My Prince from Dreamland- Chapter 13

25 1 0
                                    

Chapter 13:

Ivan's POV

Umalis na si Rina.

Sh*t. Mali siya ng intindi. Akala niya para kay Clarisse yung binigay ko.

"Pre sorry ah. Pero hahabulin ko muna si Rina" sabay alis ni Andrew.

Ako?

Wala eh.

Bakit ba ngayon ko lang naisip si Rina?

Ang ganda niya.

Pero halata sa kanya yung lungkot?

Bakit?

"Ivan?"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si.

Clarisse?

"Bakit?" -tanong ko kay Clarisse.

"Hmmm. nakita mo ba sina Ivan?"- tanong niya habang lumilinga sa paligid.

"Kanina kaso umalis na eh. Dun sila nagpunta."- sabay turo ko sa dinaanan nila.

"Ah ganun ba? Sige salamat ah." -sabi ni Clarisse sabay ngiti at umalis.

Kinapa ko ang dibdib ko.

Walang kakaiba.

Dati sa tuwing ngingitian ako ni Clarisse ay nagwawala na ang puso ko.

Pero ngayon?

Kalmado ito.

Di tulad nang kay Rina kanina.

Yung lungkot sa mukha niya.

Parang nakaramdam din ng lungkot ang puso ko.

Ano ba ito?

Bakit kay Rina?

******

Rina's POV

Dali dali akong tumakbo sa CR para umiyak.

Ayoko makita ng iba na umiiyak ako.

"Rina sandali!"

Lumingon ako at nakitang hinahabol pala ako ni Andrew.

Huminto ako sa pagtakbo at hinintay na makalapit sakin si Andrew.

Nang nasa harap ko na siya ay bigla ko siyang niyakap.

Gulat man siya ay nakabawi din agad siya at niyakap ako pabalik.

"Ssshh. Wag ka nang umiyak. Nandito ako." -pang aalo ni Andrew.

Sa gilid ng aking mata, nakita ko na nasa likod si Clarisse.

At sa hindi ko malamang dahilan,

Hinalikan ko si Andrew.

************************************
Woooh update! Hahaha.

Ang tagal eh noh?

Peace tayo. :*

-ayemprincessdreamer :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Prince from Dreamland (Short Story) (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon