Panganim

185 0 0
                                    

      Naalala ko tuloy si Kriselle Ann. Girlfriend ko nung third year. Black beauty. May maikling buhok na hanggang leeg lang. Malalalim ang mata. Matangos ang ilong. At may nunal sa kanang pisngi. Ang totoo hindi naman siya kagandahan. Average lang sa mga babae dito sa school. Hindi masyadong kilala. At gitna lang ng mga matatalino at nagsisipag. Parang ako.

      Naglalakad ako nun sa quadrangle ng school. Maalinsangan ang hangin at tirik ang araw. Lahat ng estudyante na nakapaikot saken ay pa-intsik na ang mata dahil sa init. Hinahanap ko ang G-Tech na ballpen ko na nahulog galing sa 3rd floor ng science building. Tapunan kasi kami ng mga gamit dun. At napasama ang pinakamahal na pag-aaring binili ko sa sariling bulsa. Butil-butil na ang pawis sa muka ko nun pero wala akong dalang panyo. Hindi ko din pwede ipangpunas ang kwelyo ng uniform kasi baka dumumi lang.

    “Asan na kaya yun?” Bulong ko habang hinihingal dahil sa init.

    “Ito ba ang hinahanap mo?”

Pangiti na inabot sakin ng babaeng negra ang black G-Tech sign pen.

    “Salamat.”

Inabot ko ang ballpen sa kanya. Noon pala ay nakatangin na din sa akin ang buong section ko sa 3rd floor ng science building. Nakangisi lahat sa akin. Habang yung nag-abot, ay nakatingin pa din saken na parang may hinihintay. Tinalikuran ko na siya ay humakbang papunta ulit sa building.

    “Wala ka man lang bang sasabihin?” Tinanung niya ako sa pinakasarkastikong tono. Nabigla ako at humarap agad sa kanya. “Ganyan na nga talaga kayong mga special science section, mayayabang.”

     Doon ko lang natitigan ang kanyang mukha. Malalim ang mga mata. Maikli ngunit tuwid ang kanyang buhok na hanggang leeg. Apple style na bangs. Tumikwas ito dahil sa hangin. Agad niya naming inayos ng kamay lang at tumuwid ulit. Pink ang mga maninipis na labi. Matangos na ilong.

    Doon ko lang din nalaman na, napakaganda niya pala.

“Ah, pasensya talaga. Kailangan ko ng umakyat at baka kung anong gamit ko pa ang maitapon na naman. Salamat din pala.” Nginitian ko na lang siya. At saka dumirecho sa hagdanan papunta sa room ko. Hindi ako sanay makipag-usap sa mga babeng hindi ko kilala. Wala rin kasi akong dating sa kanila. Isa pa, takot rin ako sa rejection. Pero sinundan niya ako. Nakakunot pa rin ang noo. “Oh, ano naman yun?”

   “Di ka ba magpapakilala? Kriselle ngapala. Hihi. Ikaw pa yata ang masungit ah.” Pinalitan ng mas malapad ngiti na ang padiagonal na binigay niya saken kanina. Inabot niya ang kanyang kanang kamay saken bilang senyales ng pagpapakilala. Dahil first time, medyo nagdalawang-isip muna ako kung kakamayan ko muna siya. Simple ko na ding pinunas ang palad ko sa slacks ko. 

   “Bryan.” Bilang pa din ang mga salita ko. Nagsisimula na ding magliparan ang paru-paro sa tiyan ko pero mas tinuon ko na lang ang atensyon ko sa hagdan na tinatahak namin habang nagkakakilalanlan. Bagong floorwax kasi at baka madulas pa kami. Pero anak nga naman talaga ng ulopong.

   “ARAGUY!”

  Hindi umabot ang kanang kong paa sa panghuling linya ng hagdan kaya napatalon ako na parang napatid. Akala ko mamumudmud na ang buong katawan ko sa semento pero sinalo ako ni Kriselle. Yakap-yakap.

  Mainit din ang katawan niya. Siguro dahil na din sa init kanina. Ako naman, parang kinuryente sa biglaang pagyakap niya saken ng buo. Di ko alam kung tatawa ako o hindi. Ngumiti na lang ako at pasimpleng tinulak siya ng mahina. Di talaga ako sanay sa mga yakapan! Anu ba yan!

Sa Aking DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon