72. INT. ASIAN ACADEMY FOR THE ARTS.DISCIPLINARY OFFICE-THE NEXT DAY.
Kausap ni MR QUIZON si Baste.
Nasa likod niya si Ms Monteclaro. Revealing na ang pananamit nito.
MR QUIZON
I'm sorry Baste but the school board decides to strip your scholarship.
BASTE
Hindi na po ba sila magbibigay ng consideration?
MR QUIZON
Final na talaga 'yun, Baste. I'm sorry.
Mapapabuntong-hininga na lang si Baste. Ang bigat-bigat ng kalooban niya.
CUT TO
73. INT. ASIAN ACADEMY FOR THE ARTS.BASTE'S CLASSROOM-SAME DAY.
Kausap ni Baste si Mr. Manansala.
MR MANANSALA
Sayang, you're my best student pa naman.
You can be our next National Artist. Tiyak mapa-proud sa'yo ang AAA.
Kung may magagawa lang sana ako. Pero wala.
BASTE
Okay lang po 'yun, ser.
Hindi naman po dito matatapos ang pangarap ko.
MR MANANSALA
Tama ka.
Hindi ka rin naman talaga dito matutong magsulat, nandiyan na 'yan,
Sa puso mo, dinadala-dala mo, naghihintay na maisulat. Pinapatibay 'yan
Sa pagharap mo sa mundo, sa pakikipagsapalaran sa iba't ibang karanasan.
Mapapangiti nito si Baste.
BASTE
Maraming salamat po, Mr Manansala.
Hindi po ako titigil sa pagsusulat.
Tatapikin ni Mr Manansala sa balikat si Baste.
MR MANANSALA
Aasahan ko 'yan.
BASTE
Oo naman po.
Sige po, mauuna na ako.
Tatango lang si Mr Manansala kay Baste. Lalabas ng room si Baste. Kita ang lungkot sa mukha niya.
Darating sina Mandy at Sofie.
BASTE
Mga 'Tol.
SOFIE
Tinanggalan ka raw ng scholarship?
Tahimik lang si Baste.
Sofie and Mandy see through Baste's pain.
MANDY
Mabuti nga sa'yo 'yan!
SOFIE
Mandy?!
BASTE
Ilang beses ko bang kailangang mag-sorry.
MANDY