My Prince from Dreamland- Chapter 1

83 5 0
                                    

Chapter 1:

Third Person’s POV

            Sa Kaharian ng Marsiscus sa planetang Mars. Abala ang lahat ng mamamayan sapagkat ngayon magaganap ang pag iisang dibdib nina Prinsipe Andrumino at Prinsesa Clarifica.

Naghahanda na si Prinsipe Andrumino dahil tunay niyang minamahal si Prinsesa Clarifica at napakatagal na niyang hinihintay ang magpakasal na sila.

Pumasok si Reyna Lubaha, ang ina ni Prinsipe Andrumino sa kwarto nito at kinausap siya.

Reyna Lubaha: Anak

Prinsipe Andrumino: Bakit po inang reyna?

Reyna Lubaha: Kamusta na? Handa ka na ba anak?

Prinsipe Andrumino: Opo ina. Matagao ko nang hinihintay ito.

Reyna Lubaha: Anak, sana mahalin mo ng tapat si Prinsesa Clarifica at sana ay pagtulungan niyong pamunuan ang ating kaharian. Nawa’y pagpalain kayo ni Bathala.

Prinsipe Andrumino: Maraming salamat po sa basbas ina.

Reyna Lubaha: Sige anak. Ako ay tutuloy na at pupuntahan ko pa si Prinsesa Clarifica sa kwarto niya at bibigyan din ng basbas.

Prinsipe Andrumino: Salamat po ina.

Lumabas na nga ng kwarto si Reyna Lubaha. Ilang saglit lang ay nakarinig ang lahat ng isang malakas na sigaw. Dali daling pinuntahan ni Prinsipe Andrumino ang pinanggalingan ng sigaw at nadala siya sa kwarto ni Prinsesa Clarifica.

Laking gulat niya ng Makita ang ina na nakahiga sa sahig at walang malay at ang nawawalang si Prinsesa Clarifica.

Tarantang taranta si Prinsipe Andrumino at si Haring Zackeya sa nangyari.

Ilang minuto ang lumipas at nagising na si Reyna Lubaha. Agad tinanong ni Prinsipe Andrumino kung ano ang nangyari. Isinalaysay naman ito ni Reyna Lubaha.

Reyna Lubaha: Ganito kasi ang nangyari. Pumasok ako sa kwarto ni Prinsesa Clarifica pagkalabas ko sa kwarto ni Prinsipe Andrumino. Pero laking gulat ko ng may mga 5 lalaking nakaitim ang pilit na kinukuha si Prinsesa Clarifica. Pilit naman na kumakawala si Prinsesa Clarifica at humihingi ng tulong subalit wala akong magawa. Sadyang nakakatakot sila kung kaya’t hindi ako nakalaban. Nang bigla akong suntukin sa tiyan ng isa sa mga lalaki kung kaya’t napasigaw ako at nawalan ng malay. Naitakas nila si Prinsesa Clarifica! Patawarin niyo ako. Hindi ko siya nailigtas! Patawarin mo ko anak.

Prinsipe Andrumino: Ina, wala po kayong kasalanan. Kailangan ko mahanap si Prinsesa Clarifica at ibalik siya dito. Pangako po.

Haring Zackeya: Kung ganoon ay kailangan na malaman ng mga mamamayan na hindi muna matutuloy ang kasal at baka makatulong sila sa paghahanap kay Prinsesa Clarifica.

Prinsipe Andrumino: Marami pong salamat ama. Mauuna na po ako.

Haring Zackeya: Mag iingat ka anak.

Prinsipe Andrumino: Opo ama.

Ganoon nga ang nangyari. Ipinasabi na ng hari ang nangyari at sobrang nalungkot ang mga mamamayan. Si Prinsipe Andrumino naman, sakay ng karwahe ay nilibot ang buong kaharian.

Ngunit, wala siyang Prinsesa Clarifica na nakita. Nawawalan na ng pag asa si Prinsipe Andrumino ng biglang may sobrang liwanag na tumama sa kaniya.

Nawalan siya ng malay.

At paggising niya, nasa isang di pamilyar na lugar na siya.

Napakadaming mga tao at iba’t ibang kulay ang makikita sa paligid.

“Nasaan ako?” bigkas ni Prinsipe Andrumino bago ulit mawalan ng malay.

------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1 posted! :)

Chapter 2- About kay Isay! :)

Abangan.. <3

Thank you for reading! :)

-ayemprincessdreamer :*

My Prince from Dreamland (Short Story) (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon