Chapter 4: Lunar Eclipse

238 6 0
                                    

50. EXT. ​KAI'S HOUSE​​GATE-THE NEXT DAY.

There is an awkward silence between Kai and Baste. Ihahatid ni Baste si Kai. Kapansin-pansin ang pag-iilangan ng dalawa.

Kita ring bigat na bigat si Baste sa dalahin niya. Hirap na hirap siya.

​​​KAI

​​Sige. Hanggang dito ka na lang.

Titigil si Baste. He feels na may wall na sa pagitan nilang dalawa ni Kai.

Kukunin ni Kai ang mga gamit niya kay Baste. Halos lahat ng dala ni Baste.

​​​KAI

​​Magpahinga ka na.

​​​BASTE

​​Ikaw din.

​​(Beat) Magkikita pa ba tayo?

​​​KAI

​​Anong klaseng tanong 'yan. Oo naman.

​​Bakit nakita mo na ba ang sarili mong masasagasan ng tren.

​​Mahoholdap diyan sa labas?

Iiling lang si Baste.

​​​KAI

​​Tama na ang drama.

​​Magpahinga na tayo.

Papasok si Kai sa loob ng gate nila. Isasara niya ang pinto. Kapwa may bigat sa dibdib nila ang nangyayari.

​​​KAI

​​(In Korean) Isa... Nag-isip-isip ka.

CUT AWAY TO, si Baste nasa may tapat ng gate.

​​​BASTE

​​She loves me.

CUT BACK TO Kai.

​​​KAI

​​(In Korean) Dalawa... nagpipigil ka pa.

CUT BACK TO Baste.

​​​BASTE

​​She hates me.

CUT BACK TO Kai.

​​

​​​KAI

​​(In Korean) Tatlo... lagot ka.

CUT BACK TO Baste.

​​​BASTE

​​She loves me.

Sarado pa rin ang gate. Hindi lumabas si Kai.

​​​BASTE

​​She hates me.

​​She loves me.

CUT BACK TO Kai. Kitang pinipigilan niya ng kanyang sarili na buksan ang gate nila. In dilemma siya.

​​​BASTE

​​She hates me.

Baste feels defeated. Maglalakad siya palayo sa gate nila Kai na mabigat ang loob. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

​​​​​​​​​​​CUT TO

51. INT. ​ASIAN ACADEMY FOR THE ARTS.​​SCHOOL GROUND-SAME DAY.

Kinakausap ni River ang tropa niya.

​​​RIVER

​​Parang wala ngayon dito si Queen Bitch.

Sun and MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon