Chapter 1: Eclipse

1.2K 35 0
                                    


1. EXT. ​ASIA ACADEMY FOR THE ARTS. ​SCHOOL GROUND-DAY.

The camera follows SEBASTIAN "BASTE" AGONCILLO as he walks in the school ground. Simple lang siyang manamit. White shirt, jeans, and an old sneaker. May dala siyang backpack. May bitbit siyang mga libro, most of it are poetry books.

Madadaanan niya ang grupo ng mga musikero. May kani-kaniya silang instrument. Gitara, cello, violin, saxophone, conga. They are playing a lively beat. The music follows Baste habang napadaan ito sa ilang visual art students na nagpipinta sa isang malaking canvas.

And a young girl approaches Baste. Makikipag-apiran pa 'to sa kanya.

​​​STUDENT PAINTER (GIRL)

​​Uy, salamat sa sulat mo. Madalas na kaming nag-uusap ng crush ko.

Ingunguso ng girl ang isa sa mga nagpipinta. Mapapatingin ito sa kanila. Gives Baste a salute. Tatango lang si Baste.

Saka biglang may aakbay sa kanya. Si AMANDA "MANDY" MARTINEZ. Bestfriend at kaklase ni Baste.

​​​MANDY

​​Mukhang malakas ang raket natin. Libre naman d'yan, Lampa.

Sesenyasan ni Mandy ang girl na mauuna na sila. The girl let them go. The two walk together.

Hindi pa sila nakakalayo, may lalapit na isa pang estudyante kay Baste.

​​​

​​​STUDENT GIRL

​​Baste, pwede bang magpatulong. Para sana kay River.

Lilingunin nila Baste ang isang grupo ng mga dancer. Naroroon si RIVER MONDRAGON. Maporma. Heartthrob. He shows his dance move to his group. Susunod naman ang mga ito sa kanya.

​​​BASTE

​​Susubukan ko. Andami na kasing nagpapagawa para sa kanya.

​​​STUDENT GIRL

​​'Wag mo nang gawin 'yung sa iba. Ako na lang ang i-prioritize mo...

​​Please.

Mag-aabot ng limang daan ang estudyanteng babae.

Magugulat naman sina Mandy at Baste.

Mandy steps in for Baste. She takes the money.

​​​MANDY

​​Sige, gagawin niya.

Nagliwanag ang mukha ng babaeng estudyante. Kinikilig ito sa nadinig.

​​​STUDENT GIRL

​​Maraming salamat talaga, Baste. Aasahan ko 'yan.

The girl walks away from them. Baste voices out his protest.

​​​BASTE

Pinasubo mo na naman ako. Halos lahat ng nagpagawa sa'kin puro tungkol kay River. River you make my heart explode. River you are the reason for my every action.

(Pabiro) Pinipigilan ko na ngang hindi ma-in love kay River.

Kapwa matatawa ang dalawa.

​​​MANDY

​​Ang hirap sa'yo, hindi ka pa nai-in love-

​​​

Matitigilan si Baste sa paglalakad habang tuloy-tuloy lang si Mandy. Tuloy pa rin sa pagsasalita si Mandy but Baste's doesn't hear it. Parang tumigil ang mundo para kay Baste.

Sun and MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon