Third-Person's POV
"Nahihilo ako. Saan ba tayo pupunta, Hunter? Tsaka saan na ba si Lucas?", Mahinang tanong ng dalaga sa binatang buhat buhat siya. Hindi alam ng dalaga anong nangyayari, okay naman ito kanina at nakikipag tawanan pa sa mga kaibigan ng boyfriend n'ya.
"Shh..we're almost there, 'kay?", ang sagot naman ng binatang nagngangalang Hunter sa dalaga. Kinakabahan ang dalaga ngunit wala naman itong magagawa dahil nanghihina ito. Feeling nito, parang binugbog ang katawan nya sa sobrang pagod kahit wala naman itong ininom na alak sa party kanina. Celebration party ito ng bagong bukas na bar na pagmamay ari ng kanyang boyfriend na si Lucas Enriquez at ang business partner nitong/kapatid na si Hunter Enriquez. Successful ang pagbubukas nito kaya naman nagplano sila na mag party sa bahay ng mga Enriquez. Enjoy na enjoy naman ang dalaga dahil palakaibigan naman ang mga barkada ng kanyang boyfriend. Ngunit, ipinagtataka n'ya ay kung bakit nahihilo siya at pagod na pagod kahit juice lang ang kanyang ininom sa party. Iniisip n'ya pa kung may nainom ba siya alak nang maramdaman n'ya inilapag na siya ni Hunter sa malambot na higaan.
"Hunter? Saan na ba si Lucas?", mahinang tanong ng dalaga. Hindi n'ya maayos ang kanyang paningin dahil tuwing binubuksan n'ya ang kanyang mata, parang ang gulo gulo ng paligid kaya naman hindi n'ya napapansin ang titig ni Hunter sa kanya.
"Damn.. you're so beautiful. I'm gonna take care of you, Jade.", malambing na saad ng binata habang hinahaplos nito ang buhok ng dalaga. Hindi pa ito nakuntento at biglang hinalikan ang dalaga na nagngangalang Jade. Nagulat si Jade at binuksan ang mga mata at doon n'ya nalaman na nasa isang kwarto sila. Kahit nanghihina, itinulak nya si Hunter ngunit hindi ito umepekto dahil hindi man lang natinag ang binata. Hindi naman nakapagtaka dahil malaking tao ito ngunit hindi sumuko si Jade, sa huli nagawa n'yang itulak ito at sampalin ng hindi kalakasan.
"Ano ba, Hunter?! Ang bastos mo ha?!" Naluluhang saad ng dalaga ngunit mababakas pa rin sa boses nito ang kahinaan. Tumayo ito at handa ng umalis nang itulak ulit siya ni Hunter at dahil sa kahinaan napahiga siya ulit sa higaan. Agad pumatong ang binata sa dalaga at hinawakan ang dalawang kamay nito.
"I love you, Jade. Matagal na. Hindi mo ba 'yon nararamdaman? Hindi mo ba napapansin? Dapat ako ang nasa posisyon ni Lucas!", saad ng binata habang nakatitig ito sa mga mata ng dalaga. Hinaplos haplos nito ang braso ng dalaga. Pumiglas si Jade ngunit malakas si Hunter kaya naman balewala lamang ito sa binata.
"Hunter, ano ba yang sinasabi mo? P-pwede ba bitawan mo ako. Nasasaktan ako, Hunter, please.. H-hindi ako makahinga dahil nakapatong ka.", naluluhang saad ng dalaga. Binitawan naman ito ng binata at umalis ito sa pagkakapatong sa dalaga. Umupo ito sa gilid ng kama habang parang batang pinagalitan ang itsura ng binata.
"Hunter, please...Girlfriend ako ng kapatid mo. A-ano bang masamang gi-ginawa ko sayo para ganituhin mo ako? Matindi na ba talaga galit mo sakin para yan dalhin dito sa kwarto at yan ang sasabihin mo?" Naiiyak na saad ni Jade. Totoo ang sinasabi nito. Noon pa man, ang mga asta ng binata sa kanya ay napaka bastos. Sinabihan nya pa itong hampaslupa at naghahanap ng lalaking mayaman para iahon sila sa kahirapan.
"Jade, hindi ako galit sayo. Please, baby. Ganon lang ako kase girlfriend ka ng kapatid ko.. Jade, I love you. I'm gonna take care of you. " malambing na saad ng binata.
"Mahal ko ang kapatid mo, Hunter. " at sa sinabi nyang iyon doon na nga tuluyang nagbago ang mukha ni Hunter. Dumilim ang mga mata nito.
"Really? If that's the case, I have no choice but to use force."
BINABASA MO ANG
Hunter's Obsession
General FictionHunter n. a person who searches for or seeks something. Obsession n. the domination of one's thoughts or feelings by a persistent idea, image, desire, etc. ----- Si Jade Lowell Conception ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buha...