Chapter 3

4 2 0
                                    

ESCORT?

December 4, 2018-Tuesday

NANG LUMAON ANG mga oras ay patuloy kaming nag-usap ni Shiela. Masaya siyang kausap at napangingiti ako kapag nakakausap ko siya.

"Guys, ngayong araw ay excused tayo whole day dahil nagpaalam si Sir na maghahanda pa tayo para sa competition bukas. Kaya ang gawin ninyo ngayon ay kumilos na kayo at magpa-practice tayo," biglang anunsyo ng aming class president kaya nawala ako sa iniisip ko. Practice again? Sabagay, bukas na ang laban namin. Puspusan na naman ito.

Tumungo na kaming lahat sa gym at saktong nakita ko si Shiela roon na nakatayo lang. Bawal kasi siya sumali sa mga sayaw dahil may sakit siya sa puso. Nginitian ko siya at gayundin siya.

Ilang saglit lang ay nagsimula na rin kaming mag-practice at maya't maya ang pagtingin ko sa kaniya. Umiinom lang siya ng tubig habang tahimik na nanonood sa mga kaklase niya-na kalaban ng section namin.

Halos dalawang oras yata kaming nag-practice at legit talaga ang pagod. Hiningal ako nang malala lalo't wala pa akong tubig.

"Break time!" sigaw ni Gianne-ang choreographer namin at pinakamagaling sumayaw sa section namin.

"Hays kapagod! May tubig ba kayo?" wika ko sa mga kaibigan ko ngunit maging sila ay wala rin.

"Fidel!" tawag sa akin ni Shiela.

"Tara mag-break?" Lumapit ako sa kaniya nang nakangiti

"Tara! Gusto mo sa room na lang namin ikaw pumunta tutal wala namang tao roon. Bigyan na lang kita ng tubig para hindi ka na gumastos," anyaya niya.

Sabagay, mahal din kasi ang tubig sa canteen. At dahil buraot talaga ako, sumama na lang ako sa kaniya. Nag-refill siya ng tubig sa kanilang dispenser at ibinigay niya sa akin ang kaniyang tubigan. Binigyan ko siya ng tingin na para bang sigurado kang p'wede akong uminom dito? Tila nabasa niya naman ang aking mga tingin kaya tumango siya tanda ng kaniyang pagpayag.

Kaya lumagok na ako nang marami para hindi na ako painom-inom sa kaniya at may hiya naman ako kahit papaano. Muli kaming bumalik sa gym at saktong tinawag kami ni Gianne upang magsayaw na muli. Nagpaalam ako sa kaniya at nagpasalamat sa pagpapainom niya ng tubig.

Naging smooth naman ang naging practice namin kaya nga lang ay halos inabot kami ng gabi dahil huling praktis na namin.

"Huling pasada sa oval! Lipat!" sigaw ng choreographer naming si Gianne. Seriously?

Wala naman kaming magawa kung hindi ang sumunod dahil huli naman na ito. At kahit pagod na pagod ako ay tumayo pa rin ako sa pagpapahinga at sumulyap lang ako saglit kay Shiela ngunit hindi siya nakatingin sa akin, nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit. Umalis kaming bitbit ang mga bag at ang mga galit sa loob namin. Joke!

Sa huling pasada, binuhos ko na ang lahat ng makakaya at enerhiya ko kaya sumigla ang mga nanonood. May mga kumakantsaw sa akin at may mga tumatawa naman na akala mo ang gagaling kung sumayaw.

Nang matapos ang praktis namin ay namataan ko si Shiela na nanonood sa amin; tapos na rin pala sila. At kitang-kita ko kung paano niya ako sinalubong ng kaniyang mga ngiti. Ano ba namang pakiramdam ito?

"Napagod ka?" tanong niya.

"Oo, nagugutom na nga rin ako, e. Gusto kong kumain."

"Tara sa labas bili tayong pagkain!" Hinila niya na ako palabas kahit hindi ko pa nadadala ang bag ko. Wala rin namang kukuha no'n sapagkat may mgs nakatambay pa akong kaklase-'yong mga mag-jowang naghahalikan sa dilim.

Diary Ni FidelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon