Chapter 15

2 0 0
                                    

NEW CHAPTER

SIGURO KUNG MAYROON mang magandang nangyari sa buhay ko, 'yon ay 'yong natagpuan ko ang sarili ko sa pagsusulat. Natuto akong kilalanin ang sarili ko, nalaman kong nasa linguistics pala ang talino ko sa Theory of Multiple Intelligences. Mas lalo ko itong pinagtibay at pinagpatuloy sa paglipas ng mga panahon.

"Fidel!" Someone eshouted from my back. I faced where the voice came from, and without thinking twice, I knew it was Liway. I was walking down the street when she called me.

"Liway..."

"Heard some news... is it true? Makapaglilimbag ka na ulit ng libro?" tanong niya.

"Yes, next month na ang book launch ko. Bibili ka ba?" mapaglaro kong tanong din.

"Oo naman, ano? Siyempre support kita. Ano nga palang libro 'yon?" I smiled to her curiosity.

'Ang Diary ni Fidel'

"Fidel?" I was caught off guard.

"Uhm... Huh? What were you saying?" I asked.

"Ang sabi ko, ano ang title ng libro mo?"

"Basta. And please don't call me Fidel from now on. Instead, call me: TheManWhoLoved."

Tila naasiman siya sa gestures ko habang sinasabi ang aking pen name.

"Ang baho naman, Fidel na lang talaga itatawag ko. Gusto mo ba Dario ang itawag ko?"

"Whatever! Basta abangan mo ang libro ko."

"Sige, sabihan mo ako, a? Sana naman maganda 'yan." Umirap muna siya bago lumakad palayo.

Napangiti ako nang slight dahil sa sinabi niya. Oo naman, sigurado akong maganda 'yon dahil batay 'yon sa totoo kong buhay. Naalala ko tuloy 'yong sinabi sa akin ng kaibigan noong nagsisimula pa lang akong sumulat:

'Ang isang piyesa, hindi man kasingganda ng mga nananalo sa Gawad Palanca, basta tangan nito ang layunin niya, nagiging maganda 'yan sa mata ng mga mambabasa. At iyan ang tatandaan mo, Fidel.'

Tama nga siya. Madalas hindi ako bilib sa mga isinusulat ko, ngunit itong bago kong libro? Tingin ko ay ito ang pinakamaganda ko. Narito ang buhay-hayskul ko at ang aking unang pag-ibig. Dito lahat ibinuhos ang pait, sakit, ngiti, saya, at ligaya. Sabi nga nila, "there's always a rainbow after the rain." Kaya heto, kahit dumaan sa maraming hamon ng buhay, nanatili akong matatag at malakas upang harapin ang panibagong bukas.

Naging maayos na rin kaming dalawa ni Shiela, naging magkaibigan pa rin naman kami kagaya ng una naming pagkikita, ngunit pareho naming alam na hanggang doon na lang 'yon. Masaya na siya, masaya na rin ako. She found her new guy, and I also found my onlypassion that drives me crazy.

I remembered the time when we were sorting out things, she called me and was asking for directions. We both had a peaceful conversation and genuine laughs. I could hardly contain my smiles remembering all those memories.

"Fidel, saan ba kasi ang papuntang kina Aya?" she asked annoyedly. I didn't want to give her the directions.

"Nakikita mo ba 'yang daan? Diretsuhin mo 'yan tapos tingin ka sa kaliwa-hep! Huwag kang liliko riyan, tumingin ka lang tapos lumiko ka sa kanan. Tapos may likuan diyan, huwag kang liliko, mag-tumbling ka lang padiretso. Iyong ikatlong bahay, kina Aya na 'yon," magulo kong pagbibigay sa kaniya ng directions habang naka-video call kami.

"Hindi ko naiintindihan." We both laughed 'till we fart.

"Biro lang. Kumanan ka lang tapos diretso ka. Iyong ikatlong bahay, katukin mo 'yon tapos tumawag ka. May aso riyan si Chuchay at Boobay, ingat ka kasi nanghahabol 'yan."

Masaya talagang balikan ang mga masasayang alaala na nagpapangiti sa atin sa araw-araw. Ngunit, mayroon din namang mga alaala na dapat itinatapon na—lalo kung alam mong magbibigay lang sa iyo ito ng ibayong kalungkutan at pighati.

"Hoy Fidel! Ano ang tinatawa mo riyan?" nakataas ang kilay na tanong ni Mudra.

"Wala naman po. Masama bang mag-daydream?"

"Hindi naman nga, anak, pero mukha kang unggoy kapag ngumingiti mag-isa. Akin na nga 'yang paasim." Kinuha niya ang supot na binili ko sa talipapa. Kulang na lang ay saksakin niya ako sa galit nang buksan niya ang supot.

"Ano 'tong binili mo?!" galit niyang anas.

"Kalamansi po, paasim." Hinagupit ako ni Mudra ng mag-asawang batok at tuktok.

"Dios mio por favor! Sobrang bobo ng anak ko." Tumawa kami pareho dahil hindi kami nagkaintindihan. Knorr Sinigang Mix pala ang pinabibili niya para sa sinigang.

Palagi man kami nagbubulyawan ni Mudra at nagkakainitan, madalas pa rin naman kaming magkabati. No'ng time na sobrang broken ako kay Shiela ay siya lang palaging nandiyan para sa akin. Ipinagluluto ako ng mga paborito kong ulam with matching sermon dahil halos hindi na ako kumikilos sa bahay.

Tumungo na ako sa kwarto ko at naglinis muna matapos itong bagyuhin ng luha at hinagpis. Sobrang kalunos-lunos ang naging hitsura nito noong mga nakaraang buwan, puro mga bote ng alak at gulo-gulo ang mga punda ng unan. Sa isang sulok, nakita ko ang ginawa kong sulat para sa kaniya no'ng mga panahong nasa Mindoro pa siya. Hindi ko alam na naitago ko pa pala ang mga ito.

Binasa ko ang mga nakasulat at naumay ako sa aking mga nabasa; puro kakornihan at mga jeje love letters. Ganito naman yata lahat kapag umiibig, nagiging korni at tanga.

Dear Shiela, my only Bebe,

Alam kong hindi mo rin mababasa ito sapagkat nasa malayo ka, ngunit umaasa pa rim akong darating ang araw na maibibigay ko sa iyo ang mga liham na ito. Minsan, nawawalan ako ng pag-asa sa tuwing pakiramdam ko ay binabaliwala mo ang mga chats ko, pero alam ko namang mahina ang signal diyan kaya naiintindihan ko. Miss na kita, sobra-sobra! Sana ay pagbalik mo, ako pa rin ang iyong babalikan, palagi mo akong magiging tahanan. At parati mong tatandaan, may isang tao ka na palaging maasahan-sa kahirapan man o kaginahawaan, tawagin mo lang ang aking ngalan.

Minamahal ka,

Fidel Dario Villaantonio

Nilukot ko ang nakita kong papel sa sulok. Wala na rin namang silbi kung itatago ko pa ito. In fact, may iba na rin naman akong nakauusap—at sana hindi hanggang talking stage lang. I have realized that the hand I chose to let go was never mine to hold.

Matapos kong maglinis ay umupo na ako sa aking working space at binuksan ang laptop. It's time for another story! Bibigyan ko ito ng titulong: 'Ang Bagong Simula'

Ang kwento ng bago kong pag-ibig sa ibang tao. Ang bagong simula ng pagtibok muli ng aking puso.

Abangan...

Diary Ni FidelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon