Pangapat

167 0 0
                                    

May kumatok sa pintuan.

    Sabado. Umaga na. Nalaman ni Patrick at ni Rommel kung ano ang nangyari saken bago pa naikwento ng nanay ko. At yun nga, sila na din nagkwento. Di ko na din tinanung kung pa’nu nila nalaman yung panghoholdap sakin kagabi. Sigurado talaga akong wala ng taong gising sa lugar na yun.

    “Par, musta ka na? Bumili lang ang nanay mo ng pang-almusal. Wait ah.” Nag-abot si Rommel ng isang basong tubig para mainum ko. May bandage na nakapalibot sa tiyan ko. Alam kong dinaan na lang ako ni mama sa mano-manong paggagamot.

    Sa ibabaw ng maliit ng drawer sa tabi ng malaking aparador ay nagkalat ang mga bulak na may dugo, isang bote ng Betadine, alcohol at somaphine. Grabe, buti na lang at wala akong malay habang nilalagay yan sakin. Diyan yata ako mas makakatakot. Lalo na sa somaphine, isang powder na parang penicillin din na kapag nilagay sa sugat ay bumubula. Higit pa sa alcohol. Masakit talaga! Huli akong nilagyan ng somaphine eh yung nagkasugat ako sa noo. Tumirik yung mata ko sa hapdi, pero gumaling din naman agad ang sugat. ‘Pag mas matapang ang gamot, mas epektibo.

    Anu’t-ano pa man, nagkwento na si Patrick kung paano niya nalaman yung sinapit ko kagabi. Yung tatay niya pala ang nagsalaysay sa kanya. Tinanung ko siya kung bakit hindi ako niligtas ng kanyang tatay o humingi man lang ng saklolo para matulungan ako, sabi naman ng tatay niya ay mas natakot daw siya sa nakita sa acacia nung bago daw ako tumakbo. Tinanung daw din ni Patrick kung ano yun, tapos pinagpawisan ang tatay niya. Hindi siya sumagot. Nagtimpla na lang daw ng kape.

   “Mamaya, tatanungin ko siya kung ano talaga nakita niya. Baka kasi ninerbyos lang yun. Eh alam mo naman tatay ko madaling mabigla o kabahan. Di ba nga sabi ko sayo may problema yun sa puso.” Bilang at kalkulado ang sagot ni Patrick. Hindi siya makatingin ng derecho saken.

    “Ito na ‘nak oh. Sinangag at itlog, ubusin mo ah.” Kitang-kita pa din ang pag-aalala ni mama. Kumuha siya ng plato, kutsara’t tinidor at doon sinalok ang pagkain. Iniabot niya ‘to sakin. Pero nahiya siya bigla sa dalawang bisita. “Oh kayo, Nag-almusal na ba kayo?”

     “Tapos na po Ate Rose, kumain na po kami ng almusal kanina ni Patrick.” Pagsisinungaling ni Rommel. Tumango din naman si Patrick. Ayaw na din yata nilang makagastos pa si Mama.

      Inalala ko lahat ng nangyari kagabi. Naguluhan ako dun sa tinuro ng kalbong snatcher sa malaking sanga ng Acacia. Yung tatay din ni Patrick may nakita din yata. At may napansin din ako kanina bago ako tuluyang nagpahinga. Matandang babae. Maitim at kulubot na ang balat tapos wala pang balintataw! Parang madre. Ayoko ng maalala yung pagngiti nun saken. Bigla na naman akong kinilabutan.

     Inubos ko ang binili ng nanay ko. Nakadalawang basong tubig. Nag-usap usap pa kami tungkol sa Valentines Day sa lunes. Seryoso man sila sa pagtulong ng panliligaw kokay Roselle, lumilipad pa din ang utak ko dahil sa mga kakaibang kaganapan sa mga nakaraang araw. Na may kasamang pamimilipit kapag kumikirot ang tagiliran ko. Umalis na din ang dalawa. Naghuhugas ng plato ngayon si mama.

     Mabigat ang pakiramdam ko ngayon. Hindi sa sugat kundi sa paligid. Pakiramdam ko may mga nakatingin sakin. Basta. Ewan. Maya’t-maya ay bigla na lang tumataas ang mga balahibo ko.

Sa Aking DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon