Teaser #3

5.6K 6 0
                                    

Ako si Sophia. 

Namatay sa aksidente ang aking mga magulang kaya naman ang lola ko ang nagpalaki at nag aruga sa akin. Ibinigay niya ang lahat ng aking pangangailangan at itinaguyod ang aking pag-aaral. Tinuruan niya rin ako ng mga mabubuting asal na bitbit saan man ako magpunta. 

Bukod sa aking lola ay parte na rin ng aking buhay si Magdalena, matalik kong kaibigan. 

Unang beses ko pa lang siyang nakita ay magaan na ang loob ko sa kanya. Hindi man maganda ang estado ng kanyang buhay, pero kitang kita ko ang pagiging mabuting tao nito. Naging malapit kami sa isat isa at sinabi ko sa aking sarili na ako ang magiging sandalan niya at ibibigay ko ang lahat ng kailangan niya. 

Pero nagkamali ako. 

May hangganan pala ang aking pagbibigay dahil meron akong isang bagay na ipaglalaban kahit kanino, kahit sa kanya. 

At doon nagkaroon ng problema. 

Isang malaking problema.


ABANGAN. 01.01.2022

Aagawin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon