GusLey Drabble: Ballpen

360 18 19
                                    

Hanggang drabble na lang muna. HAHAHAHA.

~~~~~

Grabe! Nakakakaba!

Halos nanlalamig na ang buong katawan ni Lesley habang nakaupo at naghihintay sa mag-iinterview sa kanila. Ilang oras na rin silang naghihintay ng mga kasabayan niyang naghahanap ng trabaho sa isang conference room na pagkalakas-lakas ng aircon. Mabuti na lang at naka-long sleeves siya pero nanunuot pa rin ang lamig sa damit niya.

Nakipagsapalaran agad siya sa paghahanap ng trabaho pagkatapos niyang makapasa sa board exam ng Architecture. Hindi na siya nagpahinga pa dahil gusto agad niyang makatulong sa magulang niya, lalo pa at nag-aaral pa rin ang bunsong kapatid niyang si Harley.

Napansin niya na may ilang magkakakilala sa mga kasabayan niya kaya naman nagkukuwentuhan ang mga ito. May katulad din namang solo kagaya niya, pero hindi naman siya 'yong tipong napaka-sociable na mag-i-initiate ng conversation sa hindi niya kakilala.

Nagkalikot na lang si Lesley sa cellphone niya. Nakontento na lang siya sa pagbabasa at paglilipat-lipat sa social media accounts niya.

Medyo nakakaramdam na siya ng gutom dahil malapit nanag magtanghalian ngunit hindi pa rin bumabalik ang HR na mag-iinterview sa kanila. Ang iba nga ay hindi na nakatiis at lumabas na para kumain, nanguna rito ang tatlong lalaki na kanina pa nag-iingay.

May baon namang tubig at tinapay si Lesley kaya iyon na lang ang napagdiskitahan niya. Tiningnan niya 'yong babaeng katabi na kapareho niyang tahimik lang din.

Inalok niya ito ng tinapay, "Kuha ka."

Sa una ay nag-alangan pa ang babae pero kumuha rin ito, "Uy thank you. Nagugutom na talaga ako."

"Ayaw mong kumain muna? Lumabas na rin naman 'yong iba."

Umiling ang babae, "Baka biglang bumalik 'yong HR eh. Mamaya na lang ako kakain pagkatapos ng interview." Tumingin ito sa kanya, "Irithel nga pala. Ikaw?"

"Lesley." Pakilala niya at ngumiti rito, "First job interview?"

Umiling ulit si Irithel, "Pangalawa na. Ang hirap nga maghanap ng trabaho para sa ating mga fresh graduate 'no? Puro may work experience ang kailangan karamihan."

Tumango si Lesley bilang pagsang-ayon. Isa rin kasi 'yon sa dahilan kung bakit tumataas ang unemployment rate ng bansa dahil walang mahanap na trabaho ang mga kagaya niyang fresh graduates. Karamihan nga ay kailangang may work experience para matanggap sa trabaho na paano nga sila magkaka-experience kung walang tumatanggap sa kanila?

"Tapos paasa pa 'yang HR. Ginutom tayo rito." Biro ni Lesley habang nilalantakan nila ni Irithel ang pagkain.

Marami pa silang napagkwentuhan kagaya ng kung saang school sila nag-aral, karanasan nila noong board exam at marami pang iba. Pareho pala kasi silang architect na ngayon.

Maya-maya pa ay biglang dumating ang HR na mag-iinterview sa kanila pero hindi pa rin bumabalik 'yong mga lalaking lumabas para kumain, pero nandoon pa rin naman sa conference room ang mga bag nito.

"Sorry for the delay, we had an emergency meeting kasi. Kindly fill up this new form. Once done, please go outside and wait for your name to be called."

Mabilis silang nagfill up ng bagong form at ibinigay agad sa HR bago sila lumabas. Naiwan sa loob ang bag ng tatlong lalaki.

Tatlo kasi silang babae at 'yong tatlong lalaki na lumabas ang kasabayan niya sa interview. Nauna nang i-interview 'yong isang babae na hindi nila kilala. Naka-earphones kasi ito buong oras at nahihiya naman silang istorbohin ito.

Dangerous Couple || Gusion x Lesley Tagalog One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon