahay na gagawin lang ang mga homeworks and activities na pinapagawa ng mga teachers. Pagkatapos ay kakain lang ng dinner at matutulog na. Iyan ang lagi kong ginagawa. Para na siyang cycle na paulit ulit lang. Walang pinagbago sa buhay ko.
Monday na naman at kailangan ko na namang maranasan ang pagiging loner sa school. Bakit? Kasi dito sa bahay may pumapansin sa akin, yung maids at ang parents ko. Dito sa bahay, pinapahalagahan nila ako at nararamdaman nila ang presence ko pero sa academy na pinapasukan ko, wala kahit isa. Kaya mas gusto ko pang mag stay dito sa bahay kaysa sa school.
Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa C.R para maligo. Iyon naman ang ginagawa natin sa loob ng banyo di ba? Hehe
After taking a bath, isinuot ko na ang uniform namin. Nagsuklay, naglagay ng powder at kinuha ko na ang bag ko at ang mga libro kong makakapal.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Wala ang parents ko ngayon kaya si Manang at ang mga maids lang ang kasama ko ngayon.
Nakita ko si manang na naglalagay na ng foods sa table.
"Good Morning po manang" sabi ko at umupo na.
"Good Morning din iha, sige at kumain ka na" sabi ni manang sa akin.
"Thank you po, pero manang samahan niyo na po ako sa pagkain" sabi ko. Malungkot kasi pag magisa lang kumain eh. Nararanasan ko na nga sa school kaya ayoko pati dito ganun din.
"Naku iha!, wag na" sabi ni manang at umiling iling
"Please po manang? Wala po akong kasabay eh" sabi ko sa kanya
"Hay naku Clara Jannice, oo na" sabi ni manang at kinurot ako sa pisngi
"Hehe! Salamat manang!' sabi ko ng nakangiti at kumuha na ng pagkain. Si manang naman ay pumanta sa katapat na upuan ko at kumuha na rin ng pagkain.
Si Manang ay 15 years ng nagtatrabaho sa amin bilang kasambahay pero hindi iyon ang turing namin sa kanya. Itinuturing na namin siyang kapamilya dahil sa matapat na paglilingkod nito sa amin. Siya ang nagalaga sa akin simula noong ipinanganak ako. Pag wala ang mama at papa ko siya ang nagbabantay sa akin kaya mahal ko si manang kasi nandyan siya para sa akin.
"Eh iha, kamusta ka naman sa school niyo?" tanong ni manang. Nabigla ako sa tanong niya.
"Ahm, a-ayos naman po ako doon" sabi ko medyo yumuko ako para hindi niya makita yung mukha ko.
"Talaga ba?" nagtatakang tanong niya
"O-oo naman po" sabi ko at tumingin sa kanya at ngumiti
"Noong unang araw ng klase niyo nakita ko na malungkot kang umuwi, hindi mo nga ako nakita iha eh"
Hindi ko alam ang sasabihin ko..
"Pagod lang po ako nung araw na yun. Marami po kasing ginawa sa school eh" sabi ko kahit hindi totoo. Ayoko malaman ni manang ang pagiging loner ko sa school baka kasi sabihin niya kay mama at papa. Natatakot akong malaman nila ang tungkol don.
"Ay ganun ba iha, wag kang masyadong magpapagod ha" sabi ni manang at ngumiti sa akin. Isang nagaalalang ngiti ang ipinukol niya.
"Opo manang" sabi ko at tinapos na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Miss Invisible (KathNiel)
Dla nastolatkówNo one cares about me. No one knows me even what my NAME is. No one wants to talk to me or even take a glance on me. For them, I'm just UNNOTICED and INVISIBLE Girl.