One Shot 5: Date Me

251 9 82
                                    

"Bwisit naman!" Galit na bulong ni Lesley sa sarili niya pagkatapos basahin ang message ng kliyente niya.

Ilang araw na kasing delay sa processing ng local government unit (LGU) permits ang project niya kaya hindi ito makapagsimula.

"Sino na naman 'yang kaaway mo?" Ani Irithel na katabi niya ng cubicle.

"Eh 'di si Miss Esmeralda, sino pa ba? Araw-araw akong nagfofollow up ng lacking documents nila na requirement for permits tapos hindi ako mabigyan hanggang ngayon? Last week pa ako nagfofollow up!" Galit na galit na sabi ni Lesley, "Tapos ang gusto niya matapos ang fit-out construction ng satellite office nila next month? Ginagago ba niya ako?"

Kumunot ang noo ni Irithel, "Baka naman wala siyang alam sa processing of permits."

"Mukha nga." Salubong ang kilay niya habang nagta-type ng reply sa kliyente, "Ulit-ulit na akong nag-e-explain tapos araw-araw din ako nag-a-update sa status ng documents—" Marahas siyang bumuntong-hininga, "Leche."

"Good afternoon Ma'am, nabanggit ko na po sa inyo na sa side n'yo po ang need na signatory for the application of Construction Safety and Health Program since kayo po ang stated na project owner. The national department for labor and employment would not accept e-sign po and this will take two to three days of waiting for approval. Requirement po ito ng city hall para ma-process ang building permit natin. We can't start the construction unless we secure building permit po. Hoping for your cooperation for fast processing of permits po. Thank you." Reply niya sa chat ni Miss Esmeralda.

Isa nang nahasa ni Lesley ang ugali na kahit gaano pa siya kagalit sa kliyente, mabait pa rin ang approach niya sa messages or kapag kausap niya ang mga ito. Hindi talaga maiiwasan sa mundo ng construction ang ganitong pangyayari. Mayroong mga tao talaga na hindi aware sa proseso ng construction.

Inabot ni Lesley ang kanyang tasa na may lamang black coffee upang pakalmahin ang sarili. Kaya lamang ay sa oras na ito ay hindi sapat ang kape para kumalma siya, ibig sabihin ay sobra-sobrang inis siya sa mga oras na ito.

Napatingin siya sa kanyang desktop nang marinig niya ang notification. Nakita niyang nagreply na si Miss Esmeralda.

"Ms. Lesley, I am not in the position po kasi na mag-sign of such documents."

Pakiramdam ni Lesley ay may pumitik sa ulo niya dahil sa sobrang inis.

"So ano po? Ako pa po ba ang mamomroblema kung sino ang pipirma sa inyo? Ako pa po ba ang magtatanong dyan sa kompanya n'yo kung sino ang pipirma?" Pagtatype ni Lesley ng reply niya pero agad niya ring binura. Sunud-sunod niyang pinindot ang backspace ng keyboard niya nang sobrang diin kaya muling napatingin si Irithel sa kanya.

"Kalma ka lang, girl. Bibili ako sa coffee shop, sama ka?" Aya sa kanya ni Irithel.

Huminga nang malalim si Lesley saka dinampot ang wallet at phone niya, "Sige. Mukhang kailangan kong lumanghap ng hangin sa labas. Kainis talaga."

Natawa na lang si Irithel at umangkla sa braso niya bago sumakay sa elevator pababa. Hindi na lang muna siya nagreply kay Miss Esmeralda dahil baka may mabitawan siyang masamang salita. She was trying to calm herself. Kahit papaano ay client nila ito kaya kailangan niyang maging mabait.

Naisipan lang ni Lesley na magreply nang makabalik na sila sa opisina.

"Sino po ba ang responsible for signatories n'yo po for documents? We need to process this na rin po kasi dahil medyo matagal din po ang pag-process ng building permit. It would take seven to fourteen working days." Reply niya.

Dangerous Couple || Gusion x Lesley Tagalog One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon