GusLey Drabble: Bardagulan

330 10 61
                                    

"Custom game daw! Pustahan oh."

Napalingon lahat ng heroes sa sinigaw ni Zilong. Kasalukuyan silang nasa Celestial Palace dahil— wala lang, trip lang nilang lahat ng heroes na tumambay doon.

"Si Gusion at Granger ang magkalaban! 5v5 daw. Sila mamimili ng mga kakampi nila." Dagdag pa ni Zilong.

Agad namang nagkumpulan doon ang heroes dahil— well, makikichismis.

Paano'y nababalitaang magkakompentensya ang dalawa kay Guinevere.

"Manonood ka Ate?" Rinig niyang tanong ni Harley sa kanya.

Nagkibit-balikat lang si Lesley, "Siguro. Wala naman akong ibang gagawin."

Naupo na silang dalawa sa bleachers. Katabi nila sila Irithel at Miya, kasama sina Nana.

Sinadya talaga ng tatlo na mapagtabi si Harley at Nana at tuwang-tuwa naman silang inasar ang mga ito kasi parehong namumula ang dalawa.

Napalingon si Lesley sa baba. Team blue pala si Gusion at nakita niyang si Thamuz, Grock, at Chang'e and nandoon kasama nito. Wala pa silang gold laner.

Sa Team red naman ay nandoon kasama ni Granger si Silvanna, Pharsa, Khufra, at Lancelot. Kompleto na sila.

Kumunot ang noo ni Lesley. Bakit ni wala isa sa kanila ang pumili kay Guin? Bawal ba?

Hinanap ng mata niya si Guin para makitang nakahalukipkip ito at masama ang tingin sa nasa gitna ng Celestial Palace.

"Bakit walang pumili sa kanila kay Guin? Bawal ba?" Tanong ni Lesley sa mga kaibigan.

Nagtaka naman si Irithel at Miya sa kanya.

"Bakit magiging bawal?" Tanong ni Miya.

"Eh 'di ba siya naman ang dahilan kung bakit nagpustahan 'yang si Paxley at Granger?" Nagtatakang tanong din ni Lesley.

Natawa naman si Irithel, "Girl, labo naman sa sabaw ng pusit. At kung ako rin ang papipiliin ng fighter eh mas pipiliin ko rin si Sil or si Thamuz."

Magsasalita pa sana si Lesley nang bigla niyang marinig ang pangalan niya.

"Lesley! Dito ka!" Sigaw ni Gusion.

Sa gulat ay napaturo pa si Lesley sa sarili niya, "Ako? Bakit ako?"

"Bumaba ka na lang dito. Huwag nang maraming tanong. Arte naman nito." Iritadong sabi ni Gusion.

Kahit inis ay agad na pumunta sa baba si Lesley at sinapok si Gusion gamit ang kanyang rifle. "Aba gago ka ah. Ikaw na nga lang nahingi ng pabor, ikaw pa ang galit?"

Napabuntong-hininga na lang ang mga kasama nila. Sanay na silang laging nagbabardagulan ang dalawa pero dahil iyon sa sobrang close nila.

Nagsimula na ang game at playing safe pa ang lahat dahil nagpapa-item pa sila.

Kaya lang ay palaging naga-gank si Thamuz doon sa EXP lane.

"Paxley! Bumisita ka naman sa lane ni Thamuz! Mukha kang farm!" Sigaw ni Lesley.

"Bakit hindi ikaw ang pumunta?" Sigaw din ni Gusion na abalang kunin ang purple buff.

"Aba malamang at pagkalayo namin ni Grock. Bobo ka ba?" Pabalang na sabi ni Lesley.
(Trans: Pabalang = sarcastic)

"Bossy mo!" Sigaw ni Gusion.

At hayun ang loko, nakipaglaban mag-isa sa tatlo, lalo pa at counter na counter ni Khufra ang skills ng siraulo. May na-eliminate naman itong isa pero na-kill naman ito.

