Jade's POV
"Jade!"
"Jade!", napalingon ako at doon ko nakita ang aking kaibigang si Marie na patakbong lumalapit sakin.
Niyakap n'ya ako at hinala para tumuloy na sa pagpasok sa gate ng school.
Grade 12 na kame at sa konting buwan na lang ay gagraduate na at tutungtong sa college kaya naman excited na excited si Marie.
"Saan ka magcocollege, Jade?", tanong sa'kin ni Marie pagkaupong pagka upo namin.
"Baka hindi muna ako magcocollege hehe. Alam mo naman si Lola, tumatanda na. " sagot ko naman dito habang kinukuha ang mga bagay para sa unang subject sa araw na 'to.
"Hoy! Hindi pwedeeee. Tumuloy ka, shutacca." sabay kurot n'ya sa'kin.
"Aray!", At hinaplos ko naman ang bahagi ng braso ko na kinurot n'ya.
"Sayang naman mga grades mo if hindi mo itutuloy yung pag aaral. Kakausapin ko si mama, baka mabigyan ka ng scholarship, ha bff?" tsaka n'ya ako niyakap ng mahigpit.
"Pero paano si Lola? Tumatanda na yon. Plano ko sana, maghanap muna ng trabaho at alagaan siya. " sagot ko saknya habang magkayap pa rin kami. Bigla naman siyang bumitaw sa yakap moment namin.
"Eh binabantayan naman siya ng kapitbahay n'yo, bff. Tsaka di ba ayaw ng Lola mo na --- hays bahala na nga, ikaw bahala bff." at nagkunwaring nagtatampo. Kikilitiin ko na sana siya nang dumating na ang teacher namin para sa unang subject sa araw na iyon.
"Good morning, class" bati sa'min ng aming guro.
Iniisip ko ang sinabi ni Marie. Inalok na nya sa'kin yung about scholarship pero iniisip ko si Lola. Nakakatemp sanang tanggapin kase pangarap ko talagang makapagtapos ng pag aaral at mabigyan ng magandang buhay si Lola. Wala na ang aking mga magulang, si tatay namatay siya sa isang aksidente sa bus nung 10 anyos pa lamang ako. Habang ang nanay ko naman, ay hindi ko alam kung buhay pa. Si Lola na nag alaga sa'kin kaya grabe ang pasasalamat ko sa kanya.
Yung scholarship, noon nya pa ako inoofferan nito. May ari sila ng isang elementary school dito sa barrio Almeria na ang kayang nanay ang namamahala, habang ang tatay naman n'ya ay isang inhinyero na may maliit na firm dito sa'min kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit ganon na lamang makaoffer si Marie sa'kin. Matagal na kaming magkaibigan, halos magka sabay na kaming lumaki kaya kilala na ako ng kanyang mga magulang.
Malalim pa aking iniisip nang tumunog na ang bell hudyat na lunchtime na. Hindi ko pala namalayan ang oras. Tumayo si Marie at hinila na ako papuntang canteen. Nakalimutan na ata n'ya na nagtatampo siya sa'kin kaya tumawa ako ng mahina.
"Hoy! Bakit ka tumatawa?" taas kilay na tanong n'ya habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Wala", tsaka ko siya niyakap ng patagilid.
"Salamat, bff ko." dagdag ko pa.
"Hay nako! Halika na nga, gutom na ako." sabay akbay sa'kin.
Nang makarating kami sa canteen, pumili na ng kakainin at kumain.
Natapos ang araw na 'yon ng puno ng requirements na ipapasa dahil graduating na kami ngunit puno rin ng kulitan at tawanan kasama si Marie at ang ibang mga kaklase.
BINABASA MO ANG
Hunter's Obsession
General FictionHunter n. a person who searches for or seeks something. Obsession n. the domination of one's thoughts or feelings by a persistent idea, image, desire, etc. ----- Si Jade Lowell Conception ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buha...