Jade's POV
Maingay ang paligid. Puno ng tawanan at pagbabatian dahil kakatapos lang ng aming graduation. Ngayon ay uuwi na para mag celebrate sa kani-kanilang bahay.
"Jade, picture tayo." ani Jason na class president namin.
Inakbayan nya ako at ngumiti naman ako sa camera.
"Ganda mo talagang babae ka. Sarap mong sabunutan bakla ka ay. Kainis! Hmp!" saad nya pagkatapos titigan ang picture naming dalawa.
"Mamimiss kita, Jade." dagdag nya pa at niyakap ako ng mahigpit.
Tumawa naman ako tsaka siya sinagot.
"Mamimiss din kita. Yung pagsasabunot mo kase naiinis ka sa ganda ko." pagbibiro ko naman sa kanya.
"Che!" sagot n'ya tsaka umirap.
"Saan ka magcocollege?" dagdag na tanong n'ya.
Sinabi ko sa kanya ang aking plano nang matanaw ko si Lola na mag isang nakaupo sa upuan.
"Text text nalang tayo Jay ha? Una na ako kase nandyan na Lola ko. Mamimiss kita bakla." tsaka siya binigyan ng yakap sa huling pagkakataon.
Dumeretso na ako kay Lola at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Congrats, apo." Nakangiting bati ni Lola sa'kin.
"Salamat po, Lola. Halika na po, uwi na tayo hehe" saad ko habang hawak hawak ko ang kanyang kamay.
Dumaan sina Marie kasama ang kanyang nanay.
"Jadeeee! Congratssss ahhhh college na tayo." sigaw nya with matching talon talon pa, mababakas doon ang excitement at tuwa.
Nang mapansin n'ya kasama ko ang aking Lola, tsaka siya umayos.
"Ay maganda umaga po Lola hehehe" tsaka siya nagmano.
"Congrats Jade, maganda umaga Lola. Paalis na po ba kayo? Tara po, sa bahay na po tayo mag salo salo." yaya naman ng nanay ni Jade pagkatapos yakapin ako at si Lola.
"Ay hindi na po Tita, nakakahi--"
"No, I insist. Tsaka may pag uusapan tayo." saad n'ya ng nakangiti.
"Oo nga, Jade. Nakakainis kana ha? Pangit mo kabonding. Halika naaa" dagdag pa ng kanyang anak.
Tumango na ako at inaya na si Lola. Sinabi ko sa kanya na iniimbitahan kame nina Marie sa kanilang bahay.
Tumawa naman si Lola.
"Apo naman, anong akala mo sa'kin? Bingi? Na offend ako apo ha? Sobrang tanda ko na ba?" ani n'ya.
Napatawa naman kame dahil sa asta nito.
68 yrs old na si Lola pero akala mo kaedaran lang namin nina Marie kung ito'y umasta.
"Lola naman, halika na nga po." tsaka kame naglakad sa kung saan nakapark ang kotse nina Marie.
Pumasok na kame at makalipas ang 30 mins ay nakarating na kame sa kanilang bahay. Malaki ang kanilang bahay, simple ngunit mapapansin mo na may mga kamahalan ang mga gamit nila dito.
Nang makarating kami, madami ng tao. Nandon ang iilang kapit bahay at mga kapamilya nina Marie.
Binati ako ng iilang mga kapit bahay namin at iilang kamag anak rin na kilala ako. Puno ng kasiyahan ang paligid. May videoke, may mga nagtatakbuhang batang kapitbahay. Masayang masaya ang lahat. Maliit lamang ang aming barrio kaya naman, close ang lahat.
Nang matapos ang kasiyahan. Inimbitahan na rin kame ni tita na doon na matulog sa kanila dahil may pag uusapan daw kami.
Pumunta ako sa kanyang study pagkatapos kong magbihis at patulugin si Lola.
Nang makarating doon ay nakita ko siya nagbabasa ng mga file.
"Good evening, tita" bati ko sa kanya.
"Maupo ka, iha." sagot n'ya.
"You're such a beautiful and smart girl, Jade. Sinabi sa'kin ni Marie na titigil ka raw muna sa pag aaral para magtrabaho at alagaan ang Lola mo?" ani nya.
"Opo, matanda na po kase si Lola, Tita. Siya nalang po meron ako kaya gusto ko munang alagaan siya." sagot ko naman sa kanya.
"Hindi na rin po kaya mag trabaho ni Lola para pang tustos sa pag aaral ko, ma'am." nag iwas ako ng tingin sa kanya.
"Jade, sayang naman if titigil ka. Maganda ang magiging future mo tsaka yung Lola mo, nandito naman kame ha?"
sabay kuha sa aking kamay."And kame na magpapaaral sayo, iha. Okay na ba yon?"
"Tita naman, wag na po--"
"No, no, no..parang anak ka na rin namin ng Tito mo, iha. Basta ituloy mo ang pag aaral mo okay?" ani nya tsaka ako nilapitan
"Salamat po talaga, tita." sabay yakap ko sa kanya.
Sa oras na yon, tuwang tuwa ako kase kahit pinipilit ko man sa sarili ko na gusto ko alagaan si Lola, may part pa rin sa'kin na gustong gusto tapusin ang pag aaral. Nagpapasalamat ako dahil may mga mabubuting loob pa rin na pwede kong pagkatiwalaan, pwede kang tulungan.
Pagkatapos ng aming pag uusap ay dumeretso na ako sa guest room kung nasaan si Lola. Sa gabing yon, mahimbing akong natulog dahil wala ng bumabagabag sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Hunter's Obsession
General FictionHunter n. a person who searches for or seeks something. Obsession n. the domination of one's thoughts or feelings by a persistent idea, image, desire, etc. ----- Si Jade Lowell Conception ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buha...