Mapapatingin si Kai sa paligid.
DANCE CONTESTANT
Naluwagan na ata ng turnilyo sa kakabugbog.
Magkakatinginan sila kay Kai.
KAI
Gusto niyong luwagan ko rin yang mga turnilyo niyo.
Mai-intimidate sila. Maglalayuan sa kanila.
BASTE
Ibig kong mawala
Sa aking sariling daigdig ng dilim,
Sa aking sariling may daloy ng buhay sa mga tulain:
KAI
Hindi nakakatulong 'yang panic attack mo Baste.
Hindi tayo pwedeng mag-back out. Sayang ang lahat ng pinagpaguran natin.
BASTE
Sa kaakuhan kong
Kulay ng hiwaga'y lakas ng Bathala,
Nais kong mag-isa't ibig kong mawala.
Sa kalagitnaan ng pagtutula na ito ni Baste, darating si Mandy. Agad-agad itong lalapit kay Baste.
MANDY
Ano'ng nangyayari sa'yo, Baste?
BASTE
Ikaw ba 'yan Mandy?
MANDY
Oo, ako 'to, Baste.
BASTE
Wala akong makita Mandy. Puro lang dilim. Walang liwanag-
Yayakapin ni Mandy si Baste. Gulat naman si Baste sa ginawa ng kaibigan. Kai looks away.
MANDY
Sssss.... Relax lang Lampa.
Hinga nang malalim.
Susunod naman si Baste sa sinasabi sa kanya ni Mandy. Nakakaramdam na ng ginhawa si Baste kahit papaano.
Mapapako naman ng tingin si Kai sa stage.
MS RIVAL
THE RIVER FOLKS!!!!
Sigawan ang mga estudyante. Sila River na ang sasayaw. Mula sa likuran niya may madidinig siya nagpipigil ng suka. Si Baste. Pagkalingon niya tumatakbo na papunta ng CR si Baste.
CUT TO
30. INT. DANCE CONTEST/BACKSTAGE-THAT NIGHT.
Continuing.
Naghihiyawan ang mga nanonood sa pagsayaw nila River. Hataw kung hataw. The judges are happy with River's performance.
Patapos ang performance lalapit kay Kai si Baste. May naiwang mumo ng suka pa ito sa may ilalim ng bibig.
KAI
Are you okay? O nagrerebolusyon pa 'yang tiyan mo sa kaba?
BASTE
Okay na ako.
Mapapalingon pa si Baste para hanapin si Mandy. Makikita niya ito kasama ni Sofie. Baste gives a thumb up sign kay Mandy. Mandy smiles at him.