Jade's POV
Totoo ngang kapag masaya ka, ang daling lumipas ng araw. Tipong nakikipagtawanan ka pa sa mga kaibigan mo tapos makikita mo na lumubog na ang araw. Or tipong masaya ka sa iyong ginagawa at malalaman mo na panibagong araw na naman. Ganon lang rin ang aming bakasyon, it was a short vacation because we spent it doing the stuff we love.
"Sigurado ka na ba, iha?" tanong ni tita isang araw sa loob ng kanyang study. Nakaupo ako sa isa sa mga silya at siya naman ay nasa harapan. Ang gitna namin ay ang kanyang mesa.
Patapos na ang aming bakasyon. Inimbitahan kame ni Lola sa kanilang bahay. Kagagaling lamang nila sa kanilang bakasyon galing sa isang kilalang isla. Isang buwan rin silang wala sa bahay kaya naman si Marie ay marami talagang kwento sa mga ginawa nila roon. Ako naman ay ginugol ko ang buong isang buwan sa pag aalalaga kay Lola at pagbabantay ng aming bakery.
Ngumiti ako kay tita at sinagot,
"Opo. "
"Nagpapasalamat po ako, tita at ang bait n'yo po sa'kin pero po nakakahiya na po." saad ko pa habang nakayuko.
Nang pumayag ako na maging scholar ni Tita ay may part talaga saking tuwang tuwa ako. Gustong gusto ko alagaan si Lola ngunit tama ang nanay ni Marie, mas maalagaan ko si Lola kapag nakapagtapos ako, mabibigay ko sa kanya lahat ng kanyang gusto.
Ngunit nang malamang ang kursong nais ay hindi available sa isa sa mga University dito sa barrio Almeria ay nawalan ako ng pag asa. Kukuha na sana ako ng mga kursong available sa isa sa mga University nang napag alamanan ko na nag submit na ng mga requirements namin si Marie para sa mga kukuha ng exam sa isang kilalang University sa Manila.
Halong inis at hiya ang aking naramdaman non. Ayoko na sanang tumuloy sa pagkuha non ng nagtampu-tampuhan at nang guilt trip na naman si Marie. Ang loka loka ay magaling pa naman doon. Kaya ay tumuloy kame.
Huling linggo ng Mayo nung lumabas ang resulta at nakasama kami ni Marie sa mga nakapasa. Tuwang tuwa ako non ngunit ng maalala na malayong University na ito at malaki laking pera ang gagastusin dahil kilalang University ay nanghina ako.
Sobrang bait ng pamilya ni Marie para sa isang taong hindi naman nila kilala. Oo at kaibigan ko ang anak nila pero hindi naman yon sapat na dahilan para gastusin nila ang aking pag aaral at malaking halaga pa. Mag ooffer pa na babantayin ang aking Lola.
Kaya naman ay nang umuwi sila ay sinadya ko talaga si Tita Agnes sa kanyang study.
Buong buo na ang aking loob na tumanggi sa kanyang offer. Alam ko na dapat ay hindi na ako mag inarte. Ngunit kapag kayo ang nasa posisyon ko, mararamdaman mo ang sobrang hiya. Tipong maawkward ka kase parang may mali.
Sinabi ko sakanya na buong buo ang aking desisyon sa pag tanggi.
Ngunit alam ko na talaga saan nagmana si Marie sa kakulitan.
Hindi talaga ito nagpatinag kaya sinabi ko sakanya ang aking dahilan.
Akala ko nung una ay nagalit ko ito dahil mahabang katahimikan at strictang tingin ang iginawad nito sa'kin.
Nang magpapaalam na ako ay tsaka ito nag salita.
Nag offer ito na gagawin nya akong isang working student para hindi ko na isipin ang mga dahilan ng pagtanggi ko sa tulong nila.
Tutulungan nya ako sa aking mga gastusin sa Paaralan ngunit pagdating sa baon at kakainin ay ako na ang bahala roon.
"Nagdadalawang isip ako iha, mahirap ang kurso mo kaya tinatanong kita kung sigurado ka sa iyong desisyon?" aniya.
"Kung sa akin lang ay ayos lang talaga sa'min iyong tulong na ibibigay namin sayo ni Lola. Pamilya na ang turing namin sa inyo pero talagang -- hay. Kung yan ang magpapanatag sa iyong kalooban ay o siya sige. " dagdag pa niya. May sinabi pa ito ngunit hindi ko narinig nang maayos kaya naman ay ipinagsawalang bahala ko na lang.
"Opo, sobrang laking bagay na po yung pagtulong nyo sa pag aaral ko, mag offer pa po na bantayin si Lola. Sobrang dami nyo na pong tulong sa'min, tita. Kaya po kung may chance po ako na bayaran ang mga tulong nyo, ay willing po ako na bayaran. Simple lang po ito tita kumpara sa mga tinulong ng pamilya nyo sa'min ni Lola." Saad ko habang nakayuko.
"Kaya po sana wag nyo na po ipagkait sa'kin." at inangat ko ang aking tingin sa kanya.
Ngumiti ito, "Kung nandito ang tatay mo ay sigurado akong proud na proud yon sayo, iha."
Nang matapos ang aming pag uusap ay nagpaalam na ako.
Pagkalabas ay nahanap ko si Lola sa kanilang garden kasama si Marie.
Tumagal pa kame roon dahil ikenwento pa ni Marie ang kanilang ginawa sa Isla at ang gwapong lalakeng nakausap nya sa sandaling oras. Sandali lamang daw iyon ngunit crush na nya ito. Natawa na lang ako ng ikwento nya ang kanilang pag uusap. Nawala raw siya at dahil gwapo ito, siya raw ang nilapitan nya at tinanungan. Nakita nya ulit ito ng pumislit siya kasama ang kanyang pinsan para makiparty sa islang yon. Sobrang gwapo daw talaga ngunit natapos daw ang kanilang bakasyon doon ng hindi nya nalaman ang pangalan ng lalakeng yon.
Natapos ang araw na puro kami daldal at tawa dahil sa mga kwento ni Marie. Nang mapagod ay niyaya na doon na maghapunan. Alas 8 na ng umuwi kami ni Lola sa bahay at magpahinga.
Ganon lamang ang aking buhay sa maliit na barrio namin. Simple lang ngunit napapalibutan ng mababait at mapagkakatiwalaang tao. Simple lang ngunit masaya. Hindi ko alam na ang madadatnan sa Manila ay ibang iba sa nakasanayan. Kung may ideya lang sana ako ay sana'y dumito na lang ako. Sana ay hindi ko na lang tinanggap ang offer na yon.
BINABASA MO ANG
Hunter's Obsession
General FictionHunter n. a person who searches for or seeks something. Obsession n. the domination of one's thoughts or feelings by a persistent idea, image, desire, etc. ----- Si Jade Lowell Conception ay isang simpleng babae na may simpleng pangarap sa buha...