Chapter 6

5.3K 14 2
                                        

*** Warning: Violence, Rape & Manipulation ahead. Feel free to skip the entire series if you're not into this kind of theme.


Dumaan ang mga araw at buwan, at sa paglipas nito ay tuluyan ko ng pinigilan ang nararamdaman ko para kay Adonis. Tuluyan ko ng tinanggap na para siya kay Sophia at wala na akong magagawa kundi maging masaya na lamang para sa kanila.

Dumaan ang mga araw at buwan, at sinunod ko ang sinabi ko kay Lola Tessa na wala akong gagawin na hindi maganda sa pagitan ng apo nito at ni Adonis. Na hinding hindi na ako magpapakita ng motibo tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya.

Dumaan ang mga araw at buwan, nasaksihan ko ang mas tuminding pagmamahalan ng dalawa; ultimo mga simpleng akbay, paghawak sa kamay at maging sa bewang habang naglalakad.

Lahat ng iyon ay tinanggap ko kahit sobrang sakit. Pinilit kong maging masaya para sa kanila kahit durog na durog na ang puso ko dahil sa inggit at selos.

Marahil ay ito ang kapalit ng pagtigil ni Tatay Tyago na gambalain ako. Pagkatapos kasi nung araw na nagpakita siya sa amin sa labas ng school at nasuntok siya ni Adonis, ay hindi na muli itong nagparamdam sa akin.

Pero ang araw na ito ang pinakamasakit...

Ang araw na ito ang nagwasak sa puso ko...

Ang araw na ito ang nagpaguho sa mundo ko...

"Ready ka na Magdalena? Today is the day! It's graduation day! Ngayon na din natin malalaman kung sino ang summa cum laude sa ating dalawa!" excited na sambit ni Sophia. "Pero kahit na anong maging resulta ng pinaghirapan natin ngayong taon, kung sino man ang mapili na summa cum laude ay walang magbabago sa pagkakaibigan natin. Ikaw pa din ang bestfriend ko at magiging masaya ako para sayo" hinawakan ako nito sa pisngi at binigyan ako ng matamis na ngiti.

Nasa kwarto kami ni Sophia ngayon at nag-aayos ng sarili. Ngayong araw kasi ang aming graduation at ngayong araw din namin malalaman kung sino ang pasok highest honors.

Medyo umaasa ako na ako ang maging summa cum laude dahil iginugol ko ang sarili ko sa pag-aaral. Doon ko itinuon ng husto ang atensyon upang makalimutan ang nararamdaman ko kay Adonis. May mga pagkakataon din na talagang mataas ang lamang ko kay Sophia pagdating sa grades kasi talagang ibinigay ko na ang lahat sa pag-aaral.

"Oo Sophia. Today is the day, lahat ng pinaghirapan natin ng limang taon ay magbubunga na. At hinding hindi ito mangyayari kung hindi dahil sayo. Hinding hindi ako makakapag tapos kung hindi sa tulong mo. Maraming salamat" sagot ko.

"Ano ka ba Magdalena, ikaw ang tumulong sa sarili mo. Ikaw itong nag aral ng mabuti at nagpursigi para makapag tapos. Wala kang dapat ipagpasalamat sa akin kasi maliit na bagay lang ang ginawa ko para sayo. At ngayong graduate na tayo, magbubukas na ang panibagong libro ng mga buhay natin and this time, gagawa na tayong negosyo at magpapayaman" yumakap ito sa akin at gumanti rin ako ng yakap.

"Congratulations Magdalena" anito.

"Contratulations Sophia, at maraming maraming salamat" sagot ko.

Natapos na kami sa paglalagay ng make up at pagsusuot ng damit.

Nakasuot si Sophia ng isang pink na off shoulder cocktail dress na lagpas tuhod, habang ako naman ay naka crop top na polo at midi skirt na parehong puti.

Lumabas kami ng kwarto at nakita naming nag aantay sina Lola Tessa at si Adonis.

Mas lalong gumwapo ang itsura nito sa suot ng itim na Americana at puting long sleeves. Ayos na ayos din ang kanyang buhok na talagang nagpalitaw ng kanyang artistahin na kulay at itsura.

Aagawin Ko Ang LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon