Chapter 5

2 1 0
                                    

CHURCH ADDICTS

December 21, 2018-Friday

SA MGA UNANG dalawang araw ng simbang gabi, hindi niya ako sinipot dahil hindi raw siya pinayagan ng kaniyang mga magulang. She was so sorry for that incident, but I was too considerate since she's a lady after all. It would have been really fun if I was with her. But now that she told me she would come with me with finality, I felt calmed; her words were true and I can feel it.

Almost 6 p.m. na rin nang makasakay ako ng bus papuntang kanto nila-kung saan kami magkikita. Malayo-layo rin ang lalakarin namin pero ayos lang iyon at least mas makatitipid kami sa pamasahe kaysa maging special pa ako sa tricycle. Nagkita kami sa highway at halos kararating niya lang din nang bumaba ako sa bus. She waved her hand to me as I went off the bus.

"Hello, Shiela! Mabuti naman at hindi na ito boktir?" We both laughed in unison.

"Yeah. Akala ko nga hindi na naman ako papayagan nina Mama at Papa."

"Where is Liway? I thought you're with her?" she asked. Oh... Liway.

"Well, sabi niya sa akin ay mauna na ako at magpapaalam pa raw siya. Pero siguro nasa daan na 'yon ngayon kaya maglakad na rin tayo," I said.

Naglakad nga kaming dalawa habang pinag-uusapan ang mga ganap sa school. Nagplano na rin kami kung paano ang mangyayari bukas at sa mga susunod pang araw. Baka raw kasi hindi na siya payagan na sumimba ulit dahil medyo may kalayuan nga, pero ang sabi naman niya ay susubukan niya.

Nang makarating kami sa simbahan ay saktong kararating lang din ni Liway. Naks! Always on time. They greeted each other. Sila ang mag-BFF kaya mas close silang dalawa. Si Liway ay kaklase ko no'ng elementary kaya kilala ko rin siya, pero siya lang naman ang hindi nakakaalalang naging kaklase ko siya. Well, sabagay, paano niya ako maaalala gayong tulog is life siya?

Nagpapasalamat din talaga ako sa teacher ko na nagpagawa ng play sa amin dati kasi kung hindi, marahil hindi ko kasama 'tong mga ito ngayon. Nang makapasok kami sa simbahan ay naupo kami sa isa sa mga favorite spot ko-sa may likod ng mga choir. Medyo hindi pa marami ang tao at marami pa ang nasa labas na naghihintayan.

"Shiela," Liway whispered.

"Bakit?" Nilingon ni Shiela si Liway. Pinagitnaan ko silang dalawa kaya kung anong ibulong nila ay pareho ko iyong maririnig.

"Tingnan mo 'yong choir, 'di ba crush mo 'yon? Sino ba ulit 'yan? Si ano ata..." Napalingon kami sa tinutukoy ni Liway. Iyong lalaking maputi na kumakanta sa gilid.

Sus! E, maputi lang naman 'yan. Mas maganda pa rin ang kulay ko , pinoy na pinoy.

"Ssshhhh! Huwag kang maingay Liway."

I remained silent and looked so unbothered. Ano bang pake ko sa pinag-uusapan nila? Alam ko namang mas higit ako sa kung sino man 'yang lakaking 'yan.

"Hala lagot ka Liway! Nagagalit ang bebe ko." Shiela broke the deafening silence. I remained silent, still.

"Hala bebe mo ba 'yan, Fidel? Uy ha! Kayong dalawa talaga," pang-aasar ni Liway sa amin.

"Oo bebe ko 'yan tingnan mo, nagseselos kaya nanahimik. Huwag ka na magselos, Fidel." Shiela smiled at me. Pastilang mga ngiti 'yan, napangingiti rin ako.

"Hala ngumiti na siya. 'Di ba? Ganiyan ang marupok," said Shiela.

"Bahala nga kayo riyan."

"Pero hindi nga Fidel, crush mo ba 'tong si Shiela?" tanong ni Liway sa akin.

Diary Ni FidelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon