Pangpito

247 3 4
                                    

    Umuwi ako sa bahay. Walang tao. Pero maayos ang paligid. May agos nga lang ng tubig galing sa banyo. Binuksan ko. Puno na pala ang tubig sa balde. Umaapaw. May nag-iwan ng gripo na nakabukas. Sinarado ko agad. Pinunasan ko na din ng basahan ang tubig na umabot pa sa ilalim ng upuan.

   Naglaba na naman siguro si Mama sa mga kapitbahay. Pagala-gala na naman ang walang kwenta at sangganong lalake. Mainit ang panahon. Maalinsangan na din pati sa loob. Inilapag ko ang bag ko sa sahig kasabay na din ng pagkalapag ng katawan ko sa kama. Inabot ko na lang sa daliri ng paa ang 3 ng electricfan namin. Presko. Matutulog na muna ako.

    “TANG INA!”

   Napasigaw ako ng malakas sabay napatayo. Pawisan. Iba ang panaginip ko.

   Nakakapanindig balahibo.

   Galing sa madilim na sulok, may lumitaw na matandang lalake.  May mga naknak na nagnanana pa sa ulo. Halos wala na din siyang kilay. Doon ko lang din napansin na itim ang buo niyang mata. Makapal at buong-buo ang pagkapula ng dugo na marahan niyang dinudura galing sa bunganga niya.  Nakatuklap naman ang balat niya sa noo na parang kinaskas ng bato. Kulay gray ang kulubot at lukot-lukot ng  balat na parang ilang linggo ng patay. Walang pang-itaas ang matandang lalake na kakahakbang lang papunta saken.

   Napaatras ako, pero hanggang yun na lang ang kaya kong igalaw. May mga maiitim na kamay ng nakahawak sa paa ko. Mahahaba at matutulis ang mga kukong nakatusok na sa mga paa ko. Hindi ko nararamdaman ang sakit pero nakikita ko na tumatagas na ang dugo ko dito. Nanginig ako na parang kinuryente sa takot . Simula sa kadulo-duluhan ng ulo ko ay gumapang ang malamig na haplos ng hangin hanggang sa mga nanghihina ko ng binti. Naramdaman kong parang pinilas ang anit ko sa sobrang takot.

   Nakita kong lubog na ang tiyan niya na parang walang mga laman  loob, at bumabakat na ang mga buto niya sa dibdib.Binuka niya ang bibig niya ng pagkalaki-laki na nabanat na din ang mga labi niya. Nakita ko ang malagkit na dugo na dikit-dikit pa sa mga nangingitim na ngipin niya.

   Dahan-dahan niyang niyupi ang leeg niya pakanan at inikot pa. Narinig ko ang mga lagutok ng buto. Ngumiti siya saken na parang nasisiraan na ng bait. May  panginginig na hinaplos ako sa batok ko.

   At ngayon, as mas nakakagigimbal, ay ang paglabas ng mukha ng isang halimaw sa likod ng matanda. Matigas na pula ang bakbak din nitong balat. Namamaga ang kilay niya sa ibabaw ng nanlilisik na mga mata. Labas ang mga pangil niya sa bibig. May sungay. Dalawang sungay na umiikot paloob ang dulo. Isang impakto. Hindi. Isa siyang  demonyo!

   “Ayoko na! Tama na. Ayoko ng makita ‘to. Ayoko!” Ipinikit ko ng madiin ang mata ko sa sobrang takot. Hilakbot. Nakakapanghilakbot ang itsura nila.

   Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa pisngi ko. Hiningang may kasamang nakakapanindig balahibong tunog. Umiikot ang paghinga na yun sa mukha ko. Alam kong nasa harapan ko na siya. Ibinukas ko ang mata. Hindi ko na mailarawan ang itsura ng demonyo.

  “Alam mo ba Bryan, dapat ikatuwa mo ang pagkakita mo sakin. May kapangyarihan ka ng makita ang hindi nakikita ng pangkaraniwang mata ng tao.” Garalgal at higante ang boses. Lalong bumigat ang buong pagkatao ko sa gimbal na dinagdag niya na may kasamang halakhak. “Makakakita ka na.”

   Hindi ko na kayang alalahanin ang panaginip ko. Bumibigay ang isipan ko sa takot. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong sa kahit kanino. Pero magmumukha lang yata akong tanga at pagtatawanan sa sasabihin ko. Kahit nanay ko di maniniwala saken.

   Nakaramdam ako ng sobrang uhaw. Uminom agad ako ng tubig. Wala pa ding tao sa bahay. Kanina bago ako matulog, nakabukas naman ang electricfan. Ngayon patay na. Kaya pala ang init. Alas sais na pala.

“Pare, muntikan na akong makagat ng asong pakyu kanina.”

   “Anung asong pakyu?”

   “Basta.  Mas nakakatakot siya sa kaysa asong ulol. Mas mahahaba          at matutulis ang ngipin. Mas naglalaway. Mas mukhang adik at nakamarijuana. Mas madaming galis at bilang na lang ang balahibo. Mas maraming pulgas, lalo na sa tenga. Grabe, pare. Tapos yung ilong niya barado na ng kulangot. Yung tenga niya naman parang tulad sa rabbit. Nakakadiring aso talaga. Yun ang asong pakyu.”

   “Oh? Grabe yun ah. Delikado nga. Buti naman at di ka nakagat.”

   “Baka ‘pag kinagat ako ng asong pakyu magkatetanus pa siya. Haha.”

   “Hahaha.”

   Muntikan daw makagat ng asong may rabies si Herbert. ‘Asong Pakyu’ daw sabi niya.  Buti na lang daw at may dos-por-dos sa may gilid na nakita niya sa daan. Hinambalos niya sa ulo ang aso. Comatose. Agad namang kinuha ng mga nag-iinumang tambay ang katawang lupa ng aso para idagdag sa pulutan nila. Kinatay. Nakonsensya pa nga daw si Patrick sa ginawa niya. Inuwi niya pa ang dos-por-dos, remembrance daw.  

    Si Rommel naman, takot sa aso. Na-trauma nung kinagat siya nung bata pa siya. Nilapa talaga ang paa niya, kaya meron siyang malaking peklat sa binti. Kunwari interesado sa pinagkwekwento ni Patrick pero kanina pa namumutla. Grabe din kasi magdescribe si Patrick. Parang wala namang ganun. Kung meron man, mas malala pa din yung nakita ko sa panaginip ko.

   Mainit pa din kahit alas kwatro ng hapon. Nakatambay kami ngayon sa shed tapat ng gate ng school namin. Nagpapatay ng oras. Biyernes ngayon, at wala namang klase bukas.

   “Eh kung ituloy na lang natin ang kwentuhan sa bahay niyo, Rommel. Wala namang pasok bukas. At kailangan na natin ng meryenda, hindi umabot sa esophagus ko ang turon na kinain ko.” Bagot na nagsalita si Patrick.

  “Oo nga naman, pre. Tsaka di pa talaga kami nakapunta sa inyo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Aking DemonyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon