Isa-isa niyang nakikita ang fragment ng mga alaala na nagma-materialize sa harapan niya.
15.1 INT. KAI'S HOUSE-NIGHT.
Kitang nagkakatampuhan sina RUBEN LUNA at Young Kai (around 8-9 years old). Nakatalikod si Kai kay Ruben. Sinusuyo naman ni Ruben ang anak.
RUBEN
Sige na, sorry na.
May maiisip si Ruben.
RUBEN
(Teasing) Isa... nag-iisip-isip ka.
Dalawa... nagpipigil ka pa.
Tatlo... lagot ka.
Lilingon si Young Kai. Hahabulin siya ng kiliti ni Ruben. Mabilis na tatakbo si Kai.
FADES AWAY.
CUT BACK TO
Makikita ang lungkot kay Kai. Mapapatingin si Kai sa isang area.
15.2 INT. KAI'S HOUSE-NIGHT.
May iaabot na sisiw si Ruben sa Young Kai.
RUBEN
Alagaan mo 'yan tulad ng pag-aalaga ko sa'yo.
Tatango lang si Young Kai. Masaya sa iniregalo ng tatay.
RUBEN
(Beat) Kung anuman mangyari, anak,
Sana maging matatag ka.
Kai is unsure sa sinabi sa kanya ng ama.
FADES AWAY
CUT BACK TO
Nagpipigil si Kai na wag maiyak. Mapapalingon siya sa may pintuan. Another memory materializes.
15.3 INT. KAI'S HOUSE-SAME NIGHT.
Nasa may pintuan si Young Kai. Nakaupo. Tila may hinihintay. Hawak niya ang sisiw.
KAI
(Sad) Isa... nag-iisip-isip ka.
Dalawa... nagpipigil ka pa.
Tatlo... lagot ka.
Nakatingin pa rin ang Young Kai sa labas ng bahay.
KAI
(Sad) Isa... nag-iisip-isip ka.
Dalawa... nagpipigil ka pa.
Tatlo... lagot ka.
FADES AWAY
CUT BACK TO
Kitang napigilan ni Kai ang wag maiyak. She makes a strong face.
And then her phone rings. Makikita niyang tumatawag ang nanay niya. Hindi niya ito sasagutin.
CUT TO
16. INT. BASTE'S HOUSE-SAME NIGHT. INTERCUTH WITH
17. INT. ASIA ACADEMY FOR THE ARTS. DORMITORY-SAME NIGHT.
BASTE
Okay lang ako. Walang masamang nangyari sa'kin.
CUT TO