"Walang malakas sa tatlo. Ayos naman Paxley! Kaya ayaw kitang kakampi madalas eh! Sugod nang sugod ampota." Inis na sabi ni Lesley.

Imbes na magalit ay natawa na lang si Gusion sa kanya kaya lalo pa siyang nainis.

Mabuti at hindi pa naman siya nagkakaroon ng death at may dalawang core items na rin siya kaya pwede na siyang pumalag.

Nang kamuntikan nang ma-gank si Lesley ay mabuti na lang at biglang sumulpot si Gusion kaya hindi siya na-eliminate. Na-eliminate pa nila 'yong tatlong nang-gank sa kanya.

"Wow, may pakinabang." Sarkastikong sabi ni Lesley.

"Bakit hindi ka na lang magpasalamat ano?" Iritadong sabi ni Gusion kaya natawa si Lesley.

Hindi alam ni Lesley kung paano pero sa kabila ng mga sagutan nila ni Gusion eh team pa nila ang nanalo.

"Gigil ah, gustung-gusto mo si Guin?" Puna ni Lesley kay Gusion.

Nangunot ang noo ni Gusion, "Ano?"

"'Di ba si Guin naman ang dahilan kung bakit may pustahan?" Nagtataka ring tanong ni Lesley.

"Ha? Anong pinagsasasabi mo dyan Vance?" Balik-tanong ni Gusion na parang gulat na gulat.

"Bakit? Hindi ba?" Kunot-noong tanong ni Lesley.

Pinagtitinginan na sila ng ibang heroes, nakapalibot na nga ang karamihan sa kanila.

"Ewan ko sa'yo Vance." Sabi ni Gusion at nagbuntong-hininga, "Ang manhid mo."

"Bakit ako pa ang naging manhid?" Naka-high pitch na tanong ni Lesley.

"Wala! Huwag mo nang kaisipin at hindi mo naman nararamdaman. Manhid!"

"Aba't— sinisigawan mo ako?" Pasigaw na sagot ni Lesley. "Eh paano ko malalaman eh wala ka namang sinasabi sa akin? Ha? Isipin mo nga! Ang bobo mo talaga Paxley kahit kailan!"

"Oo na! Bobo na kung bobo! Nakakabobo ka ngang mahalin!"

"Ayan! Inamin mo rin—" Natigilan si Lesley nang marealize ang sinabi ni Gusion, "Ano? Pakiulit nga ng sinabi mo." Ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Biglang tumalikod si Gusion sa kanya pero nakita ni Lesley na namumula ang buong mukha nito, pati leeg at mga tenga.

"Hoy! Paxley! Ulitin mo!" Sigaw ni Lesley habang sinusundan si Gusion na mabilis ang lakad paalis.

"Walang ulitan sa bingi! Maganda ka sana kaso bingi ka!"

"Ewan ko sa'yo! Ang arte mo! Kung hindi lang talaga kita mahal eh, bahala ka na sa buhay mo!" Naiinis na sabi ni Lesley at tumalikod na rin at hindi na sinundan pa si Gusion.

Natigilan si Gusion at siya naman ang sumunod sa nakatalikod na si Lesley, "Mahal mo ako? Hoy Vance! Mahal mo rin ako?"

"Walang ulitan si bingi!" Panggagaya ni Lesley sa sinabi ni Gusion kanina.

Napabuntong-hininga na lang ang ibang heroes sa kanila. Hanggang aminan ay bardagulan pa rin nang bardagulan.

"Hoy Gusion Paxley! Ayusin mo naman ang pag-confess sa ate ko!" Sangat ni Harley na kanina pa rin nanonood sa kanila.

Natawa na lang ang ibang heroes. At least ay may libre silang pagkain kay Granger dahil natalo ito sa custom game.

Yes, 'yon ang pustahan at hindi kung sinong babae.

~~~~~

Hahahahaha ewan ko ba. Nai-imagine kong ganyan minsan sa laro si Gus at Les XD

Dangerous Couple || Gusion x Lesley Tagalog One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon